Prologue

1.3K 20 0
                                    

"Success!!" bulong nina Oshien at Julian kasabay ang signature handshake nilang dalawa habang naglalakad palayo sa mga magulang nila. Katatapos lang kasi nilang gawin ang planong tatlong araw lang nila pinag-usapan..

=Ang Nakaraan=

3:00 pm

                Tirik pa rin ang araw pero mahangin naman sa lugar nina Oshien. Kasalukuyan siyang nakaupo sa ilalim ng puno kasama ang almost bestfriend niyang si Julian.

Kaibigan na niya ito since fourth year  high school sila. Hindi sila magkaklase, magkapareho lang sila ng school na pinapasukan noon.

Apat na bahay lang rin naman ang pagitan ngmga bahay nila pero kahit ganon, hindi sila naging close.

Aware man silang malapit na magkaibigan ang mga m,agulang nila eh hindi pa rin yun naging way para magkita at magkausap sila noon.

Hanggang sa pinakilala at pinaglapit na sila of course ng mga parents nila.

Madaldal, makulit, at may pagka-spoiled si Marcus Julian Cruz. Laging energetic at wala  talagang kapaguran sa kalokohan. Basta trip niyang gawin, gagawin niya. Walang makakapigil sa gusto niya.

 Kaya napapabuntong hininga na lang mga kausap niya kapag ganun. Pero kahit ganon, matured pa rin siya kung sa usapang mature.

He knows his limitations very well.

Responsible rin siya. Matalino pa.

Lalo na sa kalokohan? Ay sos! Valedictorian siya diyan! Baka mag-suma cum laude  pa pagnakataon.

Contrary to Oshien Anne's attitude, medyo mataray kasing tao yan.

Medyo lang talaga.

May pagka-moody kasi minsan eh. 

Pero normal pa rin naman kung tutuusin. Lovable and super sweet yan! Kapag nahuli ang loob niyan, haha swerte. Talagang mapapasunod siya.

A go with the flow girl and as you move on to this story, malalaman niyo rin yung ugali niya. Mahirap nang idescribe eh.

Then with just a blink of a beat, yan. Himalang nagkasundo ang dalawa.  Eh huling huli halos ni Julian lahat ng kiliti niya kaya ayan.. mabilis napapasunod.  May pagkauto-uto kasi si Oshien.

Sabay na silang pumapasok at umuuwi galing school. Halos sila na nga ang laging magkasama kahit nasa college na sila.

Madalas rin silang napagkakamalang mag-on dahil halos matutulad na sila doon.

Wala kasing kaso sa kanila yung yakap yakap since may ganoong ugali na talaga si Oshien lalo na pag natutuwa. Si Julian palagi ang lucky victim.

Pati rin holding hands. Showy kasi talaga si Oshien. Kapag trip niya tsaka pag may gusto, umaatake ang lambing mode. But all in all, sweet lang talaga silang magkaibigan.

Wala rin namang tutol ang mga magulang nila doon.

Ang kaibahan lang pala, si Oshien sa all girls university nag-aaral  samantalang si Julian naman, tinanggihan ang mag-all boys.

Boring tsaka wala raw thrill. Pero tuwing free day at weekend sila lagi ang magkasama. Katulad na lang ngayon...

"Plue, bored na 'ko. Kanina pa tayo nakasandal dito sa puno. Baka nangangawit na 'to." Napadilat tuloy si Julian nang magreklamo na si Oshien.

Magkatalikuran lang sila habang nakasandal sa punong sinisilungan nila sa garden ng mga ito. Napangiti siya sa tawag nito sa kanya.

Actually endearment nilang dalawa iyon. It just happened na parehas nilang nagustuhan si Plue, yung Nikora of Canis Minor Celestial Spirit na aso sa Groove Adventure Rave at Fairy Tail. Yung alaga ni Lucy na hindi o walang kakayahan lumaban tsaka magsalita sa Fairy Tail at yung nakakasense rin ng ibang Rave stones sa Rave. Basta siya yun.

Sa sobrang tuwa nila kay Plue, napagdesisyunan na nilang gawing endearment iyon. Lagi kasing natatawag ni Oshien na Plue si Julian Kapag hindi niya maalala ang pangalan nito.

Diyan rin sila nagsimulang mag-usap.

Humarap siya patagilid kay Oshien na kasalukuyan namang nakapikit at nakasandal sa puno.

"Eh, Plue. Matagal pa sila mag-uusap don. Alam mo naman, business things. Pati ako nadadamay sa pamamasyal."

"Pshh para namang ayaw mo. Master of alibi ka pero hindi ka makagawa ng palusot para di makapunta dito. Tactics mo rin eh."sabi ni Oshien habang naka-pout.

"Eh syempre gusto kitang makita eh. Alam mo namang di ko kayang di ka kasama eh.. Ayiiiiieeeeeee kinikilig yan kinikilig yan!!" mabilis siyang binatukan ni Oshien nang hindi niya namamalayan. "Grabe Shien hah, pano mo nagawa yun? Di ko napansin. I'm proud of you!!!!" puri niya habang nakahawak pa sa batok.

"Ilan bang pangalan ang tawag mo sa'kin ha?"

"Ilan na naman bang Cobra tinira mo't parang mangingitlog ka na kakatalak diyan?"

"Naku Julian tingilan mo 'ko ah."

"Nice nabanggit pangalan ko!"

"Aba't?!" Aambahan na naman sana ni Oshien si Julian pero nakatayo na siya. Bumalik na lang ulit siya sa pagkakasandal sa puno. Ganun rin si Julian kaso 'di na nga lang nakaupo.

 "I'm bored." Angal na naman ni Oshien.

"Let's play.."Sagot ni Julian habang nakatingala sa langit.

Nakapamulsa pa.

"No idea. Ikaw lang naman mag-eenjoy. Bwisit ka." Naramdaman niyang ngumiti ang kalikod.

"Lets Sing."

"Not interested."

"Lets talk."

"Di ka nagsasawa? Ang daldal mo na nga eh. No topic!"

"Lets make."

"Kalokohan lang sasabihin mo."

"Weh? Pa'no kung ibang make?"

 "Ay leche ka Juliano hah, wag mo kong pagtripan." Natawa tuloy si Julian sa sinabi ni Oshien. Ganyan kasi yan kapag inis na sa kanya.

"No jokes, I have."

"Spill it."

"You're bored?"

 "Obvious ba? Of course I am!"

 "Moody mo talaga."

"Yun nga ang gusto mo diba?"

"Fine. Go to church."

Napaharap bigla si Oshien sa kausap nang mag-suggest ito.

"Then pray?"

This time si Julian naman ang gumalaw para humarap sa kanya.

Since nakatayo siya, nakatingala ang peg ni Oshien. Nakapamulsa pa ang loko at nakangiti ng pamilyar na ngiti..

(Oh mee..Kalokohan 'to.)Bulong ni Oshien sa sarili.

"And Marry Me Later."sabay kindat.

"And WHAT??!!!!"

Let's Play! Husband and Wife!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon