Chapter 1

167 1 0
                                    

HER WISH

ANNA'S POV

"Happy Birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you!",habang kumakanta ang mga bata hindi ko maiwasan maisip na ang bilis talaga ng panahon no? Parang kailan lang nasa sinapupunan ko pa siya pero ngayon she's already 5 years old. Ang princessa ko, nakakaiyak naman. Don't grow too fast baby ko but whatever happens youre always mommys baby princess.


"Make a wish inaanak.",ani pa ng ninang Jean niya.


"My wish is to meet my Daddy someday!",nahihimigan ko ang pait sa kanyang pagkakasabi hindi ako makagalaw sa narinig ko. Dumating na ang araw na pinaka katakotan ko. Ang hanapin niya ang ama niya.


Tinititigan ko lang ang aking anak hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Dahil alam ko kahit anong gawin ko, kahit hindi man niya sabihin sakin. Alam ko may kulang pa rin.


Hindi pa man ako nakapag salita ay nag salita na si Jean upang malihis ang usapan. "Blow your candle na baby.",patawarin mo ang mommy baby. Mas mabuti na ang ganito para hindi ka na masaktan ng sobra. Ito lang ang alam kung paraan upang hindi ka masaktan at sana lang ay tama ang desisyon ko.


Wala talaga akong balak na sabihin kay Zach ang tungkol sa anak namin. Ngayon pa, na alam ko na sila pa rin ng bruhang yun.


Simula kasi noong umalis ako ay wala na akong balita sa kanya. Pinutol ko na ang lahat ng ugnayan namin. Kahit alam ko na kahit saan man ako mag punta ay mahahanap na mahahanap niya pa rin ako. Madami siyang connections pero alam mo kung ano ang mas masakit? Yung hindi man niya lang ako hinanap! Simula ng mawala ako ay hindi man lang siya nag atubiling hanapin ako. It only means na wala lang talaga ako sa buhay niya. Ayaw niya naman sa akin eh bakit niya pa ako hahanapin. Hindi ko tuloy maiwasang maalaala ang nakaraan.


"What?!",sigaw ni Zach sa mga magulang niya. "No! I'm not going to marry that woman. Ni hindi ko nga siya kilala, Dad.",ang sakit marinig sa taong mahal mo na hindi ka niya gusto.


Yes! You heard it right! Unang beses ko pa lang nakita si Zach noong mga bata pa kami ay attracted na ako sa kanya. Our parents are business partners kaya tuwing may party magkikita kami hanggang sa nagtratrabaho na siya sa kompanya namin kagaya ko. Hinanda na kasi kami ng mga magulang namin kasi kami naman ang mag mamana ng kanya-kanya naming kompanya. Kaya ayun dahil araw-araw ko siyang nakikita ay nahulog na ng tuluyan ang loob ko sa kanya.



Hanggang sa dumating nga ang araw na sinabi na nila sa amin na ikakasal kami dahil yun ang gusto nila. Ang saya ko ng malaman ko iyon walang kahit na anong pagtotol ang ginawa ko pero si Zach, he dont like me.


"Sa ayaw at sa gusto mo ay ikakasal kayo! That's final!",ganting sigaw naman ni Tito Edmund.


"Wag na ho nating ipilit kung ayaw niya, Mom, Dad.",tanging nasambit ko nalang sa mga panahong iyon. Dahil gaano ko man siya ka mahal ay hindi ko rin naman siya itatali kung ayaw niya. Ang sakit lang talaga marinig na ayaw sayo ng taong mahal mo.


"I'm sorry.",lumuhod siya at humingi ng patawad kay Mommy at Daddy. "Na gulat lang po talaga ako.",mahina pa niyang saad. Alam kung napipilitan lang siya dahil ayaw niyang ma disappoint ang parents niya.


"It's okay iho, I can understand you",sambit pa ni Dad. Kaya simula noon ay naging mabuti naman ang pakikitungo niya sa akin.


Pero nag bago ang lahat noong ikinasal na kami.


"Hoy! Gaga, nakatulala ka na naman jan. Iniisip mo ang wish ng anak mo no? Hay naku! Kung sabihin mo nalang kaya sa kanya ang totoo!",sisirmonan na naman ako ng gagang to.


"No! Never! Kahit kailan hindi niya pwedeng malaman na may anak siya sa akin.",simula kasi noong malaman niya na buntis ako ay nag resign siya bilang secretarya ni Zach.


Galit na galit kaya si Daddy ng malaman niya ang nangyari pero salamat naman at naiintindihan niya ako. At napakiusapan kung itago ang sekreto ko. Noong una ayaw pa niya pero kalaunan pumayag na rin.


"Bakit ba ayaw mo? Baka nga mag bago na siya kapag nalaman niyang may anak na kayo.",napa isip ako sa sinabi ni Jean. Paano kung nalaman nga niya ang too? Ano kaya ang magiging buhay naming dalawa ng anak ko?


"Kahit anong sabihin mo, Jean. My decision is final. Hope you respect that.",mahina kung pakiusap sa kanya. Tango lang naman ang naging tugon niya. "Thank you.",I hugged her tight. Si Jean lang talaga ang naging sandalan ko sa mga panahong ganito. Wala kasi sila Mommy at Daddy busy kasi sila sa pag aasikaso ng business namin. Darating din ang panahon na ako naman ang magpapatakbo nito.



~♡~



Ito na first chapter na sa wakas na gawa ko rin pasensyahan niyo na kung maikli wag kayong mag alala sa susunod hahabaan ko naman. Thank you!













A Wife's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon