Ang Mga Taong Grasa

1.9K 66 0
                                    

 Chapter 2


Minsan ng nakipag away si Mac dahil yung napalimos nya na pera ay pilit kinukuha sa kanya kaya noong nagalit sya ay nag silabasan ang matatalim nyang mga pangil at makapal na balahibo sa buong katawan.

Mahahaba din ang kanyang mga kuko at kinakagat nya sa leeg ang mga biktima nya. Natatagpuan sya ni Mariz na natutulog kinabukasan sa daan.

Nasabi na ni Mariz ang totoo kay Mac kaya lalo itong yumabang dahil may kapangyarihan sya kaya nagagawa nyang mangikil ng tao makakuha lang ng pera sa kanila.

Hanggang isang araw nag lalakad si Mac at hinarang sya ng apat na kalalakihan na pawang mga lasing. Hinihingan sya ng pang inom pero tumanggi si Mac mag bigay kaya binugbog sya ng mga ito.

Hindi nag tagal ay nag iba na ang kanyang anyo na pawang mabangis na hayop. Gamit ang mahahabang kuko at pangil ay dinudukot nya ang mga puso ng mga ito at laman loob.

Dahil na din sa hindi sya pangkaraniwang tao ay hindi sya nakontento sa pag patay sa mga biktima nya. Pinugutan nya din sila ng ulo.

Nakatakbo ang isa at takot na takot ito. Naabutan sya ni Mac kaya binali nya ang kamay at paa saka nya binaon ang pangil nya sa may puso ng lalaki.

Ang sumpang dulot ng paghihiganti ni Mac sa mga biktima nya ay hindi na sya makakabalik sa dating anyo. Araw man at gabi ay mukha na syang halimaw.

Awang-awa naman si Mariz sa kapatid kaya tinatago nya ito sa likod ng simbahan. Hindi na nya hinayaang lumabas pa ito para mamalimos o tumulong sa simbahan. Hindi sya nag kulang ng paalala sa kapatid na huwag gamitin sa masama ang kapangyarihan na minana nila sa kanilang magulang.

Malungkot si Mac dahil hindi nya alam kung paano sya babalik sa dati. Tanging pag dungaw na lang sa bintana ang nagagawa na lang nya. Natatakot syang lumabas dahil sa itsura nya na baka patayin sya ng mga makakakita sa kanya at ilayo sa ate Mariz nya.

Ang Mga Taong GrasaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon