Chapter 9 [Déjà vu?]*

3.2K 48 11
                                    

 Dedicated sayo anak kong maganda, KellyWushu!

Salamat sa suporta :) <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
 

[Déjà vu]

(Same day sa Chapter 8)

*KRINGGGG KRINGGGG*

Ugh. Salamat naman at uwian na.

Grabe medyo nakakapagod din yung PE namin. Kung anu-ano pinagawa samin. Tsk. Makalabas na nga.

“Chessa! Chessa!” Ay makasigaw naman toh =___=

“Bakit?” Sabay lingon sa tumawag. Oh si Luigi pala.

(Luigi's picture at the right :D) 

“Kakain ka na ba ng lunch?” Anong oras na ba? 

Napatingin ako sa wrist watch ko. Oh, malapit na pala mag-twelve.

  

“Uhmm...Oo. Magte-twelve na din eh. Ikaw?”

"Oo! ^___^" Ang kulit niya talaga. Parang hindi 4th year kung magsalita. Tss.

 "Sige. Tara. Sabay na tayo." Ngumiti lang siya at naglakad na kami papuntang cafeteria.

"Anong gusto mo?" tanong niya habang nakapila sa bilihan ng pagkain.

Ano nga ba? Ang hirap pumili. Masarap naman lahat eh.

"Lahat nalang yan." 

JOKE. Syempre hindi ko sinabi yun noh. Kapal naman ng mukha ko at ang takaw ko kung ganun.

"Bahala ka na. Maghahanap lang ako ng upuan ha." Sabi ko sa kanya at tatalikod na sana ako nang bigla siyang mag-salita.

"Ha? Ah eh mer--Okay." Ano? Ang gulo. Tss. Wag na nga intindihin okay daw eh.

Nang nakahanap ako, umupo na agad ako.

Hindi ko pa nakikita si Drake ngayong araw. Nasaan kaya yon? 

Eto kayang si Luigi? Dapat ko na kaya siyang pagkatiwalaan? Tss. Ewan ko. 

Kumain na kami ni Luigi.

  

Grabe! Kahit para siyang bata, ang dami paring nagkakagusto sa kanya. Hindi naman sinasabi nung mga babae pero halata naman eh. Nagpipigil sila ng kilig na siya namang nakikita ko.

Ewan ko kung alam din ni Luigi. Pero basta. Mabait pala talaga siya.

Bawat babaeng babati sa kanya, babatiin niya rin o kaya ngingitian. Odiba?! Ang bait. Yung iba nga, inaalok niya pa ng pagkain. Tapos lagi siyang naka-ganito ^_^ o kaya ^o^

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon