IF ONLY

6 1 0
                                    

"Scarlet!"

I tried to shout her name as loud as i can.

"Scarlet magpakita ka naman sakin!"

Suot ko pa rin ang aking toga habang hinahanap ko siya. Yep, graduation namin ngayon.

**flashback**

Nagsasaya ako kasama ang barkada ko nang may natanggap akong text from mommy.

========

From: Mommy

Anak, Scarlet's leaving.

========

I wasted no second.

Agad akong tumayo at pumunta para hanapin ang bestfriend ko.

**end of flashback**

I tried calling her pero hindi siya sumasagot.

"Come on Scar, pick up the damn phone"

Naglalakad lang ako habang hawak ko ang cellphone ko. I trying to contact her pero damn it! Hindi niya sinasagot!

Think, Asher. Saan ba pwedeng pumunta yung babaeng yun?

'Tree house'

May kung anong nagsabi sa utak ko.

That's right! Dun siya pumupunta pag may nangyayari!

Tumakbo ako nang tumakbo para tignan kung nandun siya.

Yung tree house na yun ang mistulang playground namin nung bata pa kami. We used to play there everyday before we went to highschool.

Yung tree house na yun ay nakatayo malapit sa elementary school na pinasukan namin dati.

Nang makarating ako dun, dali-dali akong umakyat sa taas pero na-disappoint ako nung wala akong makitang tao doon.

"Scarlet..."

Napaupo na lang ako habang hinihingal. Pero parang wala lang yung pagod na nararamdaman ko dahil mas nangingibabaw ang lungkot.

Ano ba ang nagawa ko at umalis ka nang hindi mo sinasabi sakin?

I stared at the ceiling at may napansin akong may papel na nakasabit doon. I stood up and reached for that piece of paper.

Medyo lukot na ang papel ngunit halata pa rin ang nakasulat dito.

The moment i saw the penmanship, alam kong si Scarlet ang nagsulat neto.

Hi Asher!

Kung binabasa mo to graduation day na right? Kasi sabi ko kay tita na sasabihin lang nila sayo na aalis na ako kapag graduation na.

Anyways, aalis ako ng bansa. Saan ako pupunta? Well, secret yun. Baka puntahan niyo ako eh :P

Don't worry, babalik ako after a year or two. Kailangan ko lang gamutin tong puso ko.

Ash, alam mo namang mahal kita right? It sucks, alam ko. Bestfriend kita and yet tinatalo kita. Sorry naman, ang gwapo mo eh. Haha.

I noticed na tumitindi ang nararamdaman so i tried to stay away. Pero hindi ganun kadali eh. Ilang years ko na tong nararamdaman kaya hindi pwedeng i-delete na lang yung feelings ko.

Pero sana ganun na lang noh? Sana kung gaano kabilis akong nahulog sayo, ganun din kadaling kalimutan ka. Sana isang pindot lang ng 'delete' button, wala na yung nararamdaman ko.

Nung nakita ko kayo ni Summer na magkasama, i knew na wala na akong pag-asa.

I thought sanay na akong masaktan. Akala ko namanhid na ang puso ko. Pero hindi eh, nasasaktan pa rin pala ako.

Nasasaktan din pala ako Ash. Akala ko masasanay akong makita kang masaya, sa piling ng iba.

Kaya napagdesisyunan kong umalis. Aalis ako para hanapin ang sarili ko. Aalis ako kasi nasasaktan na ako masyado.

Alam kong hindi mo ako kayang mahalin gaya ng nararamdaman ko sayo. Wag kang mag-alala, ako pa rin ang bestfriend mo. Always have and always will.

Goodbye Ash. I love you kahit hindi mo ako mahal. I'll be back, i promise. At pagbalik ko, i will be a better Scarlet.

Sayonara Ash.

Yours truly,
Scarlet💖

After reading the letter, bigla akong nakonsensya. I never knew nasasaktan ko na pala siya. Hindi ko alam na habang nagsasaya ako, nasasaktan ko na ang bestfriend ko.

I love her hindi lang bilang kaibigan ngunit higit pa dun. Pero torpe lang ako. Ang gago ko noh?

Nagawa kong maghanap ng iba habang sinasaktan ko ang babaeng mahal ko.

I should've confessed. Pero natatakot ako na baka i-reject niya ako kaya i kept it a secret.

And now, this is the consequence of my so-called "ka-torpehan"

Muli akong naupo at tumingala.

I will wait for you to heal baby. I will wait until you'll come back. But if you love someone else then, i'll have no choice but to let you go.

I love you Scarlet. And i should have told you that a long time ago.

If only i had the courage to tell you back then, we could've been together right now.

If OnlyWhere stories live. Discover now