Jirou POV
Ang tagal bumalik ni Saki.. hindi ako mapakali baka kung ano na naman nangyari dun.. tumayo na ako para hanapin si saki..napansin naman ako nila ryu, hindi man sila magtanong pero alam kong alam nila kung bakit ganito ako ngayon.. naglakad lang ako palabas at naramdaman ko naman na kasunod ko sila.. naisip kong pumunta ng CR dahil baka nag CR lang yun..
Andito na kami sa tapat ng CR at nakasara ang pinto aalis na dapat ako kaso narinig ko parang may nahulog o parang may binato kaya binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa nakita ko si Saki sinasaktan ng mga babae na kung hindi ako nagkakamali ang tawag sakanila ay SAP ang bully dito sa school ko.. nakita ko naman na sasampalin na dapat nung babae yung isa pero tinawag ko na siya..
“Saki”..tawag ko sakanya at nilapitan ko siya na wala ng malay.. agad ko siyang binuhat at naglakad na ako ng parking lot para dalin siya sa hospital.. hindi ko na inantay pa ang sasabihin nila ang mahalaga sakin ngayon ay si Saki..
Nami POV
Nakikita kong hindi mapakali si Jirou pero hindi ko naman yun sinasabi sakanila hinayaan ko lang kung anong gagawin niyan.. alam ko ang dahilan niya ng hindi siya mapakali dahil hindi pa bumalik si saki..mukha din naman hindi ok si Saki kanina eh mukha siyang patay at napaka cold niyang tumingin.. tumayo si Jirou at nagtayuan lang din kami..sumunod lang kami sakanya..
Akala namin mag C-CR lang siya pero huminto siya sa pintuan ng Restroom ng mga babae..wala naman kakaiba dito bukod sa nakasara..aalis na dapat siya kaso may narinig kaming parang nahulog o hinagis basta ganon kaya bigla na lang binuksan ni Jirou yung pintuan at nakita namin ang pambubully kay saki..makikita mong hinang hina na siya.. maputla at parang anyway time mahihimatay siya at hindi nga ako nagkakamali kasi nawalan na siya ng malay agad siyang pinuntahan ni Jirou at binuhat palabas ng CR hindi kami agad umalis at hinarang yung tatlong babae na mukha naman takot na takot..
Haru POV
Grabe naman pala dito sa school ni Jirou uso ang bullyhan huh.. well kailangan turuan ng leksyon tong mga impaktang to..
“Well, well.. anong kaguluhan ang nangyayari kanina?” tanong ko sa tatlo..hindi sila nakibo at mukhang takot ang mga mukha nila hahaha..ayan ang tapang niyo kasi.. nakita kong lumapit si shou sakanila at galit ang makikita mo sa mga mata niya..
“SAP also known as bully sa SCHOOL NI JIROU..alam niyo ba ang ginawa niyo? Humanda na kayo sa pwedeng gawin ni jirou sainyo sa ngayon hahayaan na muna naming kayo pero hindi ko maipapangako sainyo na ligtas kayo kay Jirou” – shou
“Tara na guys mas mahalaga si Saki kesa sa mga yan” sabi ko sakanila at iniwan na naming silang tatlo dun na takot na takot.. tama naman kasi si Shouta eh.. walang sinasanto yang si Jirou basta ginalaw mo yung mga taong importante sakanya at ito pa ang malala si Saki ang napagtripan nila ay naku “PAKTAY” sila hahaha..
Shouta POV
Kung makikita niyo lang si Saki kanina parang mamamatay na.. ewan ko pero galit na galit ako sa ginawa nila kay Misaki.. hindi ko alam kung anong nararamdaman k okay misaki pero kailangan hindi na lumalim pa to dahil alam ko naman na mahal siya ni Jirou..
“SAP also known as bully sa SCHOOL NI JIROU..alam niyo ba ang ginawa niyo? Humanda na kayo sa pwedeng gawin ni jirou sainyo sa ngayon hahayaan na muna naming kayo pero hindi ko maipapangako sainyo na ligtas kayo kay Jirou” sabi ko sakanila.. alam ko hindi to papalagpasin ni Jirou.. at umalis na kami.. tinawagan ko si Jirou at agad naman din niya sinagot, tinanong ko siya kung san namin siya pupuntahan at sinabi na din naman niya agad kaya agad ko silang niyaya sa hospital na sinabi ni jirou

BINABASA MO ANG
White Blood Prince's and Ms. Lonely
Romantiek(currently editing each chapters) 5 years old ng iniwan ako ng first love ko.. 10 years old ng bawiin ng dyos ang magulang ko.. Ano pang silbi ng buhay ko kung ang mga taong mahahalaga sakin ay iniiwan ako.. hanggang sa onti onti ko ng dinidistansya...