CHAPTER 1.
“you’re gonna catch cold
From the ice inside your soul”
Every time na naririnig ko ang line na to hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman.
You must be wondering why.
Here I am
With my ice-cold heart...
By the way it’s me again.
Jennica Ramirez
Kung nabasa nyo na ang story na “the mean clashes the playboy”
May ideya na kayo tungkol sa akin but this story will make you understand kung bakit ganon ang naging ending namin ni Nath.
Alam nyo na din that I am a mean girl.
But this story happened before Nath and I met again.
Naalala nyo pa ba yung encounter namin ni Trixie..pagkauwi ko ng bahay nagulat ako sa nadatnan ko.
‘where have you been at bakit ganyan ang itsura mo?’
‘Dad?! Mom?! Kelan pa kayo dumating at anong ginagawa nyo dito?’
‘Answer my question Jennica Ramirez!’
Nagulat ako nung sumigaw si Dad alam ko na kapag ganyan na ang tono at tawag nya sa akin. Galit talaga sya
‘ano ka ba naman Hon ganyan ba ang pagbati sa anak natin alam mo naman na kadarating lang natin and besides baka nakakalimutan mo kung bakit tayo nandito. Kakagraduate lang ng anak mo.’
Buti na lang nagsalita si Mom. Alam ko naman na kahit gaano kasungit si Dad Mom can really tame him. Minsan nga hindi ko maisip kung ano ang nagustuhan ng Mom ko sa kanya masyado kasing dominante ang personality ni Dad. But don’t get me wrong mahal ko ang parents ko.
‘what are you waiting for darling. Go to your room and fix yourself.’
Yun naman ang sabi ni Mom sa akin.
Wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod. Umakyat na ako sa kwarto ko para ayusin ang sarili ko.
Kung nagtataka kayo kung bakit nagtaka at nagulat ako na andito ang parensko. Simple lang ang explanation dyan. It’s because I’m living alone. Well sinusuportahan naman nila ako financially pero nakabukod ako ng tirahan.
Sya nga pala nag-iisang anak lang ako. Akala ko nga hindi sila darating ngayon e. Kaya sa totoo lang kahit napagalitan ako ni Dad masaya pa rin ako na makita sila.
Bumaba na ako. Medyo kinabahan ako nung lumapit ako sa kanila. Nasa living room sila. Ano ba yan bakit parang ang seryoso ng mukha nila.
‘sit down.’
Seryosong sabi ni Dad. Well what do I expect e simula nung nagkaisip ako palagi na lang syang ganyan.
Sumunod na lang ako sa kanya at naupo sa sofa kaharap ko silang dalawa. Pareho silang seryoso.
‘paguusapan natin ang pagpasok mo ng college. You will be taking Business Administration.’
‘no problem Dad.’
Wala naman akong planong umangal kasi yun di naman kasi ang gusto kong course.
‘by the way happy graduation, the gift is outside’
‘thank you Mom.’
‘aalis na rin kami ng Mommy mo. Marami pa kaming kailangang asikasuhin sa negosyo natin.’
‘I understand’