CHAPTER 7
“Dito ba? Wag kang malikot, di ko makapa” mildred
“Aahh! A-aray! Dahan dahan lang naman mildred. Masakit kaya.” ako
“Masakit talaga to. Wag kang mag alala sa una lang yan masakit. ” mildred
“A-ahh! A-ayan. ang sarap. Sige mildred idiin mo pa. ayan. Aahh!.” ako
“Masarap? Sabi sayo eh. sa una lang yan masakit” mildred
“Oo. Ibaba mo pa. dyan. Ang sarap. Aahh! ” ako
“Ayan. tapos na. ayos na ba pakiramdam mo?” mildred
“Oo, salamat mildred. Ang sarap mo palang manghilot. Sa uulitin” ako
“Welcome. Basta ikaw frend ” hay salamat, gumaan narin ang pakiramdam ko. buti nalang magaling manghilot si mildred. Ang sakit ng buong katawan ko nung nahulog ako sa hagdanan halos maiyak na ako at halos hindi makagalaw sa sakit.
Hindi sana ako mahuhulog sa pinakataas na hagdan kundi dahil sa pesteng batang yun. Pasalamat sya. hindi ako makagalaw ng oras na iyon. nako. Kung hindi tinamaan na sya ng lintik sakin.
Unang araw ko palang dito, ganito agad ang nangyare sa akin. Malas naman oh.
Bigla ko tuloy na alala yung nangyare kanina. Ang bilis nang pangyayare. Grabe, itong araw na ito hindi ko talaga to makakalimutan.
FLASHBACK:
Sinusungkit ko yung mga dahon sa swimming pool. Grabe, ang yaman talaga nila. May pa swimming pool pa sila dito. Samin nga ilog lang eh. Habang umaagos ang tubig sa ilog may kasama pang putput ng tao. Kaya minsan nakakadiri ng maligo dun.
“Clarise! Iwan mo muna yan. Linisan mo muna yung hagda. Madumi na kasi at marami na ding alikabok. may ginagawa din kasa ako, hindi ko pa tapos. Kaya hindi kita matutulungan. Dapat si mildred ang gagawa nyan kaya lang nautusan ko nang mamalengke, yung ibang katulong may kanya-kanyang trabahong ginagawa. Alam mo naman tong mansion, masyadong Malaki tapos konti pa lang tayong katulong. Kaya tulong tulong nalang muna tayo sa gawain, habang wala pa yung ibang katulong na pinatawag ko sa probinsya namin. pero Wag kang mag alala, Parating na din yun si mildred patulong ka nalang, Para madali kayong matapos.” Na panganga akong nakatingin kay manang. Maya-maya rin ay tumango ako senyas na naintindihan ko yung sinabi nya at umalis na sya.
Ang daming pang sinabi ni manang. isa lang naman ang gusto nyang sabihin. Pwede naman sabihin nya nalang na ‘clarise pakilinis yung hagdan madumi na kasi’ Ganun dapat. Parang pang telenovela naman yung ‘dayalog’ ni manang kanina. Kabog! Pang sop opera.
Iniwan ko muna yung ginagawa ko dito. Pumunta na ako sa hadgan para mag linis. Nag simula akong maglinis sa unang baitang ng hagdan.
“ walang sagot, sa tanong. Kung bakit ka mukang tanga. Walang papantay sayo…” pakanta kanta ako habang nag lilinis. Ewan ko ba. Nakaka relaks kasi kapag nag tatrabaho habang kumakanta. Nakakawala ng pagod.
“Hay! Sa wakas. Natapos din. nakakangalay, ang sakit na ng likod ko. tumatanda na ata ako” umupo na muna ako at nag inat ako ng katawan dahil nangangalay ako kaka yuko. Masakit din sa leeg.
“Hello yaya. ” nilingon ko yung nag salita. Nakangiti ito sa akin.
“Hi din bebe boy. Yor so kyut naman” nakangiti kong sabi sa kanya. Ang kyut talaga ng batang ito.
“Yaya, I have a gift for you.” Uhh. Ang sweet naman ng batang ito. Sana ganyan din yung mga kapatid nya. Inilabas nya yung kahon na nakatago sa likuran nya. Hindi naman ito kalakihan, mga kasing laki lang ito ng baonan ng pagkain. At ini-abot nya ito sa akin.
BINABASA MO ANG
The Promdi's Game #YourChoice2017
HumorHighest Rank: #252 in Humor (05/17/17) Highest Rank: #280 in Humor (04/28/17) Ako ay si clarise dimayugyug probinsyanang masipag, matapang, makatao, may ipinag lalaban, nasa tama at may paninindigan. kaya iboto nyo ako para mayor. para sa ika uunl...