"Anak nang! Nasaan na ba yung mga tarantadong 'yon?" Hingal na hingal akong tumigil at nagtago sa malaking talahib.
Nakita kong nagtatakbuhan ang mga tao palayo roon. Malamang nandoon na sila. Napaismid ako. Dahan dahan akong naglakad palayo dito sa lintik na mga talahib na ang kati kati, para 'di ako gaanong mapansin ng mga nagtatakbuhang tao.
Unti unti kong hinugot ang baril sa bulsa ko. Rambulan na naman to, itinutok ko ito sa lalaking na sa likod ni Chieana at saka ito binaril. Kawawa naman 'tong babaeng 'to hirap na hirap na, nasaan na ba kasi yung mga gunggong na yon?!
Napaismid ako ng makita ang reaksyon sa mukha ni Chieana, nakabulagta na ngayon ang lalaking kikitil sa buhay niya kanina lang. Lumapit ako sakanya dala ang malaking ngisi sa'king mga labi, "Ano ayos ba?" tanong ko sakanya. Nakita ko ang mga ngiti sa mga mata niya tsaka niya ako inapiran.
"Nasaan sila?" tanong ko muli sa babaeng to. "Ewan ko ba at malapit ko nang ipatokhang ang mga siraulong 'yon." Napatawa ako sa sagot niya at hinila siya sa likod ng isang malaking truck.
"May paparating." kindat ko sakanya. Mabuti naman at hindi na siya umangal sa pagkahila ko sakanya. "Iniwan na naman nila ako." sabi nito na kinatuwa ko,hindi parin talaga siya nagbabago. Napasapo ako sa noo sa sagot niya. "Malilintikan talaga sila sakin." bulong ko.
At doon umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.
Tarantado.
BINABASA MO ANG
Midnight Reaction
Mystery / ThrillerChieana Monteverde and Max Sebastian from the University of Passion have been inseparable since they were young, not until one of them was forced to the most difficult decision in life.