Prologue

8K 129 26
                                    

"Kuya?" Tawag ko kay kuya nang makapasok ako ng bahay.

Wala pa siya?

Umakyat na tuloy ako sa kwarto ko sa may second floor para magbihis. Maikling cotton short lang ang sinuot ko at isang maluwang na statement shirt na umabot na halos sa kalahati ng hita ko. Nang makabihis na ako ay bumaba na ako dahil nagugutom na ako. Dumiretso ako sa kusina para maghalungkat ng pwedeng kainin sa ref. May nakita akong orange juice kaya kinuha ko ito. Naglagay ako sa baso saka ko muling ibinalik ang juice sa loob ng ref. Isasara ko na sana ito nang may maramdaman akong presensya sa may likuran ko.

Si kuya yata.. malamang.

Agad na sinara ko na ang pinto ng ref at humarap kay kuya.

"Kuya-"

Bigla kong nabitawan ang basong hawak ko. Parehas kaming gulat base sa ekspresyon ng mga mukha namin. Pero ako hindi ko talaga napigilang mapanganga nang mapagtanto ko ang suot ng taong nasa harapan ko.

What the-

Pinaglandas ko ang mga mata ko sa malapad niyang balikat at dibdib pababa sa matigas niyang kalamnan. Napalunok ako nang mas bumaba pa ang mata ko.

Holy sht-

"Eyes up here.. baby.." Pabulong niyang sabi na ikinataas ng balahibo ko sa batok.

Awtomatikong naalis ang tingin kp sa jersey short niyang suot at kasabay nun ay ang biglang pagbilis nang tibok ng puso ko nang marinig ko ang tinawag niya sa akin. Did he just call me baby?

"Ano? T-teka sino ka ba? Bakit nasa bahay ka namin?" Sunod sunod kong tanong.

Trespasser ba siya? Magnanakaw? Akyat bahay? Rapist?!

Magsasalita na sana siya nang biglang may pumasok sa kusina. Nakita ko si kuya naka jersey short din ito.

"Oh Yana, kanina ka pa?" Sabi ni kuya habang papalapit sa amin.

"Medyo.." Sabi ko naman.

Napakunot naman ang noo ni kuya nang makita niya ang basag na baso sa sahig.

"Anong nangyari?" Kunot noong tanong nito.

"Wala naman, nabitawan ko lang ang baso nagitla kasi ako may iba pala tayong kasama dito.." Agad na paliwanag ko pagkatapos ay nagsimula na akong magpulot ng nabasag na baso.

"Teka nga lang, kukuha ako ng dust pan.." Rinig kong sabi ni kuya. Hinayaan ko lang siya at nagpatuloy pa rin ako sa ginagawa.

Medyo nabigla ako nang tumulong ang kasama ni kuya sa akin.

"Uy ako na.." Sabi ko habang pinapalis ang kamay niya.

Hindi siya nagsalita at hindi siya nagpaawat sa akin.

"Emman, tol ano ka ba tumayo ka nga. Kaya na yan ni Yana." Sabi naman ni kuya nang makabalik siya.

Emman? So Emman name niya?

"Ah-aray.."

Hindi sinasadyang nasugat ko ang isang daliri ko, awtomatiko itong dumugo. Ang sumunod na nangyari ay hindi ko lubos na inasahan. Napatingin ako kay Emman habang hawak niya ang kamay ko. Nabigla pa ako nang higitin niya ako patayo papunta ng lababo.

Nakatingin lang ako sa mukha niya habang nararamdman ko na ang tubig na tumatama sa daliri kong nasugatan. Nabalik naman ako sa reyalidad nang tumikhim si kuya, agad naman akong yumuko.

"Tol, salamat ako na.." Biglang singit ni kuya sa amin.

Narinig ko ang mahinang pagbuntong hininga ni Emman bago niya dahan dahang binitawan ang kamay ko.

"Sige.."

Nang tumabi sa akin si kuya sa may lababo ay mukhang nililinis na ni Emman ang basag na baso na nagkalat sa sahig.

"Salamat kuya.." Sabi ko kay kuya nang malinis ang sugat ko.

"Umakyat ka muna.. kumuha ka ng band aid doon sa medicine kit natin.." Mahinahong sabi ni kuya sa akin.

Tumango naman ako. Nang tumalikod na ako kay kuya ay napasinghap ako nang mapansin kong malamlam akong tinitingnan ni Emman. Napakurapkurap nalang tuloy ako bago ko napagdesisyunan na umalis ng kusina.

"Tol.. usap tayo?" Rinig kong sabi ni kuya bago ako tuluyang nakaalis ng kusina.

Emman..

Hindi pa rin humuhupa ang bilis ng tibok ng puso ko. Hanggang sa makapasok na ako sa loob ng kwarto ko ay siya pa rin ang laman ng isip ko. Napaupo ako sa kama habang dinadama ko ang tibok ng puso ko sa dibdib. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.. ewan pero natagpuan ko nalang ang sarili kong nakangiti nang dahil sakanya.

Hy Emman.. sino ka ba talaga?

~~~~~

A/N: SA MGA FANS NI EMMAN AT BRI PARA SAINYO ITO :))) SLOW UPDATE NGA LANG PERO PA-ADD NALANG MUNA SA LIBRARY NIYO KUNG SAKALI. LABLAB!


TOUCH METahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon