Love at First Sight (True Story)

90 2 0
                                    

Nasa third year highscool ako nun ng tuluyan na kong napaniwala sa kasabihang...

" ang tunay na pagmamahal kahit sa unang tingin mo pa lang may hiwaga ka ng pwedeng maramdaman.."

ang korny db? Pero ako naman ito. Tinamaan! Hayy.

Ako nga pala si Katrina. Yna for short. Third year highschool na ako pero hindi pa ko nagkaka-boyfriend. Lagi tuloy akong nasasabihang "manang". Pero ano naman db? Eh sa ayaw ko pa eh! Bata pa naman ako. Hehe. Yan lagi katwiran ko. Pero inaamin ko, sa barkadahan namin. Ako lang ang walang boyfriend. Ewan ko ba. Hindi naman ako pangit pero wala manlang nanliligaw sakin.  Malinis naman ako sa katawan pero sa pag-aayos ng kagaya sa iba na may kung anu-anung koloreteng nilalagay sa muka nakuuu.. wala talaga akong panama. Simple lang kasi ako. Nag-aayos minsan pero tama na ang pulbo at pagsusukay ng buhok. Honestly, kahit may lakad kami kahit saan pa man yan, SM north, SM Manila, MOA o kahit san pa, okay na talaga ang pulbo. May kaya ang pamilya namin pero pinili ko na mag-aral sa pulic school kasi nga dahil sa mga kaibigan ko. Hm, kung sa pag-aaral naman naku,. ayun. Di naman sa nagmamayabang pero pagdating saming magbabarkada ako itong "mas" may utak sakanila. Pero ang kahinaan ko ? alam niyo na siguro...

LOVE.

Love at First Sight.. Must-read story (True Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon