Chapter 8
Kyle's POV
Naglalakad kami ngayun ni km papuntang mall, syempre date na naman.
HHWCC(Holding hands while chika chika daw) nga eh.
Kasi nagkekwentuhan din kami. Nagkekwento sya ng kung anu ano tungkol sa mga girls stuff tapos ako naman tong parang baliw, akala mo babae kunwari nakakarelate sa kanya.
Syempre naman lahat gagawin ko para sa kanya nuh, kahit maging bakla pa ako ok lang basta kay yeobo :)
Nung nandun na kami sa loob ng mall, una naming pinuntahan yung mga damit, may nakita daw syang cute eh. Anung cute sa mga damit diba ? Weird talaga ng mga babae.
So ayun, pumunta kami dun at pinapanood ko nalang si km pumili ng mga damit na gusto nya. Pero honestly, kanina pa ako may napapansin na sumusunod samin at tumitingin samin. Di ko lang mahuli eh.
Pagkatapos namin dun ay pumunta kami sa isang stall ng milktea tapos at naglakad lakad, pero naiihi ako kaya nagpaalam ako kay km na magccr lang ako saglit, pero sinamahan nya ako(hindi sa loob ng cr ah ? Dun sa labas lang) Kaya ayun iniwan ko muna sya.
KM's POV
Nagcr saglit si kyle kaya naiwan ako dito sa labas ng cr, ng may napansin ako sa isang store sa tapat ng cr. Ang cute nung rubber shoes.
Pumunta ako sa store na yun, kaso malapit nako sa pinto ng may nabangga ako at natapunan ko sya ng iniinom kong milktea.
"What the f*ck ?!" sabi nya.
"Ay ! Sorry sorry ! Di ko sinasadya ! Sorry !" sabi ko tapos kinuha ko yung panyo ko at pinunas sa damit nya.
"Hay. Kakabili ko lang nito eh, dinumihan mo na agad"
"Sorry talaga. Di ko sinasadya" sabi ko. Waaaah ! Ayaw matanggal nung mantsa ! Chocolate pa naman yung flavor nung milktea, tapos kulay puti pa yung damit nya T^T
"So paano na yan ?" tanong nya sakin.
"Sorry, babayaran ko nalang yang t-shirt mo. Magkano ba y--"
"Nah, ayoko ng tumanggap ng pera, marami ako nyan."
"Pero paano yung damit mo ?" Makokonsensya ako pag di ko nagawan ng paraan yang damit nya T^T Hay bakit ba kasi dun lang ako sa rubber shoes nakatingin ?
"Para maiba, ganto nalang. Gusto mong mabayaran tong shirt ko diba ?"
tumango ako.
"Then be my friend"
"HUH ?!"
Ano daw ? Be ano daw ?
"Be my friend. Gusto mong mabayaran diba ? Maging kaibigan mo ko ok ng kabayaran sakin yun" tapos ngumiti sya. Yung ngiti nakakapanglaglag panty sa sobrang ganda. Yung ngiting nakakainlove na kahit yung bato ay lalambot. Pero sa ngiti nya parang may naaalala ako.
*snap*
nagsnap sya ng finger sa harap ko. Napatulala na pala ako di ko napansin.
"So ano ? No choice ka na. Kaya friend na kita"
Sabi nya. Aangal sana ako ng bigla akong tinawag ni kyle.
"Oh nandito na pala yung kasama mo, sige mauna na ako" sabi nya tapos naglakad na paalis, na sya naman biglang akbay sakin ni kyle.
"Sino yun ?" tanong nya sakin.
"Ah, natapunan ko ng milktea sa damit. Wag ka mag alala nagsorry nako ok na"