Nakakapagod naman mag practice para sa graduation... panay tayo at upo... > 3 <
Boring talaga!
"Here." Sabi ni Roockie sabay abot sa akin ng mineral water at umupo sa tabi ko.
Breaktime na kasi namin.
At nanatili lang ako sa gym.
"Salamat." Sabi ko sabay inom sa ibinigay niya.
"Alam mo sana forever nalang tayo mag panggap ano... ng bumait ka sa akin paminsan..." sabi ko.
"Mabait naman ako ah." Sabi nito.
"Kung matulog...??? Oo..." sabi ko.
"Gwapo pa." Dagdag nito.
"Subrang proud ka talaga sa sarili mo ano? Hindi na yan Hangin... Bagyo na." Sabi ko.
"Hehehe! Oi Daldal... maging sweet ka naman sa akin, nakatingin si Yuan oh." Sabi ni Roockie.
Oh no! Anong gagawin ko!
"Ako pa talaga??? Di ba dapat ikaw yung sweet sa akin?" Sabi ko.
"Hay naku, kahit kailan hindi kita maaasahan." Sabi ni Roockie.
Ngumiti ng matamis si Roockie sa akin sabay pat sa ulo ko.
Ngumiti na rin ako.
Hinay-hinayng lumapit si Roockie sa akin.
"Good job... mukhang nagseselos na talaga siya." Bulong ni Roockie sa tenga ko.
Hehehehe! Galing talaga naming umarte!
"Sige bye." Sabi ni Roockie at umalis na ito.
Inayos ko naman yung sapatos ko. Napansin kung may lumapit sa akin.
Kilala ko ang amoy na ito...
SI YUAN.
Tumingala ako...
And yeah good guess!
Si Yuan nga.
Quincy chill kalang!!! Chill!!! Relax kaya mo to!!!
"How are you?" Sabi ni Yuan.
Walang bakas na ngiti sa mukha nito. Parang bumalik ang pagka hari ng kasupladuhan and kasungitan ah.
"Okay lang." Sabi ko sabay ngumiti sa kanya.
Umupo ito sa harap ko at derektang nakatingin sa akin.
"Saan na ang kadaldalan mo ngayon ha? I thought walang mag babago after the contract?" Sabi ni Yuan.
Manhid!
Langhiya!
Walang magbabago??? Sa tingin mo impossibly mangyari yun kabila sa lahat ng nangyari???
"Well...sabihin na nating people change... kaya nga nag e-exist ang word na metamorphosis diba? because change are bound to happen. Oh english yun sosyal!" Sabi ko.
"I still like the old you... madaldal... yung happy lage..." Sabi nito.
"Im still happy... kasi wala ng magsusungit sa akin, wala ng mande-deadma, walang mag uutos ng kung ano...wala ng suplado!" Sabi ko.
"Why? Kasi Roockie is way too different than me? Ganon ba?" Sabi nito.
CONPEYRMED!!!!!
NAGSESELOS SIYA!!!!!
HAHAHAHAHA!!!!!! xD
Tiningnan ko siya sa mata...
Ano kaya isasagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
HapPy LoVe: 100 days with the Royal Snob
RomansaBroken hearted, and desperate to look for a boyfriend... Quincy the easy-go-lucky, none-stop-talking-machine girl wishes a revenge sa ex-boyfriend niya na nakita niya na may kahalikang babae sa parking lot. Burst out in anger sinira niya ang napakam...