CHAPTER THREE

39 9 0
                                    

Henz's POV.

Nakatulog si Mae sa kwarto. Bumaba ako at nasa sala si Lola. May dalang rosaryo at nagdadasal. Tumigil siya atat napansin ako.

"Lola, sorry sa istorbo," paghingi ko ng tawad.

"Okay lang," sabi niya ng nakangiti, "Itong rosaryo ang nagtatanggol sakin sa mga masasama. Sa mga tsanak, aswang, multo at demonya," dagdag niya.

"L-lola ano po yung ibig niyong sabihin sakin kanina?" Tanong ko.

"Sa mundo meron tayong nakikita at merong hindi. Minsan ang mga nakikita natin at masasama." Sabi niya at di ko makuha. "Mag-ingat ka, makukumpleto na ang siyam na demonya,"

Nakatingin lang ako sa kanya ng nagtataka at di ko maintindihan lahat ng inaakto niya. Inabot niya sakin ang rosaryo, kinuha ko at tinignan.

"Suutin mo yan, poprotektahan ka niyan," sabi niya. "Aalis na ako,"

"Pero lola, ano, bakit nila ako puntirya?" Tanong ko.

"Gusto nila ng hari, gusto nilang maging satanas ka." Sabi ni Lola.

Napatulala ako sa sinabi ni Lola. Bakit ako, anong meron sakin? Di pwede yun. Hindi pwede.

"Pwede ba akong makainom?" Tanong niya sakin.

Tumango ako at sinamahan siya papuntang kusina. Imbis na baso ang kinuha niya, kutsilo. Isinaksak niya sa tiyan niya, mga ilang beses. Nilapitan ko si Lola para pigilan pero anlakas niya at nagawa niya pang isaksak ang kutsilyo sa dibdib niya. Nagkalat ang mga dugo, pati sakin. Wala ng buhay si Lola at nakabukas ang mata na nakahandusay sa sahig. Naluha ako kasi di ko mapigilan ang mga nangyayari, di ko nailigtas si Lola.

----

"Henz," napatingin ako kay Mae na nasa harap ko. "Okay lang yan,"

Nagbaba ako ng tingin. Di ako sang-ayon sa sinabi niya, di to magiging okay. Hindi to okay, hindi magiging okay.

"Paano magiging okay lahat, Mae. Kung andaming namamatay nang nandun ako," sabi na napahilamos sa mukha ko. "Nahihirapan na ako, natatakot!"

"Henz,"

"Okay, aayusin ko lahat to, magiging okay din." Tumayo na ako.

Isinout ko yung rosary. Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng kotse. Di ko alam kung saan ako pupunta, di ko alam. Pero nagdrive ako ng magdrive hanggang sa bumabagal ang pag-andar ko. Napatingin ako sa paligid, ang mga anino. Pinipigilan ang pag-andar ng sasakyan ko. Iniikot-ikot ko ang manibela pero ambigat. Sobrang bigat hanggang sa bumangga ako sa puno. Dahilan ng pagkawala ng malay ko.

-to be continued-

STAY ALIVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon