Scarlet's POV
(Playing---Your Love🎶)
Same day, same life !
Pagtingin ko Kay Mama, tulog parin sya.
3 weeks ng nandito sa hospital si Mama, sa mga araw na yun ni hindi na ako makapag-aral ng maayos. Ni hindi ko nga kayang maging masaya dahil malapit na ang debut ko."Tara na!" Pagyayaya ni Cheska.
Sya nga pala 3 days after ng kalagayan ni Mama, bumalik narin ako sa school. Ang Mama and Papa na ni Cheska ang nagbantay Kay Mama sa hospital, para makapasok na daw ulit ako sa School.
Matalik kasi na Magkaibigan ang Mama ko at parents ni Cheska.
Pagdating namin sa FU (francisco university)naghiwalay agad kami ni Cheska! Kasi nga Walang Poreber! Di joke lang, Pagdating ko sa room ko, nagtaka ako na bakit parang walang tao ang class room namin.
"Nasaan mga tao dito" bulong ko sa sarili ko. Syempre ako nga lang tao dito ehh. Alangan namang may bulungan akong iba. Talino mo Scarlet.
Check ko muna.
Tingin dito ....
Tingin Doon....
Clear.
Papasok na sana ako ng.......
WAHHHHHHHH!!!!!!
_________________________________________
Matthew's POV
WAHHHHHHHH!!!!!!
Agad ko namang tinakpan ang bibig nya.
"Ahhh! Matthew. Tangalin mo nga kamay mo." Sabi nya at agad ko namang Inalis.
Makasigaw tong babaeng to, parang kusang matatanggal yung tutuli sa sobrang lakas ehh. Ate! Hindi naman po ako binge.
"Pasensya na po! Akala ko kikiligin ka sa ginawa ko" sabay ngiti sa kanya.
"Pwe! Yang kamay mo? Magugustuhan ko? Eh halos hindi na mapinta yung mukha ko nong natikman ko yan ehh! Ang pait.... Pait kaya! Pwe!" Pag-iinarte nya. Agad ko namang pinisil ang ilong nya.
"Bakit ba ang sungit mo sakin" tanong ko habang pinipisil parin ang ilong nya.
"Araaayyy!" Sabi nya sabay hampas sa kamay ko na nakahawak sa ilong nya.
"Mabaho pala bibig mo? Ang baho na ng kamay ko ehh." Pag-iinarte ko, sabay amoy sa palad ko. Pero sa totoo--- HINDI KO NA HUHUGASAN KAMAY KO. Mabango naman ehh. Nag-iinarte lang.
"Psh* Bakit nga ba kasi walang tao dito eh?" Muling tanong nya na halatang nagagalit na!
"Sumama ka muna sakin, tsaka mo malalaman." Sabay smirk ako.
"Close ba tayo?" Tanong nya habang nakataas ang kilay nya.
"Ayaw mo? Edi wag!" Sabay walk out. Magsasalita rin yan.
"Teka! sasama na nga ehh, di ka naman mabiro. Peace tayo!" Sabi nya sabay peace sign sa akin.
"Sasama ka rin pala ehh!" Bulong ko sa sarili ko.
"May sinasabi ka?" Tanong nya.
"Oo meron." Agad kong sagot.
"Ano naman yon?" Masungit nyang sabi habang naka cross arms.
"Na ang Ganda mo!" Agad kong sagot sabay akbay sa kanya.
"Tssk! Alisin mo nga yang kamay mo, madudumihan uniform ko. Tsaka yung sinabi mo na Maganda ako? Salamat! Pero matagal ko ng alam yan." Sagot nya. Hindi ko akalain na may pa ganyan ganyan pa sya. Infairness, hindi agad ako na orient.
"Sakay tayo sa Kotse ko!" Pagyayaya ko.
"Saan tayo pupunta?" Agad nyang tanong.
"Sa Saint Lucas University (SLU)" sagot ko. Kaya agad na akong sumakay sa kotse ko.
"Maglakad nalang tayo. Nasa likod lang ng School natin ohh." Pag-iinarte nya.
"Maglalakad ka?" Tanong ko
"Maglalakad ako" sagot nya
"So Maglalakad ka?" Ulit ko
"For heaven's sake Matthew! Uulitin ko pa ba?" Mainis inis nyang sabi.
"Hindi ba masagwa? MVP+School Owner+ Crush ng Mundo= Matthew Mendoza, ay Maglalakad lang." Pagmamayabang ko.
"Alam mo, Kailangan ko nga sigurong sumakay. Masyadong lumalakas ang hangin dito ehh, baka matangay ako. Tara na!" Sabay sakay sa kotse ko. Hindi rin magpapatalo tong Amazonang to ehh.
Maya maya palang nakarating na kami sa SLU. At tulad ng nakasanayan, ang raming mga fan girls ang sinalubong sakin. Agad naman na Bumaba si Amazona mula sa kotse ko.
"Sabi ko na sayo Matthew ehh! Wag na tayong magsabay. Tignan mo nga yang mga mata ng Banners mo parang pwede ng gawing jolen. Ang lakas umikot ehh." Agad nyang sabi. Pagtingin ko sa mga fans ko, tama yung sinabi ni Amazona.
Halatang na nabigla sya sa ginawa ko sa kanya. Hinawakan ko lang naman ang Marshmallow nyang kamay. Ang lambot sobra.
"Ano bang ginagawa mo Matthew. Mamaya ka lang sakin." Pangsisindak nya.
"Sumabay ka na lang!" Agad naman syang sumunod sa sinabi ko hanggang sa makapunta na kami ng head quarters ko.
"Suot mo yan!" Sabay hagis ng asul na T-shirt.
"Para saan?" Tanong nya.
"Wag nang maraming tanong!" Utos ko. Agad naman syang umalis para magbihis sa women's C.R. maya maya pa bumalik na sya suot yung T-shirt ko, este ng team ko.
"Tara na!" Pagyayaya ko.
"Teka! Ano ba talagang meron?" Nagtatakang tanong nya..
"May laro kami. Cheer mo ako hah!" Kumindat ako then tumakbo papunta sa Court.
"Hoyyyy! Anong? Matthew!!" Pagtatawag nya. Haha nakapoints ako dun hah!
Sa Ilang minutong pagwa- warm up, maya maya nagsimula na rin ang laro.
Nag start na kaming pumwesto at pagpito ng referee agad ko ng inagaw ang bola. Nga pala anim kami na nagbuo ng grupo Bali dalawang MVPSi Trevor at Ako.
At tatlong Beterano pero hindi pa na MVP.
Sila Marco, Christoph at Leonard
Nasa akin ang bola ng ipasa ko Kay Christoph na pinasa naman Kay Trevor at binalik sakin. Sabay shoooooot.
Ring less....!
Nagsigawan na ang mga fans ng FU. Pero pagtingin ko Kay Scarlet, nakasimangot lang.
Scarlet naman ehh! Napaka Amazona.
YOU ARE READING
Officially In love with the Bad Boy (Soon To Be Publish)
Teen FictionSa Isang Unibersidad, may babaeng nagngangalang Scarlet na may SIMPLENG PAMUMUHAY! Kilala sya sa pagiging Amazona type ng campus. Pinaglihi kasi sya para kasuklaman ang mga lalaki. Meron rin namang lalaki na nagngangalang Matthew na May MAGULONG PAM...