prelude;

15 0 0
                                    

Hello! So, bago lang ako dito i-welcome niyo naman ako hahaha. 

So sana suportahan niyo po 'tong kwentong 'to kahit na alam ko namang magiging magulo ito sa kadahilanang hindi naman ako magaling at bago lang ako dito so please onting pagunawa. 

Maraming grammatical errors, ieedit ko na lang pag merong extra time 

'Yun lang, salamat. Sana i-vote niyo ito and mag-comment kayo para mas mapa-improve ko pa 'tong story! Salamat! Enjoy reading! 

----


Noong pinanganak ata ako ay itinadhana ng magkaroon ako ng magulong buhay. Kung pwede lang sigurong palitan ang aking pangalan ay magiging Katherine D. Malas ang aking pangalan, buti na lamang at hindi "Malas" ang apelyido ko at ang naging pangalan ko ay Katherine Chantall D. Lauren. Simula pagkabata kasi ay gustong gusto ko na 'tong taong 'to pero dahil nga may galit ata ang mundo sa akin at wala ata kaming pagasa. 


"Kath! Tingnan mo oh may umaaligid na naman kay Gian," sabi ng kaibigan kong si Colleen kaya naman hinanap ko si Gian. 


"Bilis ng mata ha. May gusto ka ba kay Gian?" tanong ko naman sa kanya at pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ng libro. Hindi naman bago na may mga linta na nakapaligid kay Gian. Gwapo, mayaman, masungit kulang na lang ang pagbibisyo pwede na siyang pumasang typical bad boy na nais ng mga madla.


"Asa ka naman girl. Edi kung may gusto ako doon edi sana hindi na kita kinakausap. Alam naman natin na maraming galit sayo dito kasi close ang pamilya niyo ni Gian." sabi niya habang tinitingnan ang kanyang mga kuko. 


Tinakpan ko ang bibig ni Colleen. "Huwag ka ngang maingay baka may makarinig sayo diyan 'tsaka alam naman natin pareho na ni-ha ni-ho walang ganap sa amin ni Gian. Oo nga close nga pamilya namin pero hindi pa kami nakakapagusap ng matino." 


Ngumiti siya sa akin. "Well, at least may ganap sa inyo mag-pasalamat ka na lang," sabi niya at tumawa pa. 


Tumingin ako sa kinagagawian ni Gian at nung babae nang bigla nagtama ang mga mata namin. Iiwas na sana ako ng tingin pero nakita ko siya na inirapan ako. 


Napaisip tuloy ako. 


Ano bang ginawa ko kay Gian para maasar siya sa akin ng ganoon? 


Mapapansin mo rin ako, Gian D. Sarmiento


YouthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon