(Back to Aliyah's POV)
Another similar day have passed. Ang tanging naiiba lang, hindi pumasok si Josh. Siguro dahil sa trangkaso niya. Hindi ko din nakita si Alison, nahihiya siguro o natatakot makita ako. Pero teka, hindi kaya.. magkasama sila? Err. Ewan. Hindi naman siguro. Siguro naman hindi. Eh!
"Thanks for the ride!" nginitian ko si Kier. Hinatid niya kasi ako pauwi.
Ngumiti lang din siya at tumango. Tumalikod na siya pero humarap din ulit.
"By the way, check on Josh, okay?"
"Does it really needed? Im sure he's fine, isa pa malaki na siya. He can take care of himself." sabi ko.
A-Ayoko kasi munang.. maka-usap si Josh, kahit nag-aalala ako sa kanya. Natatakot ako sa pwedeng puntahan ng topic namin pag nagkausap kami. Alam niyo na.. baka may masabi siyang hindi maganda. Baka sabihin niyang mahal niya na si Alison. Pero hindi naman siguro, no? Paranoid lang ako. Pero ayoko muna siyang kausapin.
"Tsk. You have to take care of him. You're his girlfriend, right? Set aside that issue for the sake of his health, okay?" para siyang nakikipag-usap sa bata.
"But-- okay, okay." tumango-tango ako. Di ako mananalo dito kay Kier. Madaming alam 'to eh.
"Good girl. So, I have to go. Bye!"
He kissed me on the forehead before leaving. He's so sweet right? I hope he'll find his 'the one'. That girl would be so lucky to have him. Wala siyang poproblemahin kay Kier. Mabait si Kier, matalino din naman, gwapo pa! He's a big catch.
Naikwento ko na din pala kanila Rachel at Trixy yung nangyari. Mula sa Batangas hanggang samin ni Josh. Nagulat naman sila sa first love thingy, di ko kasi sila nakwentuhan tungkol dun. At dun naman kay Josh, naiintindihan naman daw nila siya. Ako lang ba ang hindi nakakaintindi kay Josh? Hmp. At kay Alison naman, ayun! Kulang nalang pumutok sila sa sobrang galit. Muntik na nga nilang puntahan yung room nila Alison, pero sabi ko absent. 'Yung mga 'yun talaga, masyadong warfreak! Haha.
Binuksan ko ang pinto ng unit ko at pumasok. Pero nastock ako sa pintuan sa nakita ko.
At paanong hindi ako masa-stock sa pinto eh kung punong puno ng bulaklak ang unit ko?! Buti nalang may sinadyang daanan sa gitna ng mga bouquet at paso ng bulaklak kundi, matatapakan ko bawat madadaanan kong bulaklak. Sure akong alam ko kung sinong gumawa nito.
Bago ko pa sya tawagin, may narinig akong tugtog. May lumabas na isang Diyos-- este tao na may hawak na bear at chocolates, I think?
When we turn out the lights
The two of us alone together
Something's just not right
But girl you know that I would never
Ever let another's touch
Come between the two of us
'Cause no one else will ever take your placeLumakad siya papunta sa akin, as usual. Ano bang eksena 'to? Parang confession lang ng isang lalaki sa gusto niyang babae ah? Tska teka, di ba may sakit siya? Sa sobrang lagnat siguro, nakaisip ng ganito. Medyo hard, haha. Seryoso na nga!
No one else comes close to you
No one makes me feel the way you do
You're so special, girl, to me
And you'll always be eternallyEverytime I hold you near
You always say the words I love to hear
Girl with just one touch you can do so much
No one else comes closeMagandang boses, sweet background song, over flow flowers, so much effort. All is done by this man in front of me. I admit, kinilig din naman ako. Sino ba namang hindi? And I know the reason behind all of these.
Tumigil ang music. Lumapit siya sa akin at binigay ang teddy bear at chocolates. Nagtitigan kami at nakita kong punong puno ng emosyon ang mata niya.
"Aliyah.." panimula niya. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi nagsasalita. Hahayaan ko muna siyang magsalita.
"I know I've been a jerk by saying those hurtful words to you. Im stupid, yes, I really am. But believe me, it was really not my intention to.. to.. kiss her or.. or m-make out with her. It's just that.. I thought--"
"That there's goin' on between me and Kier?" pagputol ko.
Tumango siya at yumuko. "Yeah. Nalason ang utak ko sa naisip kong 'yon. I just cant believe it but there's a picture of you and him going out of that.. h-hotel.."
"Josh.. we did nothing."
"That's why I am sorry, sorry for everything. Sorry kung nag-conclude agad ako. Sorry kung hindi kita pinagkatiwalaan. Sorry kung pinag-isipan kita ng masama. Sorry sa mga nasabi ko. Sorry kung nasira ko ang tiwala mo. Sorry, babe. Im so so sorry.." lumuhod siya sa harap ko at hinawakan ang mga kamay ko.
"I shouldnt have done that. But.. Im hurt babe. And you dont have to say sorry. It's all my fault... It's all my fault. Im very very sorry. Dapat nagtiwala ako sayo. Dapat kinausap kita kaysa magpakalasing sa bar. Sorry.. I love you so so much.."
Tinatanong ko ang sarili ko. Ganun nalang ba 'yun? Patatawarin ko na ba siya? May part sa akin na oo, may part ding hindi. Ngayon, maski sarili ko, hindi ko na maintindihan. Feeling ko tuloy ngayon, high school girl ako na may manliligaw tapos ayaw kong sagutin pero ayaw ko din namang busted-in. Gosh, this is so confusing, isn't it?
Naramdaman kong nababasa ang kamay ko. T-Teka.. umiiyak siya?!
"J-Josh.. stand-up please.." hinawakan ko ang braso niya at pilit ko siyang itinatayo. Buti naman sumunod siya.
Nakita ko ang mukha niya at omg! Umiiyak nga siya! F-First time kong nakita na.. na umiiyak siya.
"Babe.. lets fix this please.. please forgive me.. Im so sorry.. please give me a second chance.." sabi niya. Nilagay niya ang magkabilang palad ko sa magkabilang pisngi niya.
"Josh--"
"Please babe?" mukha siyang hopeless.
"But Josh--"
"I'll do anything, Aliyah. Everything. Name it, I'll do it. Just dont break--"
Hindi talaga ako pinapatapos! Siya naman ang pinutol ko.
"Let me talk, okay?" I hissed.
He nod.
"Dont you think, things happened so fast? I mean, masyado kasi tayong mabilis. Mabilis naging tayo--" he cut me off, AGAIN!
"D-Dont you love me anymore?" mahinang sambit niya na parang ayaw niya talagang sabihin 'yon.
"What? I said let me talk! Dont interrupt me kasi!" medyo inis na sabi ko at nameywang. Singit kasi ng singit.
"I said, ang bilis ng mga pangyayari. Sabi nga, ang nakukuha ng mabilisan, panandalian lang. In short, hindi tumatagal. Dapat nagdahan-dahan tayo sa mga bagay-bagay. Lahat ay nangyayari sa tamang panahon. Siguro kaya ganito tayo ngayon kasi minadali natin." hinawakan ko ang pisngi niya. At nginitian siya ng tipid. Hinawakan naman niya ang kamay kong nasa pisngi niya.
"Gusto kong magtagal tayo, Josh. No one's perfect so I believe that everybody deserves a second chance so please.. prove yourself to me this time and don't waste this chance. There's no more when you lost it."
Niyakap niya naman ako ng mahigpit dahil sa sinabi ko. Feeling ko, masaya siya. Napangiti nalang ako. Mahal ko talaga 'to.
"Thank you so much, babe. Thank you thank you thank you!" sabi niya habang kinikiss ako sa tuktok ng ulo ko.
"One more thing, EARN. AGAIN. MY. TRUST."
Why dont we try again, right?
BINABASA MO ANG
Neighbors With Benefits (COMPLETED)
General FictionThe genre of this story is General Fiction. Contains mature scenes and words that are not suitable for your conservative mind. Ps. UNDER REVISION. Tadtad ng grammatical and typo errors. Napost nadin yung mga BS na nawala. Enjoy reading. :) AliyahxJ...