Chapter 33
//
Huminga ako ng malalim at humarap sa kaniya. It's now or never.
" Kaya hindi kita pinapansin, dahil dun sa babaeng yon! Dahil sa ex-girlfriend mo! " sigaw ko sa kaniya sabay talikod ko agad dahil nagtitinginan na pala ang ibang mga tao sa akin. Dahil na din siguro sa ginawa kong pagsigaw.
" Kay Daisy? " tanong niya.
" Hindi. Si Joshua. " saracastic kong sagot sa kaniya. " Eh sino pa nga bang ex mo? Si Daisy lang naman diba. "
Tama. Si Daisy ang first and last girlfriend niya. Kahit madaming may crush sa kaniya o kaya naman mahal siya, never na siyang nanligaw. That's all I know dahil hindi naman ako chismosang tao, sadyang naririnig ko lang sa mga classmates ko. Pero syempre, hindi ko alam kung bakit sa dinami dami ng mga babae, ako ang niligawan niya.
Pero ang tanong, mahal niya nga ba ako? Nakakapagduda din kasi at hindi lang yun, kahit na paulit ulit ko na 'tong sinasabi, nasasaktan talaga ako.
Bigla niya akong hinawakan sa kanang braso ko at iniharap ako sa kaniya. " Wag ka nga magalit sakin. Let me explain first, ok? " sabi niya.
" Alam ko namang si Daisy talaga ang mahal mo. " mahinang sabi ko sa kaniya.
" What?! " bulaslas niya. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Pero halata ko naman eh. Pano ba naman, araw araw kaya silang lumalabas ng magkasama.
" Lagi nga kayong magkasama. " straightforward kong sabi.
Bigla niya kong hinila para maupo sa isang bench sa gilid. " Inaamin ko, lagi nga kaming magkasama. Pero the truth is, i don't love her anymore. Parents ko ang may gusto na magkatuluyan kami. They say it's for our company. Wala naman akong magawa dahil mahal ko sila. "
Natahimik ako sa sinabi niya. Parehong pareho kami ng pinagdadaanan ko ngayon. I can now feel what he is trying to say. Kahit ayaw niya, kailangan talaga. Hindi lang para sa kompanya kundi dahil mahal din niya ang magulang niya. Ayaw niya maging selfish.
" Naiintindihan mo na? " tanong niya sakin.
" Oo, naiintindihan na kita dahil parehong pareho tayo ng sitwasyon. " sabay yuko ko.
" Anong pareho? You mean, between you and Joshua? " sabay kunot ng noo niya. Halatang naguguluhan siya sa sinasabi ko.
" Tama. Yung tungkol samin ni Joshua. Parents ko lang din ang may gusto na maging magfiancé kami. " sabay tingin ko sa kaniya. Sasabihin ko na ba yung salitang matagal ko ng gustong sabihin? Sasabihin ko na ba na mahal ko siya? Kaya ko ba 'to?
" So hindi mo siya mahal? " tanong niya sakin sabay hawak sa dalawang kamay ko.
Huminga ulit ako ng malalim at tumingin ng diretso sa mga mata niya. " Hindi ko siya mahal... Dahil.. Ikaw.. Ikaw ang mahal ko. " after kong sabihin ang mga katagang yun, parang may nawalang tinik sa dibdib ko. Agad akong nakahinga ng maayos. Wala na yung sakit.
Biglang parang napunta ako sa langit ng yakapin niya ako. " Hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko ngayon pero salamat Eunice, salamat at minahal mo ako. " bulong niya sakin tsaka siya bumitaw sa pagkakayakap niya.
Saktong dating naman nina Joshua at Daisy kaya agad kaming tumingin sa magkaibang direksyon. Tumayo bigla si Adrian at lumapit kay Daisy. Haaaaay. Medyo kumikirot padin ang puso ko sa nakikita ko kahit alam ko na ang dahilan.
" Tara na Eunice. " sabay abot ni Joshua ng kamay niya kaya naman inabot ko na ito at tumayo na din sa pagkakaupo ko.
Nagsimula na ulit kaming sumakay sa iba't ibang rides. Para kaming mga bata na masayang masaya sa pagsakay. Kaso mas masaya siguro kung si Adrian ang katabi ko sa bawat rides. Siguro masaya kami ngayon kung hindi ko na pinilit na kaya niyang magbago.
" Okey ka lang? " tanong sakin ni Joshua.
Tumingin ako sa kaniya. Siguro alam niya na ang sagot ko dahil agad niyang tinawag sina Adrian at Daisy.
" Oh bakit? " tanong ni Adrian.
" Masama kasi pakiramdam ni Eunice, uuwi na kami. " paliwanag naman ni Joshua.
" Sorry. " sambit ko. Hindi ko naman kasi talaga gusto na sirain ang araw na 'to. Sadyang mas gusto ko na lang magpahinga kaysa dahan dahang tinotorture ang puso ko.
Kinuha ni bigla ni Joshua ang phone niya at may kinausap.
" Nahihilo ka ba? " tanong ni Adrian, umiling-iling na lang ako. " Okey ka lang ba? " tanong niya pa.
" Oo, Adrian. I'm fine. " sagot ko.
" Okey daw siya Adrian, hayaan mo na siya. " sabi ni Daisy na akala mo alam ang lahat.
Biglang lumapit sa amin muli si Joshua at halata sa mukha niya ang pagkadismaya.
" Bakit Joshua? Ayaw mo pa bang umuwi? Kaya ko pa naman eh. " sabi ko sa kaniya. Baka kasi dahil sa akin kaya siya nadidismaya ngayon.
" Hindi yun eh. Gusto sana kitang iuwi na kaso di pa daw tayo masusundo ng driver namin. " paliwanag niya sakin habang napakamot siya sa batok niya sa dismaya.
" Ka-kaya ko pa naman eh. " pilit na sabi ko sa kaniya kahit sa totoo eh gustong gusto ko ng umalis.
" Wait. Ako na ang maghahatid sa kaniya. " sabat ni Adrian sa usapan namin ni Joshua.
" Ayoko. Hindi pwede. " sabi ni Joshua.
" Let her decide. " napalunok naman ako sa sinabi ni Adrian.
" Sige, ihatid mo ko. " straightforward na sagot ko. Halata naman na gusto ko siya makasama diba?
" Ingatan mo siya Adrian. " paalala ni Joshua sa kaniya atsaka ako nilapitan ni Joshua at hinalikan ako sa noo. " Mag-ingat ka din. Pati yang puso mo, ingatan mo. " bulong niya sakin atsaka lumayo. Bakit kailangan niyang sabihin 'yon?
" So, let's go? " sabay lapit sakin ni Adrian.
--
Vote and comment po kayo :)
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED