Chapter 42 - Yin & Yang

1.3K 67 66
                                    

  Oh, angel sent from up above

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

  Oh, angel sent from up above

You know you make my world light upWhen I was down, when I was hurtYou came to lift me up 

----

Ilang minuto din ang lumipas at malapit naring matapos yung pinapanood namin nang may magdoor-bell. Tutok na tutok yung kambal sa panonood. Si Loki naman ay nasa paanan ko lang. Buti nalang at di pa nila pinagti-tripan. Scary daw kasi yung eye sabi ng mga baby-ik ko.

Tumayo ako para pagbuksan ng pinto kung sino man yung nandun. It must be Ivo. Nang mabuksan ko nga yung pinto ay andun si Ivo, may dala-dalang Ice Cream at isang tangkay ng sunflower.

"Hi!" bungad nito.

Nginitian ko lang. Nasa ganun kaming posisyon nang may magsalita.

"Who are you?" tanong nito, tumingin kaming pareho ni Ivo. It was Tep.

"My brother is asking" dagdag naman ni Bastie na noon ay nakapamewang na animoy isang mama dun. Napangiti nalang ako.

Nakita kong nagkunot ng noo si Ivo "Sino tong mga asungot na to?"

I just smirked at him.

"Tito-Dad oh, he called us asungot" sumbong ni Bastie.

"Oh, spokening dollar tong mga to ah, imported. Anak ng Ex mo?" si Ivo.

I just nod at him.

"Is he there?" tanong ulit nito.

Umiling lang ako.

"Good!" maikli niyang tugon saka ngumiti. Nasa pintuan parin si Ivo noon.

"Hey ugly stranger, why are you holding a flower?" tanong ni Bastie. Natawa ako dun sa ugly.

"Nak ng tokwa tong mga anak-anakan mo, ugly daw oh. Gwapo ko kaya"

"Hindi nagsisinungaling yung mga bata Primitivo"

"Are you Tito-Dad's boyfriend?" tanong ni Tep. Kung mag-usisa naman tong kambal akala mo naman matanda na sila.

Lumuhod si Ivo para pumantay sa height nina Tep at Bastie.

"Hi kids, I'm Tito Ivo. I'm your Tito-Dad's friend. Just friend for now" pakilala niya. Tumingin yung kambal sa akin, parang may inaantay na confirmation. Tumango nalang ako sa kanila.

"Do you like my Tito-Dad?" tanong ni Tep.

"So much baby. I like him so much. And I love your Tito-Dad"

"But Daddy loves him more" sagot nito.

Nagtitigan nalang kami ni Ivo.

"Come, let's watch Kung Fu Panda" pag-aaya naman ni Bastie, si Tep naman ay parang unconvinced yung look niya. As always, itong si Tep talaga yung tipo na ganun. Mahirap siyang i-please.

Little Mix's Tape (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon