bakit pag nagmahal nasasaktan?
bakit kailangang masaktan dahil sa pag-ibig?
bakit masakit ang masakit?
bakit masakit ang masaktan kesa umibig ng puro saya lang at walang mga pasakit?
iilan lang iyan sa mga tanong ko kung bakit masarp na masakit umibigminahal kita dahil mahal kita walang pag alinlangang sinagot kita sa matagal mo nang inaasam na salita na lalabas sa bibig ko na "Oo"
sinagot kita kasi alam ko na sasaya ako sa piling mo kahit pansamantala.alam ko sa sarili ko na hindi talaga tayo, kita ko sa kislap ng mga mata mo na parang sinasabi "Sulitin mo ang mga araw na kasama ako. balang araw iiwan kita dahil may makikita na mas hihigit pa sa iyo". Masakit titigan ang mga mata mo kasi nababasa ang mga katagang papatay ng pag ka tao ko.
Ikaw ang centro ng buhay ko na para bang pag wala yung centro di ako mabubuo, na may kulang, na parang dahan dahang pinapatay ang katawan ko kasi kulang ang parte nito.
tanga ako kasi ginawa kang centro, tanga ako kasi naniwala sa iyo, sa iyo na parang isang dumi lang ako sa kuko mo. kahit minsan di mo na isip na kahit saglit bigyan ako ng importansya sa buhay mo
oo tanga nga ako kasi iniisip ko na ako ang centro mo, kahit konting importansya nga lang di mo na bigay, yun pa kayang maging centro ng buhay mo.
masakit isip na iniwan moko dahil sabi mo "di ako sapat para sayo." Yan ang sabi mo sain noon.
wala akong pake kung ano ako sayo pero desperada na akong akoy para sa iyo .. mahal kita mahal na mahal kahit ilang ulit mo pang saktan ako wala akong pake. ayoko sa opinyon mo sa opinyon nila sa opinyon ninyong lahat kasi gusto ko ako yung mismong susuko, para sa panahong magising na ako sa katotohanan, wala nang pag asang babalik sa yo, di na ako paulit ulit masasaktan pa, di mo na ako masasaktan pa uli dahil ako na ang mismong sumuko yung sakit na dulot mo? unti unti na itong mawawala..Dahil sa pag ibig ko sayo marami akong natutunan, na dapat hindi gawing mundo at centro ang isang tao, wag mag paka bulag bingi sa naririnig at nakikita, wag mag paka tanga sa taong di ka naman mahalaga.
Kung mahal, mahal lang wag yung mahal namahal para sa panahong masasaktan ka masakit lang hindi masakit na masakit.
sa larangan ng pag- ibig di mawawala ang sakit! hindi masakit ang masakit mas masakit ang pag-ibig kasi ito ang nag dulot ng hinanakit.
sa huli mag iiwan ito ng peklat sa puso at isa nalang itong ala-alang natutunan na di na dapat ulitin at mistulang masamang ala-ala na wag nang balikan at alalahanin pa.