"Ala-ala"

1 0 0
                                    

Relasyong masaya na walang problema
Mga pagsubok sa buhay ay na kaya
Tayo'y nagsumpaan ng panghabangbuhay
Magsasama at hindi maghihiwalay

Akala ko sapat na ang lahatng ito
Lahat ng bagay binigay ko sayo
Buong puso kong inalay sayo lahat
Puso't kaluluwa hindi paba sapat?

Manananatili na lang bang ala-ala
Lahat ng pinagsamahan nating sinta?
Ikaw lang ang minahal ko ng lubusan
Sana ay 'wag mo itong kalilimutan


Ang matatamis nating pagtitinginan
At walang hangganan na pagmamahalan
Bakit naglaho lang 'to sa isang iglap?
Kisap mata ko'y sana'y hindi na kumurap

Masayang ala-alanating dalawa
Noong panahon na tayoy magkasama
'Wag sanang ibaon sa limot ang lahat
Kahit ala-ala lng saki'y sapat

Hindi man tayo para sa isat-isa
Laking pasalamat at 'kay nakilala
Naging parte ka na rin ng aking buhay
At ala-ala natin na aking taglay

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Ala-ala"Where stories live. Discover now