Habang nasa eroplano na sila aiah at ang mommy nya ay hindi parin maalis sa mga mata ng dalaga ang bakas ng lungkot at sakit buhat nang pag hihiwalay nila ni vince, hindi nya lubos maisip na hahantong ang isang masayang pagsasama sa ganitong sitwasyon. Habang naka upo si aiah sa tabi ng bintana ay malayo ang tingin nito at inaalala ang mga pinag samahan nila ni vince, hindi mapigilan ang pag daloy ng mga luha sa mata ng dalaga dahil sariwa pa sa kanya ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni vince. Napansin ito ng kanyang ina at inabot sa kanya ang panyo, "Anak ? Wag kana umiyak magiging okay din ang lahat" ika ng ina. Kinuha ng dalaga ang panyo at niyakap ang ina " Sana nga ma, mahal na mahal ko si vince ma at hindi ko gustong saktan sya" sabi ni aiah, pinunasan nya ang mga luha sa kanyang mata kinuha ang cellphone at earphone, nilagay ni aiah ang earphone sa kanyang tenga at nagpatugtog ng nakakaiyak na kanta sabay tingin ulit sa bintana.
Ilang oras ang naka lipas naka uwi na ng bahay si vince, binuksan nya ang gate at hindi nya na ito sinarado ulit dahil nasa garahe naman ang kanyang kapatid na Isshie. Dumiretso si vince sa kanyang silid at nag mukmok buong magdamag, hindi alintana ni vince ang gutom at pagod dahil sa kanyang pag iyak. Hawak hawak ni vince ang kanilang mga larawan ni aiah at isa isa itong pinag mamasdan, kinuha ni vince ang kanyang cellphone at nakita nya ang iniwang mensahe sa kanya ni aiah. Binasa ito ni vince at hindi pa nya natatapos basahin ay lalong tumulo ang kanyang mga luha, nag umpisa nang umiyak si vince na parang batang inagawan ng pagkain. Ilang oras na ang naka lipas pero hindi parin natatapos ang pag iyak ni vince, parang hindi nauubos ang kanyang mga luha, hindi alam ni vince ang kanyang gagawin at kung kakayanin nya pa dahil wala na si aiah sa buhay nya, wala na ang babaeng pinaka mamahal nya, wala na yung babaeng kasama nya sa lahat ng kalokohan at higit sa lahat, wala na yung babaeng nag bigay sa kanya ng rason kung pano mabuhay ng masaya.
Kumatok sa pintuan ng kwarto ni vince ang kanyang kapatid na si isshie at niyaya na sya nitong kumain dahil alam ng kanyang kapatid na wala pa itong kain simula ng umalis ito ng bahay, ilang beses nang paulit ulit ang pag katok ng kanyang kapatid ngunit walang sagot si vince kaya naman ay hindi na sya inistorbo ng kapatid. Dahil sa sakit na nadarama ni vince ay nagpatugtog na lang sya gamit ang kanyang cellphone, pinatugtog nito ang paborito nilang kanta ni aiah na "ON THE WINGS OF LOVE". Habang nakikinig ang binata ay inaalala nya ang mga kulitan, tampuhan, kalokohan, tawanan nilang dalawa ni aiah sa kanilang tagpuan. Sa di masabing dahilan ay biglang naisip ni vince na mag sulat at eto ang kanyang naisulat.
"You know how when you listen to music playing from another room ang you're singing, because it's a tune that you really love...
When a door closes or a train passes,so you can't hear the music anymore but you sing along anyway.
Then, no matter how much time passes when you hear the music again, you're still in exact same time with it.
That's what it's like.
That's what LOVE is.
You brought me sunshine when i only saw rain.
You brought me laughter when i only felt pain.
Close together or far apart, you're forever in my heart.
You give me butterflies, you make me feel like i can fly.
You got me off the ground and i don't wanna go down.
I melt everytime you look at me that way.
It never fails, anytime, any place.
This burn in me is the coolest things i've ever felt, i melt.
You are every reason, every hope, and every dream i've ever had and no matter what happens to us in the future, everyday we are together is the greatest day of my life.
From the day you walked into my life, you're all i think about.
You're the reason i breathe.
You are the stars in my sky.
I wouldn't want this any other way, you're the love of my life.
I made for you and you for me but why did you have to leave me ? Leave me alone here with all the pains that you give ??
I thought we we're forever but you gave up.
Our dreams, plans, future, memories are now faded.
I cant leave without you, i can't face the another day without you, I miss your smile, laught, cudles. kisses, i miss your love."
Pagkatapos magawa ni vince ang kanyang isinulat ay naisipan nyang gawan ito ng video ng mga larawan nilang dalawa ni aiah. Ilang minuto ang naka lipas, hindi pa man na save ni vince ang video na kanyang ginawa ay nakatulog na sya dahil sa pagod.Umakyat sa kanyang kwarto ang kapatid na si isshie at binuksan ang pinto gamit ang susi na nakalagay sa kanilang sala, nakita ni isshie si vince na natutulog habang katabi ang laptop nito at nang makita nya ang gawa ng kapatid ay may naisip syang gawin...
BINABASA MO ANG
Shower of Memories
RomanceMakakamove-on na sana si *girl* nang sa 'di sinasadyang pagkakataon ay napunta siya sa lugar kung saan sila madalas noon ng ex niya. Saksi ang lugar na iyon sa lahat ng pangako, pagmamahalan, at kahit pa tampuhan nila ni *boy*. Sa isang iglap ay mas...