...Umaga. Nakahiga sa ilalim ng puno si Jiro. Natutulog. Nagising siyang bigla.
"hmm!! ", biglang dilat. unat.
"umaga na pala!", pahilatang higa. mala star fish.
Nag-isip-isip siya. may kinakapa sa damo, hanggang sa mahawakan niya ang kaniyang espada. Kinuha niya ito at itinapat sa araw. Binubunot nang kaunti ang espada at ipinabalik balik ito hanggang nanumbalik sa kaniya ang ala-ala. . . Ang nakaraan.
"himmm.... himmm... ", iyak ng batang kaawa awa.
"ama! ina!... himmm... wag niyo naman akong iwan... himmm... wag naman kayong mawala sakin oh!... himmm... ", iyak ni Jiro habang ginigising ang kaniyang mga magulang at kinakausap ito
Iginagala niya ang kaniyang mga mata Habang hinahawakan ang mga libi ng mga magulang. At nakita niya ang espada na nasa tabi ng kaniyang ama.
"ang espada ni ama!", nilapitan ang espada kasabay ang pagpunas sa mga luha sa mga mata gamit ang kanyang damit.
"napakabigat naman pala nito!", reklamo niya. Dalawang kamay ang pagbuhat.
"aray!", nasugatan.
"ang talas!... waaaaaaw...", sambit ni Jiro habang tinitignan ang buong talim ng espada
Sinubukan niya itong buhatin at gamitin.
"yaaah!! haaah!!!"
At nagiba ang pader ng bahay dahil sa hiwa na kanyang ginawa. GIBA!.
"Patay!!", sabay bitiw sa espada
KASALUKUYAN...
Bumangon na sa pagkakahiga si Jiro matapos maalala ang pagkabata. Naupo pansamantala. Tinitignan ang Ilog. Ang agos ng ilog. at muling nagbalik sa alaala. Ang nakaraan.
"Hoy bata!, mukhang maganda yang hawak mo aa!... espada ba iyan?", tanong kay Jiro ng dalawang hindi kilalang lalake habang siya'y naglalakad sa gubat papuntang bayan. Mga lasing ito. May hawak na tig-isang bote ng alak. Gumegewang gewang ang mga katawan.
"amin nalang yan!", Gewang. Tungga.
"hahaha...", sabay na tawa ng dalawang lalake sa takot na takot na Jiro habang yakap ang espada
"w... wa... wa..a..ag p... po... o!!", nangangatal na sagot ni Jiro habang palayong paatras sa dalawang lalake
"aba! kami pa ang tinanggihan mo! sino ang mas matanda? diba kami? amin na yan bata!", patakot na bitaw na salita ng dalawang lalake habang palapit kay Jiro
"(WISHIIING!!!)... sige!! lumapit kayo! ... hindi ako matatakot na sugatan kayo!", binunot ni Jiro ang espada sabay tutok sa dalawa
"ow! ow! ow!, sandali lang bata!", pag awat sa bata.
"hihihi...", sabay na hagikgik ng dalawang lalake, nagtinginan.
"simple lang naman ang gusto namin e, ang ibigay mo iyan at pwede ka nang uma.. LEEESS!", biglang pagulat na dadakmain ng dalawang lalake si Jiro ngunit bigla naman silang inatake nito ng mabilisan
"perong .. paanong?", sagot ng dalawang lalake habang hawak ang kanilang mga sugat
"sabi nang wag kayong magkakamali e.", sagot ni Jiro kasabay ang pagbagsak sa lupa ng dalawang lalake. Hingal. Nangangatog. Dilat ang mga mata.
BINABASA MO ANG
El Fantasia (The Vampire and the Mask)
WampiryThe book 1. Jiro is the protagonist of the story who is the vampire and the antagonist Devil Mask who is no one know!. who will be the winner? the devil or a vampire. Check it out.