Cheska's POV
Habang naglalakad ako papunta sa park para Kumain ng lunch, nadatnan ko si Trevor sa Canteen na nagiisa! Kaya nilapitan ko na.
"Trevor!" Pagtatawag ko.Nakita ko naman na tinitignan nya yung picture ni... Ni....
SCARLET!
"Cheska! Napadaan ka?" Tanong nya, At agad na tinago ang cellphone nya.
"Oo nga ehh." Matawa tawa kong sabi.
"Nakita ko yun ahh!" Sabi ko habang natatawa, yung tinatawag nila na Evil Smile."Ang ano?" Nagtataka nyang tanong.
"Alam mo, ikaw na. Halos matunaw na yang cellphone mo kakatitig sa Picture ni Besh ehh!" Kilig kong sabi.
"Ano ba! Tumahimik ka nga" nahihiya nyang sabi.
"Ayieeee!" Sigaw ng malaki kong bunganga." Gusto mo si Scarlet noh?" Pagtatanong ko. Pero napakamot nalang sya sa ulo nya.
"Sekreto lang to hah!" Nakangisi nyang sabi.
"Sabi ng haba ehh!" Sigaw ko habang kinikilig ako.
"Shhh!" Pagtingin ko sa mga studyante, halos lahat sila Nakatingin sakin. KJ nila hah! Sino ba namang hindi patulan ng ilang na bilyong tao sa Mundo. Mga tao ngayon! Nakakalerkey.
"Alam mo Trevor, kung ako sayo! Ligawan mo na si Besh." Opinyon ko sa kanya.
"Madaling sabihin, Mahirap gawin!" Sagot naman nya.
"Bala ka! Mauunahan ka nong Matthew na yon." Agad namang napuno ng pagtataka ang mukha nya.
"Ano?" Tanong nya.
"Feeling ko kasi. Feeling lang, may gusto si Matthew sa Bestfriend ko."
Sa sinabi ko, agad namang naiba ang pinta ng mukha nya.
______________________________________________________________________________________________
Matthew's POV
Nandito ako ngayon sa Condo kasama si Scarlet, nagre review. Mga mag-iisang oras na kami dito.
[Playing- That's What I like by Bruno Mars.]
"Alam mo na yung mga Part of speech?" Tanong nya.
"Hindi ko alam!" Agad kong sagot.
"We have 8 Parts of speech. Yun yung:
.Noun
.Pronoun
.Verb
.Adverbs
.Blah.... Blah... Blah"Alam ko na yan!" Sagot ko ng Matapos siya.
Nabigla naman ako ng ilagay nya ang palad nya sa kamay ko.
"Akin na nga yang Cellphone mo!" Suplada nyang sabi.
"Bakit naman!" Pagtatanong ko.
"Nakakainis na ehh. Kanina pa kita tinuturuan pero ang sinasabi mo, HINDI KO ALAM! pero kapag nag e-explain ako ang sinasabi mo naman ALAM KO NA YAN! yung totoo, niloloko mo ba ako?" Halos umabot na ng outer space ang kataasan ng kilay nya.
"Nakikinig naman ako ehh." Sagot ko sabay tingin sa Cellphone ko, nang may biglang nagtext.
_________________________________________
From: 09000011556
___________________________________
Papunta ako ngayon sa Condo mo.
Hope to see you there :)
___________________________________- Samantha
________________________________________
Samantha SmithMaganda, Mayaman, Maputi, Matalino, Maarte, Spoiled, Masungit. Fiance ko siya Sa Papel. Malaki ang galit ko sa kanya. Wag nyo na munang itanong kung bakit!
"Alam mo Mas maiging umuwi nalang ako ehh..!" Masungit nyang sabi.
"Mas maigi ngang umuwi ka nalang." Tapos tinulak ko sya palabas ng Condo ko.
Sorry Scarlet, may important visitor kasi ako ngayon.
_____________________________________________________________________________________________
Scarlet's POV
Ang bastos naman ng kuya mo tehhh! Makatulak wagas. Maya maya pa lang may nakita akong sasakyan na tumigil sa harap ng Condo ni Matthew. Tapos may bumaba na babae mukang Mayaman.
PSH* wala naman akong mapapala dito, pwera nalang kung bibigyan nya ako ng pera, kaya umalis na rin ako hanggang sa makaabot ako sa bahay.
"Mama!" Tawag ko. Agad naman nya akong sinalubong pero, inuubo pa sya hanggang ngayon.
"Anak... Uhm... Uhm.." Sagot nya.
"Ma! Okay kalang ba? Nong isang linggo pa yang ubo mo hah, gusto mo bili ako ng gamot mo?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya.
"Wag mo akong alalahanin. Uhm... Okay lang Uhm... Ako." Agad naman nyang sagot.
Hinanda na ni Mama yung mga Plato at ako naman nasa taas, nang may narinig akong kalabog galing sa baba.
Agad namang nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Nakita ko si Mama na nakahiga sa sahig at tila walang Malay.
Agad ko naman syang dinampot para buhatin, pero hindi ko kaya.Buti nalang dumating si.....
_________________________________________________________________________________________________
Matthew's POV
May biglang kumatok sa pinto ng Condo ko, Pagbukas ko, bumungad sa akin ang mukha ni Samantha.
"Hello my dear fiance" sabay hahalik sa akin, pero bago nya pa gawin yon! Inilag ko na yung mukha ko.
"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko at agad naman syang nagkibit balikat.
"Nawala lang ako, you don't know how to show some manners na! Oh c'mon, ganyan mo ba batiin ang fiance mo?" Sabi nya habang nakataas ang kilay nya.
"You know what Samantha, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo, kaya hindi ka bagay dito. So you! Better go home now." Imbis na magulat sya, tumawa lang sya na parang walang bukas.
"May tinatago kaba sakin?" Tanong nya na may pagtataka sa mukha nya.
"You better shut the fuck of Samantha. Wala kang pakialam kung may tinatago ako sayo. Ang alam ko lang hindi na tayo." Masungit kong sabi habang na komkom yung kamao ko.
"Dyan ka nagkakamali! Hindi pa nawawala mga ebidensya Matthew. Wag ka munang magsalita ng tapos." Sa tono ng boses nya halatang nangsisindak sya.
"Just go home please! Wala ako sa mood tignan yang nakakasawa mong pagmumuka" tsaka sinara ko ng padabog ang pinto.
Ano ba kasing Kailangan nya dito?
Bakit bumalik ka pa?_________________________________________
Votes are needed
Follow nyo din po ako.
For any question po, just comment.
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Teen FictionSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...