"Sila na pala ngayon," mahinang sabi sa'kin ni Ivan pagkabasa ko dun sa pinakita niya. "Ipinagpalit ka niya sa iba. Kaya dapat mo na siyang kalimutan."
Pero hindi ko siya pinakikinggan, dahil may sarili akong train of thought na iniisip. Nagsalita akong nakatulala sa hangin. "At ang mas masakit pa rito sa ginawa niya, ipinagpalit niya ako sa isang walang kwentang babae. Baliw na yata siya."
Natawa dun si Ivan. "Kaya nga. Di ba dapat tinatawanan mo na lang sila ngayon? Kasi ang swerte na niya sa'yo, pero mas pinili niya yung babaeng yun."
"Alam mo yung gusto kong mainsulto?" Kwento kong may halong hinanakit. "Hello? Confident naman akong mas maganda ako dun."
"Oo naman."
"At mas pleasing ang personality ko kesa kay Felicitas."
"Siyempre naman."
"Pero mas pinili niya yun? Ang higad na yun ang naging dahilan upang maguluhan siya sa nararamdaman niya para sa'kin? Ano 'to, April Fool's Day na ba?"
"Kasi nga tanga yung ex mo."
Ang weird pa ring pakinggan na tinatawag na ex ko si Geoff, na sinabi naman ng isa ko pang ex. "Alam mo tanggap ko pa kung si Julie yung ipinalit niya sa'kin eh, maiintindihan ko pa kung bakit niya ako ipagpapalit dun. Pero kay Felicitas? Hanep. Siguro kung ako lalaki tapos si Felicitas yung magiging girlfriend ko, parang mas masarap na lang magpakamatay."
Natatawa si Ivan sa mga sinasabi ko pero ako, 'di ko magawang tumawa.
"Tara na, baba na tayo. Mamasyal tayo.""Gusto ko 'yan. Tara na," sagot ko. Pababa na sana ako pero bigla niya akong hinawakan sa isa kong kamay, kaya napatigil muna ako.
Seryoso na namang nakatingin sa'kin si Ivan, at medyo alam ko na kung ano'ng gagawin niya 'pag ganito siya. "Teka lang, Florence," aniyang nagbuntong-hininga pa. Panandalian pang nakalimutan kong nasa itaas kami ng puno.
"Ano yun?"
"Kahit sinabi mo nang makikipag-date ka na sa'kin, alam kong hindi ka pa okay. Alam kong may feelings ka pa rin para kay Geoff. Tanggap ko yun, kung ito yung bago kong role sa buhay mo ngayon, ang maging karamay mo, ayos lang. You can use me, kung gusto mong maghiganti or whatsoever. Kung gusto mo siyang pagselosin, I will help you---"
"P-Pero hindi yun ang gusto ko, Ivan..." kontra ko.
"Eh di mas mabuti," he replied smiling. "Para hindi na sa kanya ang focus mo..."
Naguguluhan ako sa sinasabi niya. "Wait, akala mo...akala mo ginagawa kitang rebound?" Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya. "Oo parang ganun nga yung nangyayari pero ayokong manakit ng tao---"
Umiling naman siya nang maraming beses. "Wala naman sa'kin yun. Kung masaktan man ako, kasalanan ko rin naman yun kung bakit ganun. Basta ako handa kitang tulungan, dahil determinado akong makabawi sa'yo, Florence. Pero gusto ko lang itanong, kung may pag-asa ba talaga 'ko sa'yo, Florence? Hindi ko lang maiwasang isipin. Napi-picture mo pa ba ako na maging bahagi ng buhay mo?"
"Hindi ko alam," Reply ko. "Wala akong ma-picture ngayon na kahit ano, maliban sa sakit. Sobrang sakit."
"I see. Naiintindihan ko."
"Pero para lang alam mo, Ivan. Sinusubukan ko. Sinusubukan kitang ibalik sa buhay ko. Yun nga lang hindi ko pa alam, kung makakabalik ka pa talaga."
Ngumiti siya nang malapad nang marinig niya yun. Kaya sumaya din ako dahil na-realize kong ang tagal ko na palang hindi siya nakikitang ganito kasaya.
BINABASA MO ANG
Especially For You
Teen FictionMagkababata. Parehong mula sa isang heartbreak. At palaging nagtatagpo kapag umuulan. Si Florence, na masayahin ngunit may tinatagong heartaches mula sa nakaraan. At si Geoff, na may sariling mundo ngunit may matagal nang inaasam. Will they find l...