Ex-Pert 2 •Baby Blake•

303 8 0
                                    

Grace

"Gracia!" Nanay Ising cheered when she saw me. "Naku Grace! Mabuti nama'y nakauwi ka dito ng maayos." Masayang kinuha ni nanay Ising ang aking mga bagahe.

"Senyorita!" Saktong lumingon ako nang makitang patakbong sumisigaw si Mang Bentong. At walang sabi-sabing sinapol niya ako ng kanyang mahigpit na yakap, kaya nama'y tahimik nalang akong napatawa sa kanyang inasal.

Tuwing uuwi ako dito sa Pinas sina Nanay Ising at Mang Bentong na ang tumatayong mga magulang ko. Sa katunayan nga sila ang umaruga at nagpalaki sa akin dito noong nagdadalaga palang ako. Si nanay Ising ay katulong namin noon, at ang asawa niyang si Mang Bentong ay siya ring dating drayber ni Daddy, ngunit pinadispatsa sila at tinangalan ng trabaho ni Daddy noong nalaman niyang sila'y tumulong at tumangap sa akin noong nabuntis ako. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko sa kanila at talagang parang tunay na mga magulang na ang turing ko sa kanila.

"Oh hija! magpahinga kana, siguradong nagka-jetlag ka sa biyahe mo." Imik ni Nay Ising habang iniisa-isa nang inaayos ang mga gamit ko.

"Sa katunayan nga Nay Ising may pupuntahan 'ho kami ni Matt." Napailing iling ako at nilingon si Matthew na siya namang ngumiti sakin.

"Aba'y saan naman ang pupuntahan niyo?" Nanalitsik ang mga mata ni Nanay Ising kay Matt.

"Pupunta po kami sa anak namin." Ako na sana ang sasagot ng maunahan ako ni Matt kaya agad namang umisang linya ang dalawang kilay ni Nay Ising.

"Pupuntahan niyo si Blake?" Tumango tango kami ni Matt. "Aba'y kung ganun, magpahatid nalang kayo kay Bentong para naman masiguro kong malayo sa pahamak itong si Grace." Saad ni Nay Ising. Hindi parin kasi nila pinagkakatiwalaan si Matthew, tsaka hindi ko naman sila masisisi dahil naapektuhan rin naman sila sa nangyari noon.

"Oh siya! Ano pang hinihintay niyo? Hali na kayo." Dugtong ni Mang Bentong na ngayo'y hawak hawak na ang susi ng kanyang sasakyan.

"Hoy Bentong! dahan dahan ka sa pagmamaneho ha." Pinandilatan siya ni Nay Ising. "Isipin mo ang kapakanan ng iba bago ka gumawa kagagohan." Pinisil niya si Mang Bentong at agad na tinignan ng masama si Matthew.

"Aba'y huwag mo naman akong igaya sa iba my labs. Matino akong tao." Ani naman ni Mang Bentong at tinignan rin ng masama si Matt, na siya namang nakatayo lang sa gilid ko na sapilitang nilalanghap ang tensyon.

"Oh siya! Sige na! Umalis na kayo ng hindi kayo magabihan." Nang tinulak na palabas ni Nay Ising si Mang Bentong doon ko na hinawi ang kanang kamay ni Matt.

"Pasensiya na." Bulong ko sakanya na agad naman niyang ikinailing.

"Don't be, tsaka matagal na akong pinariringan ng mga magulang mo, kaya sanay na ako." He then put his arm around my shoulder.

Felix

"What the fuck!"

"Checkmate." Nick grinned

"Punyeta! Ayoko na!" Hinawi ko ang chess board at agad na itinapon ito.

"Woah... Hindi ka parin pala nagbabago." Nick snorted so my brows furrowed when I heard that, I dont know if I just misheard him or something. "That's weird."

He reposition his self on the chair. "Perhaps you changed, physically. But still, you had that insane mentality." He chuckled so I glared at him.

"You didn't noticed something my man, You didn't." I saw him grimaced.

"Para sakin hindi ka naman talaga nagbago. You're still my brother, Felix." Bahagyang napatawa ako sa sinabi niya.

"Whatever you say dude." I was about to divert when he speak.

"Ikaw parin naman yung Felix na nakilala kong patay na patay kay Grace." I paused before facing him again.

"Not anymore." Saad ko ngunit napailing iling lang siya.

"Don't be in denial Felix. I even saw you stalking her and what happened at the airport is an additional cogency of evidence for my intellection." He exclaimed being at ease.

"Shut up shitface! Gan'to ka rin naman kay Trish." After blurting that out, Nick suddenly turned into mute. Woah! Even his expression changed and it doesn't seems good at all.

"Seems like my bad bro." I sighed, realizing misery is an outgoing swish in the both of them, so I feel sorry for mentioning that.

He crept out a hard smile and sighed heavily. "Well, gusto ni daddy na puntahan mo bukas ang open space natin, dun sa malapit na dating annex natin."

Umisang linya ang aking dalawang kilay at akmang may sasabihin na sana ako nang magsalita siya. "Gusto niyang may pagkaabalahan ka dito. Besides you're already 22 at sayang naman ang mga alam mo, saka ang foyer area narin natin kung hindi din naman magagamit. So-" He paused while he clasp his hands together.

"Rennovate that open space and put up a bussines." Alam kong nawalan na siya ng gana nang tumayo siya.

"Teka, Ano ba ang gusto niyong gawin ko? Uhm. I mean, what kind of business?" Kunot noo kong tanong as I put my hands in my pocket.

"Imply your skills on whatever you want to establish." He stated and went straight inside the house.

My mind's correspondent immediately swirled thinking an intended result. What are the productive businesses nowadays?

Grace

The pain seeing your son's name there really induced sorrow. Thinking your son was burried underneath the place you're standing. Kahit hindi ko man siya nakita at nahawakan, ganun parin ang pagmamahal na ibibigay ko sakanya.

"Kahit anong mangyari anak, you will always be my first bore." Humugot ako ng malalim na hininga at lumuhod sa puntod ng anak ko.

"Mahal na mahal ka ni mommy."
Hinaplos ko ang aking kamay sa lapida niya. I miss this cemetery. I miss this graveyard. I miss this engraved name. Ghad, I miss my Blake, my son.

"Mahal na mahal kadin ni daddy Matt." Nilingon ko si Matthew na siyang umupo din sa tabi ko kaya bahagyang ngumiti ako ng maalala siya. Ngunit hindi ko rin naman matatago ang sakit at galit na nararamdaman ko sa nangyari noon kaya naman humugot ako ng malalim na hininga bago magsalita.

"Salamat Matt ha." Imik ko kaya napabaling ang atensyon niya sakin.

"For what?" Kumunot ang noo niya.

"Sa pagtanggap kay Blake. At sa pagtulong narin sakin." Saad ko na ikinangiti naman niya.

"Wala yun. Marami rin naman akong nagawang pagkakamali sayo-" bumuntong hininga siya "Sa inyo. Kay Felix." Aniya kaya naman napailing ako.

"Wala nayun. Baka nga nakalimutan niya na ako. Tayo." Malungkot na napangisi ako at agad na tinignan siya.

"Hindi no, paano mangyayari yun? Halos mabaliw na nga yun simula ng mawala ka." Imik niya saka humugot ng malalim na hininga. "Kailan ba kasi ang plano mong sabihin 'to sakanya?"

Biglang napatahimik ako at agad na binaling ang atensyon sa kawalan ng maalala ko ang pangako sa sarili. Ngunit bahagyang na desmaya ako ng maalalang huli na siguro ang lahat. Kaya nama'y napakibit-balikat nalang ako.

"Huwag na, wala na rin mang saysay e. Tsaka, limang taon narin ang nakaraan kaya malamang nabura na ako sa isipan nun."

My Ex Is Pert; The ExpertTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon