PART 10: BRUISED

4.2K 124 15
                                    

Dan's POV:

Balik trabaho na kami ngayon pagkatapos ng isang maikling bakasyon. Pagdating namin sa Garcia Corp., agad kong hinanap si Karla. 

Habang nag lalakad kami, biglang nag ring ang telepono ni Marcus. 

"Hello.. Yes Karla?" Tanong niya sa taong kausap niya sa kabilang linya. 

Natahimik si Marcus ng ilang segundo dahil nakikinig siya sa sinasabi ni Karla.

"Oh.. okay.. Magpagaling ka.. And I hope to see you tomorrow.. Get well.." Sagot ulit ni Marcus sa kanya. 

Pagkababa niya ng telepono, agad kong siyang tinanong. 

"Si Karla yung kausap mo? Bakit daw? Anong nangyari?" Sunod-sunod kong tanong. 

"Nag paalam siyang mag sisick leave daw siya.. Masama daw ang pakiramdam niya.." Sagot ni Marcus. 

Bigla akong nakaramdam ng pagaalala. 

"Ano daw ang sakit niya? Nasabi niya ba sayo?" Ulit kong tanong. 

"Hindi eh.. Pero sigurado akong masama talaga ang pakiramdam niya.. Yun pa.. eh hindi naman umaabsent yun kung simpleng sipon at ubo lang ang sakit niya.." Sagot ni Marcus sa akin. 

Tumango ako. 

"Tama.. Cus.. Pwede ba akong sumaglit mamaya? Pupuntahan ko si Karla.." Pakiusap ko. 

Tinignan niya ako. 

"Alam mo.. hindi ka talaga makakapag move on diyan sa ginagawa mo eh.. Pero dahil galing na ako diyan, papayagan kita.. Alam ko naman na taeng-tae kang makita siya.. Hayaan mo at I will keep Jacob busy today.. Sige na.. Puntahan mo na si Karla.." Pag payag ni Marcus. 

Ngumiti ako sa kanya. 

"Thank you pre! Salamat talaga.. Hayaan mo.. Babawi ako sayo.." Sagot ko. 

"Okay na.. Don't mention it.. Tsaka bawi ko to sayo.. Kasi dati nagparaya ka para sa akin at kay Maddie.. I'm just returning the favor.." Sagot din niya. 

Tinignan ko siya. 

"Ang drama mo! Ang tagal na nun pre.. Kita mo nga at ang laki na nga mga anak niyo.."Pag bibiro ko. 

Natawa siya. 

"Sige na! Umalis ka na.." Pagtataboy niya sa akin. 

With that, tumakbo ako papunta sa sasakyan ko at nag drive patungo sa bahay nila Karla. 

Buti nalang at hindi pa siya nakakalipat sa condo ni Jacob. Kung hindi, paniguradong hindi ako makakabisita sa kanya. 

****

Nang marating ko ang bahay nila Karla, agad kong pinindot ang doorbell. 

Lumabas ang Mama niya. 

"Oh.. Daniel.. Ikaw pala.." Bati niya. 

"Ay magandang umaga po.. Nabalitaan ko po kasi na may sakit po si Karla.. Nandito po ako para bumisita.." Pagbibigay alam ko. 

Bigla kong nakita ang pag aalala sa mga mata ng Mama niya. Ganun pa man, pinagbuksan niya pa din ako ng gate at pinapasok. 

Pag dating namin sa sala, agad siyang nagpaalam para tawagin si Karla. 

"Sige po.. Hihintayin ko nalang po siya dito.." Sagot ko. 

Tumango siya at umalis. 

Makalipas ang ilang minuto, lumabas si Karla. Laking gulat ko nang nakita kong may pasa ang pisngi niya. Agad ko ding napansin ang pasa sa braso niya. 

MISSION: WIN THE NERD BACK (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon