Kuhaan na ng card namin
kakabihis ko lang and on the way na ako para kunin card koLast day na namin ngayon at last day ko na rin siya makikita
Gusto ko na siya kausapin sa personal kasi never pa kami nagusap sa personal lagi na lang sa chat,text o kaya tawag
Oo aaminin ko nahihiya tlaga kami ss isat isa
Hayy.. Sana okay lang yung araw na to
Pagpasok ko hindi ko pa siya makita baka hindi pumasok
Pumunta muna ako sa mga barkada ko at dun ko siya nakitaTuwang tuwa ako ng makita ko siya kaso makikipagtawanan sa isang lalaki na hindi naman kagwapuhan at pinagseselosan ko sa kanya napatitig na lang ako sa kanya na galit napatingin naman siya sa akin at biglaan nalang siyang ngumiti sa akin
Kaya umalis ako sa pwesto ko at lumipat ayaw ko makita yung sakit nasasaktan ako na may iba siya
Nung tumingin ako ulit wala na sila hinanap ko siya baka sakaling pwede ko na siya makausap
Maya maya nakita ko na siya pero magkasama pa rin silang dalawa Bigla na lang tumawa yung lalaki at tumawa na rin siya hala weirdAaminin ko nagselos ako kasi kahit minsan sa personal hindi ko siya napatawa ng ganyan hindi ko nga alam kung sa chat napapasaya ko siya pumunta muna ako sa sulok para hindi ko makita ang sakit
After 5mins ayun kuhaan na ng card namin hinanap ko siya baka magsabay kami ng pagkuha ng card naming dalawa.
Nandun ako sa sulok nagbabakasakali na dumaan siya dito pero hindi kaya tumingin ako sa may gate at
Nakita ko na pinapapirmahan ang uniform niya dun sa lalaki na kasama niya kanina sana ako din papirmahin niya
Maya maya malapit na ako para makuha ang card ko pero natanaw ng mata ko ang mata niya siya rin ang unang umiwas
Habang kausap niya adviser niya tinitignan ko lang siya at yung uniform niya na puro pirma na
Maya maya dumaan siya sa harap ko pinuntahan ang mga kaibigan niya kung saan saan ako nagpupunta nagpapansin lang naman tlaga ako
Kunwari hahanapin ko si ganto o kaya si ganyan magpapansin lang ako para sa kanya Kunwari lalapit ako kay ganito pero ang totoo siya ang lalapitan ko
Maya maya umupo muna ako sa tabi ng adviser niya sa hindi ko inaasahan lumapit siya at nagtanong hindi ko siya tinitignan nahihiya pa kasi ako sa kanya
Pero nakikita ko ang ngiti niya masayang masaya siya at parang mas okay siya na wala ako umalis na siya at bumalik sa mga kaibigan niya
Dumating naman ang mga kaibigan ko na mga babae yung kaibigan kong isa kunwari holding hands kami para magselos siya nakita niya pero hindi wala wala siyang reaction baka wala naman siya nararamdaman para sa akin
Ang dami nang pumipirma sa kanya at ang dami na rin niyang tinatawag para pirmahan ang uniform niya pero ako hindi niya pa ako tinatawag
Tumambay muna ako sa isang sulok laking gulat ko na nandun siya sa harap ko may tinitignan hindi ko alam pero napapamahal na lang ako sa kanya
Aalis na sana ako kaso hiniram ng kaklase ko ang cellphone ko kaya hindi pa ako makauwi tumambay muna kami sa gate maya maya narinig ko ang pangalan ko napalingon ako at ayun siya nakatingin sa akin
Sinabi niya na pumirma ako hinawakan ko yung pentel at naghanap ng mapipirmahan at dun ako pumirma ng buong pangalan ko with happy face at after nun nagThank you siya at umalis na
Nagpaalam na siya sa mga kaibigan niya palabas na siya ng gate ako din palabas na rin
Gusto ko na siyang makausap pero nahihiya pa talaga akoPinauna ko siyang lumabas sumunod ako at nagsabi ng
"Sana madapa ka" hindi ko alam pero bigla na lang lumabas sa bibig ko napatingin naman siya at nagtanong "ANO?"pero hindi ko siya pinansin at patuloy siyang naglakad
Hindi mo lang alam Chelly minamahal kita pero natotorpe akong sabihin sayo,natatakot akong umaamin sayo dahil baka pagsinabi ko sayong mahal kita ay baka pagtawanan mo ako pero baliktad ikaw ang umaamin at tinawanan kita hindi ko sinadya yun natuwa lang ako kasi mahal mo rin ako pero bigla ka na lang nanlamig at hindi na nagparamdam may pagasa pa ba ako napag nagkita tayo ay ako parin ang mahal mo
Pagkatapos ng dalawang minuto bigla siyang nagtext
" Ingat ka sa buhay mo! Wag ka na magpakatanga ! Choose the right girl char hahahaha
Congrats ! Sensya na hindi ako nakapag greet sayo ng personal.Ingat ka na tlga ! Last ko na toh! Hindi na ako mangungulit ! Goodluck "At wala nang sumunod pa dun napapaiyak na lang ako kasi hindi ko sinulit ang mga araw na kasama ko siya,na kausap ko siya at kaninang nagpapirma siya sa akin
Sana kinausap ko na siya,Sana hindi ko siya tinawanan nung umaamin siya,Sana hindi na lang ako torpe, Edi sana nakaamin na ako sa kanya
"Chelly Mahal kita at Hindi ko kayang mawala ka pero I didn't have the chance to say Goodbye
Sorry sa sakit chelly mahal na mahal kita at sana pagdating ng panahon ako parin ang mahal mo" Marc
BINABASA MO ANG
I didn't have the chance to say Goodbye (Short Story)
Roman pour AdolescentsGOODBYE AND I LOVE YOU