Ang Mga Taong Grasa

3K 82 1
                                    

Chapter 1

May mga taong grasa na namamahay sa likod ng simbahan sa bayan ng Maraveles. Namamalimos sila araw-araw  at masaya sila pag araw ng linggo dahil maraming taong nag sisimba.

Sa unang tingin madumi lang sila pero hindi naman sila nanakit ng tao at nasa tamang pag iisip pa sila.

Mag kapatid sila Mariz at Mac at inabandona sila ng kanilang mga magulang noong 17 taon gulang si Mariz samantalang si Mac naman ay 14. Pamamalimos lang ang tanging hanap buhay na alam nila dahil hindi sila nakapag tapos ng pag aaral. Paminsan minsan lang sila nakakatulong sa simbahan at kahit pa-paano ay nabibigyan sila ng pagkain para maitawid ang gutom nila sa araw-araw nilang pamumuhay. 

Marami silang ka-kompetensya sa pamamalimos kaya laging napapaaway si Mac sa mga ito.

Hindi sinabi ni Mariz kay Mac na may kakaiba silang kapangyarihan na minana nila sa mga magulang nila. Kapag nagagalit sila ay nag iiba ang anyo nila. Akala lang ni Mac ay panaginip lang yun dahil pag bumabalik sya sa dating katinuan ay nakakatulog sya.

Hindi naman ginagamit ni Mariz ang kapangyarihan nya sa kasamaan dahil alam nya na may kapalit itong hindi makakabuti sa kanilang dalawa ni Mac.

Ang Mga Taong GrasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon