twelve

6.9K 274 41
                                    


*****

The NERD's POV

At ngayon nga'y hindi ako pumasok para mabantayan ang nilalagnat pa rin na si Cassie. Hindi man lang bumaba ang temperatura ng katawan niya pagkatapos uminom ng gamot. 8:47 A.M. na at pinupunasan ko ng bimpong basa ng malamig na tubig ang mukha, leeg at braso niya para maibsan ang init ng katawan niya.

Naisip kong dalhin na siya sa ospital kaya pinagsuot ko siya ng makapal na jacket at pajama. Tinulungan ko siyang tumayo sa kama niya at pinasakay siya sa likod ko. Hindi naman siya nagprotesta at ipinatong ang ulo sa likod ko. Bumalot naman ang init niya sa katawan ko.

In fairness, ang gaan niya kahit matangkad.

Lumabas ako ng kwarto at ini-lock ang pinto. Sinigurado ko ring dala ko ang susi ko at lumarga papuntang school hospital. Hindi naman gaanong kalaki ang ospital na 'to pero masyado ring malaki para matawag na clinic lang. Dahil siguro maraming nagdo-dorm dito kaya may mini-hospital talaga kapag may nagkasakit o naaksidente.

Hindi ko pinapansin ang mga tingin sa akin at kinausap agad ang nurse. Sinabi ko ang sakit ni Cassie at tumangu-tango lang ito bago ako igaya sa isang kwarto. Sa isang kwarto ay tatlo ang pwedeng umokupa. Pagpasok namin sa pinto na may mga numerong 96 ay inihiga ko sa kama si Cassie na napaungol na naman. Ungol girl talaga.

May nakahiga rin sa katabing kama pero hindi ko na lang binigyan ng pansin at pinanood ang nurse kung paano niya lagyan ng thermometer sa bibig si Cassie para malaman ang temperatura nito.

Maya-maya lang ay tumunog ito. "Hm... 38°C." Nagsulat ang nurse sa hawak niyang notepad pagkatapos ay pinilas ito at ibinigay sa 'kin. Sinabi niya sa 'kin ang kailangang ipainom kay Cassie at kung anong oras ko siya papainumin nito. Sinabi niya namang manatili lang ako dito para makuha niya ang mga gamot na tinanguan ko lang bago magpasalamat.

Umupo ako sa upuan sa tabi ng kama ni Cassie. Sinipsip ko ang loob ng pisngi ko at iginala ang tingin sa buong kwarto. Napadako ang tingin ko sa katabing kama at nakita ang likod ng nakahiga dito. Nagkibit-balikat lang ako at ibinalik ang tingin sa nakangiwing mukha ni Cassie. Siguro ang sama talaga ng pakiramdam niya.

Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang nurse na may dalang maliit na plastic. Laman nito ang mga gamot. Ngumiti ako at nagpasalamat. Nakita kong pumunta ang nurse sa katabing kama kaya napasunod ang tingin ko.

Nakita ko kung paano yugyugin ng nurse ang balikat nung babae. Baka papainumin ng gamot. Umungol ito at humarap. Makikita ko na sana ang mukha nito kundi lang humarang yung nurse at kinuha sa bedside table ang baso ng tubig.

Napailing na lang ako at nagmuni-muni pa ulit. Pero maya-maya lang ay bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito si... Claire? Anong ginagawa niya dito?

Mukhang hindi ako nakita ni Claire at nagdire-diretso ito doon sa kabilang kama. Napasapo ito sa noo niya nang makita kung sino ang nakahiga at kinausap ang nurse. Matapos nun ay umalis na ulit ang nurse at umupo naman sa silya si Claire na parang kinakausap yung nakahiga sa kama.

"Bakit ka naman nilagnat?!" Sigaw nito kaya narinig ko clearly.

Sumagot yung nasa kama pero pabulong lang kaya hindi ko ma-make-out yung mga words.

"Nakakaloka ka Denise, ha! Malalaman ko na lang na hinimatay ka na dun sa music room! Bakit ba nandun ka? Diba may classes tayo?" Mahabang sermon ni Claire sa malakas pa rin na boses. Kawawa naman yung Denise.

Teka, parang pamilar yung Denise. Saan ko ba narinig yun?

May biglang nagbukas ulit ng pinto at humahangos na pumasok. Napatayo naman ako nang makitang buhat ng isang teacher ang duguang si Ms. Hope! O_O

The Bitch, The Brat, and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon