Chapter 1: Born of the Vampire

249 5 0
                                    

Gabi. Sa Plaza, sa Mt. Wizard. Bilog ang buwan. 

"hahaha!!!"

isang malakas na tawa ang narinig ni Jiro habang naglalakad at nagmamasid. Nakatayo naman sa tuktok ng simbahan si Devil Mask. Sa background ng buwan.

"Natunton mo kaagad ako Jiro! Napakagaling!", Devil Mask. May ngising dugtong.

"Siguro naman mananahimik ka na kapag natapos na itong gabi na ito?", mahinang sagot ni Jiro. Maangas.

 "Napakalakas mo na talaga Jiro."

"Wala na akong oras sa mga bagay na ganiyan, TAMA NA ANG SATSAT! SIMULAN NA ANG LABAN!", sagot na pasigaw ni Jiro. badtrip.

(Nag-apoy ang kamay ni Devil Mask na kasabay ng pagbunot naman ni Jiro sa kaniyang Silver Blade)

"aaaaahh!!.." sumisigaw habang sinasalubong ang mga apoy na binabato sa kaniya ni Devil Mask.

"kung sa tingin mo ay matatalo mo ako nang ganiyan mong pag-atake, e, kailangan ko na yatang tapusin agad ito nang mabilisan.", sagot ni Devil Mask

"(Shadow Slash!)" (mabilis na atake)

"Napakahinang nilalang. Ayan na ba ang atake mo na kayang tumapos sa kagaya ko?", sambit matapos salagin ang atake ni Jiro.

wiisshhh.... Mabilis na kilos ni Devil Mask na hindi napansin ng Bampira.

Nagliliwanag sa kuryente ang kamay ni Devil Mask... sabay atake nang mabilisan kay Jiro... at nang makalapit, sabay bulong sa tenga ni nito.

"Ayos ba?" dilat ang mata ni jiro nang mapakinggan ito.

"WAAAAAAHHHH!!...", sigaw ni Jiro habang nakatusok sa tiyan niya ang kamay ni Devil Mask na punong-puno ng kuryente..

Nagpagpag ng kamay ang demonyo. habang nakatalikod sa umuusok na katawan ng nakaluhod na bampira.

"Napaka walang kwenta kung ikaw lang pala ang haharap sa kagaya ko", pahabol na yabang ni Devil Mask

Habang naglalakad ang demonyo. Dumilat ng kaunti ang nanghihinang bampira at pumikit saglit. At sa pagdilat, isang malakas na Aura o enerhiya ang nagbalik.

"hm.." pikit. "hm..." dilat. "ako naman panget!", sabi ni Jiro kasabay ang mabilis na pagkilos palapit sa kalaban

"op! ingatan mong dumampi ang kamay mo sa katawan ko.", sambit ni Devil Mask pagkatapos ilagan nang payuko ang muntikang paghawak sa ulo niya sa tiwarik ni Jiro.

"osige! bago mo sabihin na walang kwenta ang pag-atake ko sayo, bakit hindi mo muna pag-aralan kontrahin ang mga susunod kong pag-atake sayo.", sagot ni Jiro habang inaatake si Devil Mask. napakabilis na sabayan. Kumikislap ang bawat salubungan.

"ahmm... sige, pakikontra na rin itong suntok ko sayo!", sagot ni Devil Mask. walang buwelo. mabilis lang talaga.

Hindi nailagan ni Jiro ang pag-atake ni Devil Mask. Na naging dahilan ng pagtalsik niya. Lumipad. pero patalsik. Nahampas sa pader ng isang gusali.

"Masakit din yang ginawa mo aa." puro galos ang katawan ni Devil Mask galing sa espada. "Sige makulit ka e, para manahimik ka na at malaman mong nagkamali kang pigilan ang hari ng kasamaan", paghahanda ni Devil Mask

 "(FULL FIRED!)", nag-apoy bigla ang buong katawan ni Devil Mask. 

"mukhang mahihirapan ako sa pagkakataong ito aa..", bulong ni Jiro sa sarili habang pinipilit itayo ang nanghihinang katawan sa naganap na pag-atake.

El Fantasia (The Vampire and the Mask)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon