Chapter 2: When I grow up!

87 1 0
                                    

Sa likod ng bahay...

"Yaah!!,, Haah!! ... .. Haah!!"

"saglit lang ama!!.. ", pagod na bata. pawis.

"dapat hindi ka tumitigil, at huwag kang hihinto hangga't hindi mo nadadaplisan ang kalaban mo!", habang patuloy sa pag-atake.

"pero ama, sobrang sakit kasi ei. ", hingal na sagot.

"tandaan mo! ang pagiging swordsman ay punung-puno ng iba't-ibang kwento pero may isang bagay na buong buo sa pagiging swordsman. Ang paghihiganti!", sambit ng ama sabay baba ng kahoy na espada

"anong ibig sabihin mo ama?", tanong ni Jiro

"hindi ko kailangang sabihin sa'yo ang lahat ng bagay. Ikaw mismo ang kailangang umalam"

"tara! kumain na tayo", habol ng ama

——-——-——-——

Sa Plaza. Kaguluhan! may mga sigawan ng mga tao.

"Sino ba siya?", tanong ng isa sa mga mamamayan. sigaw. hiyaw. iyak. 

"Hindi ko alam? basta nalang siyang dumating", ani ng isa pang mamamayan. meron paring. sigaw. hiyaw. iyak.

"WRAAAA!! PAGKAEEN!! GUSTO KO NG PAGKAEN!.. WRAAA!!!", sigaw ng halimaw na galing sa kagubatan

"dahil inubos niyo ang mga kasamahan ko sa gubat. ako naman ang uubos sa inyo!!", sigaw ni Black Wolf-Bear na biglang dinakma ang isa sa mga mamamayan. sigaw. hiyaw. iyak.

"Sandali! malaking kuto!!!"

"pwedeng pakitanggal naman diyan sa kamay mong pinanghuhugas mo ng pwet mo yang hawak mong tindera!", utos ni Chiro na may pabiro

Biglang binitawan ni Black Wolf-Bear ang mamamayan. Nabaon sa lupa. buhay parin.

"at sino ka naman para pigilan ako?"

"alam mo ba kung gaano kasakit ang mawalan ng pamilya? ang hirap mag-isa at iyon ay dahil sa inyo mga tao!!!", tanong ng Osong Lobo

"Aray!, salamat pala sa tulong mo aa!!", singit ng isa sa mga taong-bayan

"walang kinalaman ang mga tao na nandito sa plaza! hindi lahat ng kambal pareho ang ugali", mala spidermang upo ni Chiro. Sa batong pader.

"Anong ibig mong sabihin?", tanong ng Osong Lobo

"hay naku! ang hina naman ng pang unawa ng kuyumad na 'to", bulong ni Chiro

"ang ibig kong sabihin ay... HINDEE LAHAAT NG TAOO AAY KRIIIMIIINAAAL!!!.", yamot na bampira.

"pwedeng yang taong nasa likod mo lang na ninanakaw ang paninda ni manang habang nasa gitna na bingit na ng kamatayan", tinignan ng taong-bayan ang tinutukoy. nahiya ang magnanakaw.

Sabay bitiw ng magnanakaw sa mga prutas.

"aba! sumisingit ka aa...", sabay pinalo ng walis ting ting ng tindera na sunud-sunod ang magnanakaw.

"wala akong pakialam!"

"ang gusto ko lang ay pagkain! kaya 'wag kang makialam nilalang ka!!!", sabay sugod kay Chiro

naghandang hinawakan at bubunutin ang espada,"Sige! matigas ka e,", Chiro

(Slaaash!!!), hindi napansin ng kalaban ang atake.

El Fantasia (The Vampire and the Mask)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon