KEIRA MONIQUE POV
Pabalik na kami ni blaze sa kubo nang matanaw ko sila stephen at mizzy na sobrang sweet. May kakaiba sa dalawang to.
Hmm I smell something fishy here.
"Baby" tawag ni blaze.
"Bakit?"
"Wala naman bigla ka kasing tumahimik." Sagot niya.
"Wala natanaw ko lang sila mizzy at stephen ang sweet kasi nila." Sabay turo ko sa dalawa. Tumingin naman si blaze duon sa dalawa.
"Oo nga no, naiinggit ka ba? Wag ka nang mainggit jan, kaya rin naman nating maging sweet." Asar niya na ikinapula nang mukha ko.
"Baby, your blushing. Asar niya pa.
"Huh? Mainit lang." Sagot ko.
"Walang gaanong araw oh." Ngising sagot niya. Oo nga pala walang araw medyo makulimlim ang panahon.
Ano ba naman yan monique ganon lang kinilig kana.
Tinawag ko na ang iba dahil maglulunch na. Matapos silang magshower ay nagtungo na kami sa resto at nagtungo sa assign seats namin. Nang iserve ang foods ay nagpaalam si leslie unnie na magbabanyo lang.
Ilalagay ko na sana ang gamot nang bahagya akong pinigilan ni oppa.
"Teka? Ano yan?" Takang tanong ni oppa.
"Gamot! Obvious ba." Sagot ko naman.
"Alam kong gamot yan pero para saan?"
"Kay unnie para makatulog siya." Hindi na sumagot si unnie at agad kong inihalo sa inumin ni unnie ang gamot. Nang dumating si unnie ay agad niyang ininom ang juice at napasigaw ako.
"Yes!!" Sigaw ko.
"Bakit princess?" Takang tanong ni ate.
"Sorry, wala naman unnie." Nagpeace sign ako at muling umupo.
Maya-maya pa ay natapos na kaming kumain at nagtungo sa kubo. Nagpaalam si unnie kay oppa dahil inaantok na ito.
"Hon, akyat muna ako, medyo inaantok kasi ako." Paalam niya.
"Hatid na kita." Prisinta ni oppa.
"Hindi na stay here." Pagtanggi ni unnie.
"Are you sure?" Tumango si unnie at naglakad na paakyat nang hotel.
Nilapitan ko si oppa. Nasa labas kasi ako nang kubo kanina pero rinig ko parin ang pinaguusapan nila.
"Ngisi ka jaan kuya."
"Princess ngayon palang magthathank you na ko sayo. Thank you sa lahat." Pagpapasalamat niya.
"That's nothing kuya, anything for you." Niyakap ako siya at niyakap ko rin siya pabalik nagbitaw kami sa yakap at inabutan ko siya nang makapal na stickynotes at pentel pen.
"Para saan to?" Tanong niya.
"Write anything you wanna say for your proposal."
"Okay" sagot ni oppa.
Habang nagsusulat si oppa ay tinawag ko na ang ibang girls at aayusan na namin si unnie sinabihan ko narin ang boys na ayusin na yung venue may tiwala naman ako sakanila kaya alam kong maayos yun. Mabilis kaming nagtungo sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
My Arrogant Prince
Teen FictionFirst love never dies, yun ang sabi nila pero para saakin ang true love hindi agad yan nawawala nakatatak na yan sa puso mo pero paano nga ba malalaman kung true love na? Yan na ba yung lagi siyang nasa isip mo, gusto mong makasama sa araw-araw? Per...