Intro 1.

3K 38 1
                                    

"Pwede kaba bukas? Relieve mo ako hindi kasi ako pwede mag duty ei, may lakad akong importante" ang bungad sa akin ng kaibigan at katrabaho na rin dito sa hospital na pinapasukan ko. Iba rin kasi ang policy ng hospital namin, hindi man lang magawang mag hire ng mga nurses na pwedeng mag duty sa mga ganitong panahon. Minsan napapaisip ako bakit ba ako ng Nurse, kung gaano karami ang trabahong ginagawa mo sa loob ng 8 oras na duty mo ganun din kaliit ang sweldo mo. Kaya minsan tinatanggap na rin namin maging reliever ng kapwa nurses namin sa mga oras na hindi sila pwede mag duty. Pera din yun kahit papaano. Pamasahe't pagkain na rin.

"MAGANDANG UMAGA SAYO" ang pabalang kung sagot sa kaibigan ko. Hindi man lang ako nagawang batiin at hintayin makaupo man lang bago sabihin ang request. Kahit kilan talaga may tupak ang isang to. Ewan ko ba anong trip nito sa buhay. Laging masigla kahit sobrang toxic na siya.

"Good Morning din Kent" ang natatawang sagot niya sa akin. "init ng ulo natin ah" biglang dugtong niya sa kanyang pagbati habang inaayos ang kanyang mga gamit.

"Hindi mainit ulo ko baliw" ang sagot ko nalang sa kanya para matapos na kanyang pagtatanong.

"ano duty mo ako bukas?" ang tanong ulit niya sa akin.

"Oo na, duty kita pero alam muna" ang sagot ko sa kanya habang nakapalad ang isang kamay ko sa kanyang harapan.

"grabe ka talaga kent, pagdating sa pera gusto mo ura urada" ang natatawang sagot nalang niya sa akin habang binibigay ang bayad.

"kilala mo ako, makakalimot akong tao kaya pwede hindi na kita masingil pag nagkataon, hindi ka pa naman nagbabayad kung hindi kapa sisingilin" ang sagot ko sa kanya habang chinicheck ang medicine cabinet kung anong kulang na stocks na gamot para ma request ko narin.

"oo na lang" ang biglang sagot niya sa akin. "okey na yan mga stocks dyan, nag request na ako kanina, hintayin mo na lang na dalhin nila dito, wag mo yan ei check, yung mga charts anjan na rin, na inform ko narin ang janitor na maglinis dito, na check ko narin ang mga oxygen tanks lahat na yan okey kaya wala kanang problema, kahit may biglang dumating na emergency case hindi ka matotoxic kaya relax ka lang" ang mahaba niyang monolog sa akin habang papalabas ng emergency room.

"THANK YOU,The Best ka talaga, kaya ikaw ang pinaka gusto kong reni receive kasi laging all doned. Mapa after care man." ang nakangiting sagot ko sa kanya.

"sige na uwi na ako, kanina pa nakauwi yung partner ko ei" hinintay lang talaga kita para kausapin about sa relieve" ang paalam niya sa akin.

"Thank you ulit, padating na rin siguro yung partner ko" ang sagot ko sa kanya

>Sa loob ng tatlong taon kong pagt't'rabaho dito sa hospital ni minsan wala akong nakaalitan dito kahit ON CASH ako magbayad pagdating sa relieve. Maayos naman akong katrabaho kung maayos karin sa akin. Kung baga bawi bawi lang yan. Kung may pabor silang hiningi sa akin tulad ng re insertion ng IV(intra venous) o kaya gusto nila magpa assist sa patient nila tinutulungan ko sila. Ano naman ang mawawala sa akin diba wala, kaya ayon dakilang taga tulong sa kanila. May benefit rin naman kahit papaano. LAGING LIBRE ANG SNACKS.<

Kanina pa ako nagsasalita hindi man lang ako nagpapakilala. √KENT LOPEZ ang pangalan ko, KE ang tawag sa akin ng mga kakilala ko. Ewan ko ba kung bakit, hindi naman kahabaan ang pangalan ko tinamad pa sila. Mga dakilang tamad talaga. 27 years old na ako at isang registered nurse dito sa probinsya namin. Emergency Room nurse ako dito, masaya na nakakapagod ang trabaho, lalo na't nakakatulong ka sa kapwa mo. Yung akala nila superhero ka minsan dahil sa ginawa mo sa pasente nila. Kunting THANK you na nila sobrang laking bagay na yun. Kaya kahit sobrang liit ng sweldo nakatagal pa ako dito ng tatlong taon. Worth it din naman kasi halos araw araw may natutunan ka, yung mga iba't ibang storya ng mga pasente mo. Minsan nadadala mo pa yun sa pag uwi hanggat sa pag tulog. Kung tungkol naman sa physical na anyo ko. Ano nga ba? Hmmm 5'5 lang ako, hindi katangkaran, hindi maputi hindi rin maitim kahit probinsya ako lumaki. Kayumaggi talaga kulay ko. Hindi maipagkakaila na pure pinoy ako. Sa isang Private school ako nakapagtapos ng elementary at college. Public school naman sa high school. Kaya alam na alam ko ang ugali ng mga tao na galing sa parehong skwelahan. Nagagamit ko dn yun sa trabaho ko. Lovelife? Nagka Girlfriend na ako since high school. Ilan na ba? 8 na ata kasama college. Pero 3 lang talaga yung sineryoso ko dyan. Yung seryosong iniyakan at nag effort ka pero wala ei. Walang Forever talaga. How sad. Napapangiti na lang ako habang iniisip ko mga kalukuhan ko dati. Bilis ng panahon. Pero heto parin ako walang pinagbago.

Ang Nurse ni Rude Bussinessman.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon