Binuksan ko na ang YM ko.Sinasabik akong muling makausap siya. Inaasahan ko na magoonline na siya.Naghintay ako ng mga sampung minuto. Nag online siya ng biglang.
"NAG-BROOOWWWWN OOOOOUUUUUTTTTT!!!!!!!!", sabi ng nanay ko na nagngangalang Karen.
"Siyacks, nakakainis, nagbrownout pa! Hindi ko tuloy makakausap si Ana.", sabi ko sa sarili ko.
Bumaba ako sa kusina para kumuha sa ref ng tubig. Bigla ako tinawag ng nanay ko.
"Anton!, bumili ka ng kandila sa 7-11, tapos eto na rin yung pera pambili mo ng pagkain mo.", sabi ni Nanay.
"Sige nanay, aalis na ako.", sabi ko.
"Umalis ka na at bilisan mo.", sabi ni nanay.
Sumenyas na lang ako ng okay at nagmadali akong lumabas.
Naghanap ako sa iba't ibang 7-11. Dun sa may 7-11 sa Pasay Rd., out of stock na raw ang kandila. Dun naman sa may malapit sa libertad, kakaubos lang daw. Dun naman sa malapit sa Andres Bonifacio Elementary School sa may Caltex, wala raw talaga silang binebenta. Ang layo pa nung nilakbay ko. Mga isang kilommetro na siguro. Nang makita ko ang 7-11 FB. Harisson.Pumasok ako ng biglang...
"Aray, ang sakit naman.", sabi nung babaeng napakaganda.
"Naku, nagkabangga pala kami.", sabi ko sa sarili ko.
"Hoy Kuya!, sa susunod nga magingat ingat ka nga sa dinaraanan mo! Para kasing siya lang yung tao dito sa Pilipinas!!!!! hmm. kainis.", sabi nung babaeng napakaganda, yun pala napakasungit at napakataray.
"Bakit? ako ba may kasalanan, kung sino ba naman yung maarte maglakad. kumekembot pa at paipod ipod pa.", sabi ko.
"Kainis ka talaga! ANG YABANG MO!!!!!!! sobra. sa bagay lumalaganap naman yung mga kalahi mo! CHE!", sabi niya.
"Bakit ikaw, dati pa naman lumalaganap mga kalahi mo ah. Yung mga sasabihin sa forest, eeeeeewwwwwww it's so kadiri here maraming mga bugs and lamok and wormssssss. aaaaaahhhhhh." ,sabi ko.
"Bahala ka ng sa buhay mo! CHE!", sabi niya.
Ngumiti na lang ako na parang nagpapacute sa kanya. Parang nangaasar lang.
Dumerecho ako sa mga may kandila. Kumukuha ako ng kandila, ng biglang................................................................... Hinawakan niya ang mga kamay ko. Yung kamay nung mataray na magandang babae kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit ako kinikilig.Parang kakaiba yung pakiramdam. Parang nagkakilala na kami. Siyempre kailangan ko siya asarin at hindi ipahalata ang nararamdaman ko.
"Miss! May gusto ko sa kin no? Aminin mo na!", sinabi ko ng pangiti at parang nangaasar.
"Ano????? Bakit naman?????. Mangyayari lang yun pag nagunaw na ang mundo!!!!.", sabi niya ng pasigaw pero mahina.
"Kasi, hinahawakan mo nga yung kamay ko. Kukuha ka ba ng ibang kandila, meron pa dito oh. Pero, bakit mo hinawakan kamay ko????, sinabi ko ng may nakakakilig na titig sa kanya.
"Huuuh!!!! YUCK! Nako bibili na ako ng alcohol, nadapuan kasi ng germs yung mga kamay. YUCK talaga! eeewwww!", sinabi niya ng paarte.
Tumawa na lang ako sa mga reaksyon niya. Pero hindi ko talaga maintindihan kong bakit ako kinikilig. Nakita ko siya sa isang sulok. Tumatawa at kinikilig. Hindi ko alam kung bakit. Kukuha na ako ng siopao sa may ref. Hinawakan ko yung bukasan ng bigla niyang hinawakan yung kamay ko.
"Miss, may gusto ko talaga sa kin. Hinahawakan mo palagi kamay ko. Dapat hindi ginagawa yung ginagawa naming mga lalaki, yung nananaching. Pangit tignan sa inyo.", sinabi ko ng parang tumatawa.
"Hoy! Mali yang mga interpretasyon mo! Nagkataon lang yan! Wala ka talagang magawang matino sa mundong to oh! CHE!.", sinabi niya ng pagalit.
Bumili ako ng juice. Alam kong papunta siya. Nagtago ako sa may sulok. Pagbukas niya nung Ref sa kabilang gilid. Pumunta na ako sa ref. Pagbukas niya, nandun na akosa harap ng ref. Gulat na gulat siya.
"Nakakagulat ka! Bahala ka na nga diyan!!!!!! CHEEE!!!", sinabi niya ng pagalit.
Nagkita na naman kami sa may counter.
"Mauna na ako ah. Gentleman kasi ako", sinabi ko ng pangiti.
"Bahala ka .!Ang bastos mo talaga!", sabi niya.
Kakain na sana ako. Kakain rin ata siya. Wala na kaming choice. Dalawa na lang yung upuan. Magkatabi pa kami.
Yun nagtabi kami pero hindi kami naguusap. Nung umalis kami nagsabi naman ako ng goodbye. Nagsabi rin naman siya ng goodbye pero pagalit yung boses niya.
"Dapat hindi ka na lang naggoodbye. Dapat BADBYE na lang sinabi mo", sinabi ko na paasar.
Magkalayo na kami pero narinig ko yung CHE na galing sa kanya. Sobrang lakas. Parang Balyena yung boses.
Pauwi na ako. Iniisip ko talaga kung sino yung babae. Bakit parang piling ko nagkita na kami. At bakit parang nagiging crush ko siya. Batsa ewan! Ayoko nga magkacrush sa masamang ugali na babaeng yun!!!!.
Sa kakaisip ko sa kanya. Muntik na ako mabundol ng truck.
"Hoy Bata! Wag ka magmuni muni sa gitna ng daan! Muntik na kita mabangga.", sinabi nung mamang driver na parang pinapagalitan ako.
"Sorry Kuya. Magiingat na po sa susunod", sabi ko.
Nakauwi na ako sa bahay. Pinagalitan ako ng nanay ko. Kung ano ano pinagsasabi. Sobra yung pagbubunganga niya.
"Hoy Anton! Bakit ang tagal tagal mo!!!!!!! Sobra na yan ah. Pinabili ka na nga pagkain mo! Dapat dito mo na lang kinain para nagamit na natin yung kandila.", sinabi niya nang sobrang pagalit at sobrang nakakatok yung istura niya.
Sa sobrang pagbubunganga niya, biglang nagkailaw. Umakyat na ko sa kuwarto ko. Binuksan ko yung computer at yung YM ko.Bigla akong binuzz ni Ana at nagusap na kami.
"Hayy nako.! nakakainis!", sabi niya.
"Bakit naman?", sabi ko.
"Kasi kanina bumili ako sa seven eleven tapos may lalaki akong nakabungo at sa sobrang inis nasigawan ko siya tapos sabi ba naman saakin ang arte ko daw. Kainis nga eii GWAPO na sana ei MAYABANG lang tapos TINALISOD pa ako kanina ang sakit kaya :/", sabi niya
Biglang napahinto si Ana.
"SHET bakit ganun parang kamuka mo yun?!Wag mong sabihin ikaw ung mayabang na yun!!!!!!!", sabi niya.
Hindi ako nakapagsalita.
Itutuloy.........

BINABASA MO ANG
Puppy Love (Ongoing Series)
RomanceSabi nila, hinding hindi mo malilimutan ang first love. Kadalasan yung first love mo, nararansan mo sa mga panahong bata ka pa. Nadidiskubre mo pa lang ang pag-ibig. Ito ang istorya ng dalawang batang magkakakilala sa hindi inaasahang panahon.