Just a random One Shot. Hope you like it ☺
➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰➰
Naalala mo ba noong sinagip mo ako? Niligtas mo ako mula sa kadiliman na bumalot sa buo kong pagkatao. Ikaw ang kumuha ng patalim mula sa akin. Ikaw ang nagtago ng hindi ko na nga mabilang sa daliring mga sugat ko sa aking pulso. Ikaw ang nagsabi sakin na "Magiging maayos din ang lahat."
Kinuha mo ako sa ilalim hindi ba? Tinulungan mo akong hanapin ulit ang sarili ko. Tinulungan mo akong makabangon mula sa bangungot na kinasadlakan ko. Iniligtas mo ako mula sa sarili ko. Hindi mo ako pinabayaan. Tinuruan mo akong maging malakas ulit. Bokalista ka ng isang sikat na banda, hanggang sa isang araw, nabalitaan kong umalis ka sa kanila. Ayaw mong sabihin kung bakit, maliban na lang sa dahilan na gusto mong sakin lang ang oras mo. Nalaman mong kumakanta din ako. Pinakilala mo ako sa mga kaibigan mo. Ipinalit nila ako sayo at pumayag ka naman. Masaya noong una. Lagi kang nandyan, suportado mo ako sa kahit saan. Ikaw ang nag-iisang manonood ko hanggang sa sumagi sa isip kong, hindi mo pala ako nahatak ng tuluyan. Sila. Ang mga kaibigan mo at ang mga sikat pa nilang kakilala ang totoong nag-angat sa akin sa kalangitan. Hindi ikaw. Hindi ikaw at ang mga salita mong nakagagaan. Itinulak kita palayo pero bumabalik ka parin. Nagalit ako dahil ayaw mo akong iwan. Hindi ka nagsalita pero nanatili ka paring nandyan. Umikot sa pagiging huwad ang buhay ko. Naging maangas at sinungaling ako para magustuhan ng iba. Nabuhay ako sa kasinungalingang nagatungan pa ng paparazzi at ecstasy. Ni hindi na kita hinanap. Basta ang alam ko lang ay masaya. Masaya na ako lang ang nasa ibabaw. Naging kami ng dati mong drummer bilang palabas. Ganon daw kapag sikat, kailangan gumawa ng kababaliwan ng mga umiidolo sayo. Hindi ko alam na sineryoso mo pala. Nabaliw ako sa kumpanya ng iba. Hindi ako nakuntento. Naadik ako mismo sa kasikatan. Masyado nakong mataas na hindi ko na kayang tumingin pa sa ibaba. Nakakalula. Pinapababa mo ako pero hindi ako nakinig. Bugkos ay itinaboy kita ulit. Pilit mokong hinihila hanggang sa hindi mo na ako kinayang maabot pa. Akala ko.
Hindi ko na muling narinig ang boses mo pagkatapos non. Hindi ko na muli pang narinig ang pangalan mo. Huli na pala nang lumabas ang balitang muling gumimbal sa buong pagkatao ko. Natagpuan ka sa loob ng banyo ng apartment natin noon, nalulunod sa bath tub. Sa loob ng mahabang panahon, hindi ko man lang nalaman na nalulunod ka na rin pala. Nalunod ka pero hindi ko man lang nakitang nahihirapan ka na. Nabulag ako sa narating ko. Naging makasarili ako. Hindi kita nailigtas tulad ng ginawa mo noon sa akin. Hindi kita nai-ahon mula sa maduming tubig ng depresyon. Hindi ko narinig ang mga huling sinabi mong kinain ng kawalan mo ng hangin doon. Doon sa malalim na dagat ng kadiliman. Ni hindi ko napansin ang mga bulang nagsabi na hindi ka na makahinga. Huli na ng malaman kong kahit kailan ay hindi pala ako napunta sa langit na akala ko ay ipinagkait mo sa akin. Pasaway ako at mas lumapit pa palang muli sa dalampasigan hanggang sa nasa leeg ko na pala ang tubig, at hindi ko napansing kada hakbang ay napapalayo ka pala, nadala na ng alon sa hindi ko na alam kung saan. Umalis ka ng walang paalam! Mali, nagpaalam ka ngunit hindi ko ito pinakinggan. Dumaloy sakin ngayon ang pagsisisi, ang kagustuhan na lang na bumalik sa dati. Yung tayo lang at walang sila. Bumalik sa panahong ikaw ang mas malakas sa ating dalawa. O di kaya ay sa panahong dapat ay masasagip kita, mahahatak ko ang iyong kamay o kaya naman ay sabay tayong mawawala sa pusod ng dagat. Pero madaya ka. Iniwan mo akong mag-isa.
Sino na ang bubuo sakin? Tatalon kapag nasa ilalim na naman ako? Iligtas mo ako ulit. Wag mo ako hayaang malunod muli.
Paano pa magiging maayos muli ang lahat? Paano na ako gayong wala ka na?
*end*

YOU ARE READING
Drown (One Shot)
Short StoryWho will fix me now? Dive in when i'm down? Save me from myself, don't let me drown.. -Bring Me The Horizon