(Spoken Poetry)

4 0 0
                                    

•SPOKEN POETRY•
[] "Pasensya nakalimutan kong best friend lang pala ang meron sa ating dalawa"

Pasensya na hindi ko akalain na magugustunan kita,
Hindi ko inaasahang mahuhulog ako sa isang butas, na walang kasiguraduhan na masasalo ka,
Ang sakit para sakin na heto ka masaya sa iba, pero ako eto nag mamahal ng mag- isa.

Bes alam mo ba masakit makitang may kasama kang iba,
Pero ano nga bang magagawa ko gusto kitang sumaya,
Kahit paulit ulit tinutusok ang puso ko sa mga nakikita ko,
Ni minsan hindi ko iniisip na wag kang suportahan, kahit na ako ang masasaktan.

Dumating ang araw na kailangan mo ako, surpresa ba para sa kanya?,
Sige game basta ikaw tutulungan kita,
Iniisip ko, ako kaya kailan ang araw na ako naman ang susurpresahin mo?
Kailan kaya yung araw na ako naman ang mamahalin mo?

Bes ang hirap, nasa pagitan ako ng FRIENDSHIP or LOVE,
Isasakripisyo ko na lang ba ang ating pagkakaibigan?,
Isasantabi ko na lang ba ang nararamdaman?,
Kasi alam mo? Ayokong dumating ang araw na na ang dating tayo,
Tuluyan na lamang maglaho,
Dahil lamang sa nahulog ako sayo.

Mahirap gumising sa katotohanang mahal kita,
Na kahit kailan man malabong mapa sa akin ka,
May gusto kang iba, susuportahan na lang kita,
Tutulungan kita napasayo lamang siya.

Martyr? Siguro? Baka? Ewan? Hindi ko alam,
Baka nga kasi wala na akong maramdaman,
Kundi sakit at kalungkutan,
Lungkot dahil tayo ay magkaibigan,
Pero hindi ako nagsisi na nakilala kita.

Bes, pasensya na nakalimutan ko talaga,
Hindi pala tayo pwede sa isa't isa,
At kung meron mang chance na maging akin ka,
Siguro wala pa iyon sa kalahati dahil may nag papasaya na sayong iba,
Na dati ako lang ang nakakagawa.

Bes, pipiliin ko na lang ang friendship kesa sa love,
Ayokong masira ang samahan nating dalawa,
At kung nakikinig kaman sa oras na ito,
Malamamang sumagi na sayo ang tanong na "Paano?".

At bago matapos itong lintanya ko,
Bes mahal kita at patuloy na minamahal ka,
Pasensya nakalimutan kong best friend pala kita, At kahit kailan hindi pwede para sa isa't-isa.

-Jie.💔

Poems & QuotationWhere stories live. Discover now