[01] Introduction

450 24 6
                                    

Introduction:

Chapter 1

[Sam's Point of View]

Hello! Kamusta na ang madlang people?! Malamang siguro okay naman. Dahil okay naman ako eh. Bwahahaha. ^o^

By the way, ako nga pala si Samantha Fontanilla or Sam for short. 3rd year and malapit na mag4th year sa pasukan. Magsasummer vacation na eh kaya tuwang tuwa ako. Yehey! Makakapagliwaliw na ko buong 2months ng bakasyon.  Oh diba masaya. Oo nga pala, may kapatid pa kong dalwa. Mas matanda sila sakin. Edi ako ang bunso.

Ang pangalawa saming magkakapatid, si ate Ella. Sabrina Ellaine Fontanilla. 5th year na sya sa pasukan. 1year lang ang tanda nya sakin. Mabait, matalino, maganda, magaling magluto, makulit, medyo eng eng. Basta yun na yun. Oh ready na kayong manligaw? Pero wag nyo ng tangkain dahil taken na yan. Ewan ko lang kung sino yung lalaking yun. Di nya pa napapakilala samin eh. Sabi nya mahigit 2years na daw sila. Pero syempre, sakin nya lang sinabi. Iniintriga nga sya ng mga feeling dalaga't binata naming mga magulang eh.

At yung panganay naman si kuya Joshua. Joshua Fontanilla. Andun naman yun sa London. Tinakwil na sya ng mga magulang namin. Pero syempre, joke lang yun. Dun lang sya pinag aral ng lola namin. Favorite apo kasi yun eh. Pero sa darating na pasukan, dito na sya mag aaral. Sayang nga lang dahil di ako kasama pag sinundo sya. Yung ate ko lang yung kasama. Alam kong unfair yun. Pero dahil mabait ako, sinunod ko nalang. Ganyan ang bunso samin, uto uto. =_=

"Saaaaam! Yung medyas ko, nasan ba?! Dali baka malate na koooo!" sigaw nung ate ko.

"Aba! Maghanap ka! Sakin mo na naman hinanap yung lintsak na medyas na yan! Punta kang lost and found corner baka makita mo dun!" sarcastic na sabi ko naman.

Sus. Talga nga naman yung babaeng yun oh. Sakin na naman sinisi yung medyas na yun. Pero, sanay na naman ako eh. Kaya ok lang. Sa araw araw na pagpasok walang araw na walang sigawan mode bago pumasok. Ganyan kabuti ang mundo.

Di kami sabay pumapasok sa school ng ate ko. Dahil ambagal nya kaya iniiwan ko nalang sya. Malapit lang naman ang bahay sa school eh. Mga ilang bahay lang. Kaya naglalakad nalang kami papasok.

"Hey mga sister oh! Look!" sabay turo sakin nung bakla Kasalanan ko jan? Dedmahin ko na nga lang.

"Aba! Tignan mo nga naman oh. Dinedma lang ang mga beauty natin." beauty? Sang banda? Sa pwet? Nah! Mukha nga silang pwet ni Medusa eh.

Revenge Of The Fallen --- [10]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon