Salamat

15 2 2
                                    

"Sinaktan mo ko pero salamat"

Alam ko naman na masasaktan ako pero pinilit ko pading balewalain ung mga sinasabi ng mga kaibigan ko. Sinabi ko sa kanila na baka iba ka sa mga nakilala nilang lalake. Baka seryoso ka. Oh ngayon, ano na? Wala. Ganun ka din pala. Pafall. Paasa.

Noong araw na sinabi mong wala na... Wala ka ng nararamdaman sakin. Aaminin ko nasaktan ako. Sino ba naman kasi hindi masasaktan kung may nangako sayo na hindi ka iiwan at sasaktan, diba?

Nasaktan ako. Nasaktan ako kasi pinaasa mo ko! Mga paasa! Mga manloloko! KATULAD MO! Oo yung katulad mong paasa. Yung iba di naman talaga pinapaasa sadyang nagassume lang sila eh. Eh ako? Pinaasa mo ko. Pinaasa mo ko sa mga sinabi mong hindi ka magsasawa sakin, sa mga pangako mo, sa matatamis mong salita at yung pinakamasakit? Yung ILOVEYOU. HINDI MO NAMAN PALA AKO MINAHAL EH. Nasktan ako sa mga salitang sinabi mo sakin at sa nga salitang sinabi dahil wala palang halaga para sayo. Walang value. Marunong ka ba magmahal?

Andami mong kasinungalingan Na hanggang ngayon ginugulo padin ang utak ko. Sa kakaisip sa kung hanggang kailan ka lang ba naging totoo At gaano katagal ka lang ba naging totoo. Naging totoo nga ba sayo? Kahit Isang segundo? Yung gabing sinabi ko na gusto din kita naging masaya ka nga ba dahil dun?Yung gabing sinabi kong mahal na kita at sa mga dumaang araw na sobrang tamis natin sa isat isa, wala din pala. Niloloko mo lang pala ako

Nanghihinayang ako, dahil sa mga nasayang ko na oras sayo. Dahil sa bawat luha na pumatak. Dahil iniyakan kita. At dahil sa pagibig kong nasayang lang sayo. Andaming naghahangangad na makakuha ng pagmamahal na gaya ng binigay ko sayo pero sinayang mo lang.

Pero salamat. salamat sa mga oras na pinasaya mo ko. Hindi ko alam kung masaya ka din ba talaga sa mga oras na yon,pero salamat nalang din. Kahit sobrang sakit ang dinulot mo, salamat. Naging mas matatag na ko. Salamat dahil andami kong natutunan sayo. Salamat sa lahat lahat.

Thought's of a brokenhearted girl💔Where stories live. Discover now