Ace Scarlett's POV
May nagaganap na program ngayon sa school,madami ng nakapag perform at mamaya maya kami na..
"Now ! Let us see a dance performance by Airhigh dance company!!!!"
*clap clap clap!!!! 157x
Bumilis ang tibok ng puso ko,nanlalambot din ang tuhod ko,pinagpapawisan ako ng malamig di sa natatae ako kung di dahil biglang tinawag kame para magperform
"Ano! Sunod na tayo?!"sabi ng ka member ko
"Kala ko ba pagtapos pa tayo ng.. Blah blah blah" tugon ng isa na hindi ko na napakinggan dahil sabay sabay na kaming pumunta sa harap para magperform
Bago mag-play ang tugtog ay marahan kong pinagmasdan ang mga taong sabik na makita ang sayaw namin,inaamin kong kinakabahan ako dahil sa mga alien na... Ay este tao na nakatingin samin na nagpapakatog ng aking tuhod
"We-e-e-ellness makes you feel go-ood🎵🎵🎶"
Masigla kaming sumayaw dahil sa nakakaindak na beat ng nutrition song na sinasayaw namin,nagpapalakpakan at humihiyaw ang karamihan sa mga nanonood,masaya ako dahil di ako nagkamali sa steps.
"Wow! That's an energizing performance by our very own Airhigh dance company!!!" Sigaw ng host ng program
*clap clap clap 202x
Success!!!!!
Natapos ang aming performance at naupo sa assign. Seat ng Airhigh dance company,ramdam ko ang pagod at relief dahil tapos na kaming magsayaw.naupo ako sa bandang harap kung saan kitang kita ang mga kaganapan sa harap,kasalukuyang nagpe-perform ang choir isa itong musical play
"At kung ikaw ay nakatawa ,ako pa ba ay nakikitaa-ah🎶🎶🎵"
Sabay sabay na nakanta ang choir habang may nagaaction-action sa harap,medyo na boboring na ko....
*waaaaa!!!! Kyaaaaa!!!!!!!
"Gooo Hyong!""Kyaaaa ampogi mo Andrei!!!"
"Kyaahhh go baby!!"
"Asawa ko yannnn waaaa!!!"
"Omg!!! Anakan mo ko andrei!"
Pota! Halos matanggal ang tenga ko sa mga babaeng kita na ang litid kakasigaw sa likod ko isama mo na rin ang mga babaeng ka member ko sa sayaw kung makapagcheer sa nagpeperform wagas.
Kung kanina ay nabobored ako ngayon naman ay malapit na kong makasapak sa kakatili ng mga kingina! Pinagmasdan ko ang mga lalaking tinitilian nila at di ko mahanap kung ano ang kinagwapo nila sa ginagawa nila,pwe! Nawalan na ko ng ganang ipagpatuloy ang panonood kaya nagbihis na ako ng pang school uniform dahil may panghapon pa na klase.
"Ace nakita mo si ano..si Hyong?kyaaaah!!! Ampogi shet shet!"Penelope* salubong sakin ng kaibigan ko paakyat ng classroom
"Hah, oo ! Sino si Hyong?" Inosenteng tanong ko
"Yung maputi na singkit na matangkad na maputi tas ang puti kyaaaaa...!!!! Si chinito ko"
-_-
"Ano kaba ! Bat ka kase umalis!" Corinne*
"Ang ingay kaya! Konti nalang makakasapak na ko kanina" paliwanag ko
"Ayy,sayang di mo naabutan si Andrei sobrang hot nya!" Dagdag pa ni Corinne
Wtf? Sino naman si Andrei? Aish!!!
Di na ko nagabala pang tanungin kung sino ang mga poging pinagsasabi nila dahil di ako interesado.
Nagsimula na ang unang subject namin sa hapon at wala ako sa wisyo para makinig sa discussion dala ng sobrang antok at pagod knina sa program.
*Uwian
Natapos ang buong klase ng wala akong natutunan dahil sa paglalakbay ng aking utak at kaantukan.Walang kalatoylatoy akong umuwi ng bahay at natulog.
YOU ARE READING
Chat gone wrong
HumorKapakyuhang storya kung saan malaking disappointment lang ang mapapala./.