Halos mamuti ang mga mata ko sa kaba.
Sasakay kami ng private plane papuntang boracay, at ang itsura nito ay napaka bongga talaga.
Kahit nasa loob ka ng plane ay unlimited foods parin.
Ang upuan ay hindi gaya sa mga normal travelling planes na mag kakatabi at mag kakahilera.
Ito ay puro sofa ang loob at puti ang paligid.
Grabe talaga sa bongga!
Ngayon ko lang talagang na sukat ang yaman ng pamilyang Ryder.Umaga palang ay umalis na kami ng Mansion at bumyahe, wala man lang kahirap hirap ay pwede na kaming bumyahe basta gugustuhin.
Napaka rami talagang pwedeng gawin pag mayaman ka.Riley. Okey kalang?
Bigla akong nagising ka imahinasyon ko ng makita ko si Bryon sa likod ko.
Tumango lang ako sa kanya.Maupo kana. Ilang minuto nalang aalis na tayo.
Naupo na ako at tumabi sya sakin.
Sumunod na pumasok sila Jaythan, Galen at Zac. Si Vicku ata at alexus ay nauna na sa harapan at kinakausap ang pilot bago umalis.
Mag kakatabi ang tatlo na umupo sa harapan ko.Riley. Nakasakay kana ba noon ng Eroplano?
Umiling ako kay Zac.
May dumating agad na pagkain at inilagay yun sa mesang nasa gitna namin.Mag pigil ka Riley. Mamaya ka na lumantak pag wala ng nakatingin.
Kumain naman kami kanina bago umalis. Pero bakit tuwing may makikita akong pagkain ay parang nakakalimutan ng tyan ko na meron syang laman?
Sa Elevator palang ako nakasakay?
Magaling na sagot Riley.
Tingin mo maiintindihan nila ang ibig sabihin mo?Hala! Lumilipad ba ang Elevator?
Tanong sakin ni Galen na parang takang taka ang itsura sa sinabi ko.
Paano ba naman kasi, ang pakiramdam daw sa elevator ay parang nakasakay ka sa eroplano.
Malay mo pwede na yun diba?
Kahit pumikit ka nalang.
Nginitian ko lang si Galen kahit na sa totoo ay hiyang hiya ako sa sinabi ko.
anong klaseng sagot naman kasi talaga yun?After 5 minutes aalis na tayo.
Narinig ko ang boses ni Alexus na dumating kasunod si Vicku.
Naupo sila sa single chairs na nakatapat sa bintana.
Tinitignan ko sila habang meron silang kanya kanyang ginagawa.
Kitang kita ko si Vicku mula sa kina -uupuan ko.Panay ang hinga ko ng malalim para lang kumalma.
Kung ano ano ang gumugulo sa isip ko.
Paano kung mahilo ako?
Paano kung mahimatay ako?
Hindi ako pwedeng kumain dahil baka masuka ako!
Pero hindi ko pwedeng tanggihan ang maiinit pang blessings na nakahain sa aking harapan.Maya maya naramdaman ko na ang pag andar ng makina ng eroplano.
Nakaramdam na ako ng panlalamig.Kumalma ka Riley. Kaylangan hindi ma stress pag baba natin sa Boracay. Dapat mukha kang dyosa.
Ngumingiti lang ako sa mag kakapatid habang kumakain sila at saka hinihigpitan ang hawak ko sa magkabila kong kamay para pigilan ang sarili ko na kumuha at mag umpisang kumain.
Okey kalang?
Napatingin ako kay Vicku na mukhang kanina pa ako tinitignan.
Ngumiti ako sa kanya saka tumango.Oo naman. B-bakit?
Kunwari pa akong walang kaalam alam sa tanong nya.
Eh mukha atang nararamdaman na nila ang kabang nararamdaman ko ngayon.Nga pala Riley.
Napalingon ako kay Zac na kumuha ng Pizza.
Sino nag bigay sa'yo nyan?
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...