Rose Thorn 02: Under The Wisteria Tree

354 14 5
                                    

Under The Wisteria Tree

Rosendal"s Point of View

Nagising ako sa katok ni Manang Bella, nagmulat ako ng mata at ini-adjust ang aking paningin mula sa nakapansisilaw na liwanag na nanggagaling sa bay window. Tinignan ko ang bedside table kung saan nakapatong ang orason, 7:00 am na pala. Pumupungas-pungas pa akong bumangon at pinagbuksan si Manang Bella ng pintuan. Nang mapagbuksan ko siya'y tulak-tulak niya ang isang trolley na naglalaman ng aking pang-agahan at tumabi ako para maipasok na niya ito.

"Magandang umaga sa iyo master, pakiusap ko sana'y kumain ka na ngayon dahil ni hindi ka man lang kumain kagabi." sabi niya sa akin at kinuha niya ang aking mga kamay at binalot sa kanyang maiinit na palad.

I gave her a reassuring smile confirming that Im going to eat my breakfast. "Salamat Manang Bella, sa balcony na lang po ako kakain."

Binitawan na ni Manang Bella ang aking mga kamay nung masigurado niyang kakain ako ng aking pang-agahan at napabuntong hininga pa ito na parang naginhawaan na ikinatawa ko naman. Muling itinulak ni Manang Bella ang trolley patungo sa balcony para iayos ang mga pagkain.

Habang abala si Manang Bella sa may balkonahe ay pumunta muna ako sa banyo para matignan kung may mga hindi kanais-nais sa aking mukha lalo na't kagigising ko pa lang. Nagmumog ako at naghilamos, nang makuntento na ako sa resulta ay lumabas na ako't pumunta sa balkonahe.

"Manang sabay na tayong kumain ngayon please nawawalan kasi ako ng gana kapag mag-isa lang ako." pakiusap ko kay Manang Bella habang ako'y paupo. Mukhang naawa naman sa akin si Manang at walang salitang umupo sa kabilang gilid ng mesa.

Nag-usal muna kami ng maikling dasal bago nagsimulang kumain. Habang nginunguya ko ang scrambled egg na niluto ni Manang para sa akin ay hindi ko naman maiwasang isipin si mama. Naalala ko pa noon nung si mama mismo ang nagluluto ng pang-agahan ko ay gumagawa siya ng happy face sa platong kakainan ko gamit ang dalawang itlog bilang mata, hinating strawberry para daw sa mapulang ilong ni Rudolf The Red Nose Reindeer at balikong sausage bilang bibig na nakangiti. Suminghot ako para pigilan ang akmang paglabas ng luha ko. Napaangat ng tingin si Manang Bella at ipinatong ang isa niyang kamay sa kamay ko na may hawak ng tinidor at hinimas-himas na parang pinaparamdam sa akin ni Manang na pagmamahal niya

"Malulungkot si Lady Giselle kung lagi kang ganyan Master." untag ni Manang Bella. "I know Manang but I can't help it. I just miss them so much. Minsan hinihiling kong mamatay na ako para makasama ko sila. I feel so alone Manang. Besides kasalanan ko din naman kung bakit sila namatay." napapiyok kong sabi sa aking nararamdaman.

Lumamlam ang mga mata ni Manang Bella, tumayo siya't niyakap ako sa aking kina-uupuan. "Wala kang kasalanan Rosendal. Pakatandaan mo yan lagi." sabi niya at kumalas ng yakap. Pinagmasdan niya akong mabuti at pinunasan ang umalpas na luha sa aking mata gamit ang hinlalaki nito. Ito rin ang kauna-unahang beses na tinawag ako ni Manang Bella sa aking pangalan sa tinagal-tagal niyang pagtatrabaho sa pamilya namin.

"Salamat Manang Bella. Salamat." pero alam ko sa aking sarili na kasalanan ko kung bakit naaksidente sina mama't papa.

Bumalik sa kanyang upuan si Manang Bella at ipinagpatuloy ang pagkain. Muli kong inalala kung paano nagsimula ang lahat. Kung paano ako nagpakatanga, nagpakahina at nagpaapi.

இڿڰۣ-ڰۣ— The Past

"Ma, Pa! I have to go! Love you!" paalam ko sa aking mga magulang habang nagmamadaling tinatalunton ang hagdan pababa.

"But dear! Hindi ka pa nag-aagahan! What if you're going to faint in the middle of nowhere." nahihintakutang reaksyon ni mama. "Hon malaki na ang anak natin kaya na ni Rosendal ang sarili niya, right Rose?" pagkampi sa akin ni papa.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 09, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rosendal (BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon