"Panget!"
Sigaw ng isang lalaki mula sa grupo ng mga estudyanteng nakatambay sa lilim ng puno sa gitna ng aming university. Nagtawanan ang mga ito. Of course hindi ako lumingon hello? Obvious na nga sinasabi pa. Ang hindi ko maintindihan sa mga tao alam naman na ng iba sinasabi pa nila tulad ng 'umuulan' , nakikita din kaya namin o kaya 'ang init' ,hello? Nararamdaman din namin. Pag alam mo na at alam na ng lahat wag mo ng ibroadcast pa.
Itinaas ko pa ang ang binabasa kong aklat yung tipong natatakpan na yung paningin ko para lang di ko sila makita. I was just sitting comfortably on the corner of the school not until they came. Inayos ko ang nalalaglag kong salamin sa mata ang hirap talaga ng walang kinakapitan. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ng isang nakakawiling komiks na nabili ko sa labas lamang ng school. Tumagal ang ilang minuto may naramdaman akong tumama sa ulunan ko tinitigan ko iyon isang lukot na papel. Nagsisimula na naman sila. Bumuga ako ng hangin. Kelangan ko na sigurong umalis dito?
"Hoy panget!"
I rolled my eyes upward. Magsawa kayo sa kakatawag niyo sa panget na yan. Inayos ko ang mga gamit kong nakakalat sa paligid at sa pangalawang pagkakataon inayos kong muli ang salamin ko sa mata.
"Evette!" Napahinto ako sa lakas ng boses ng tumawag sa akin. Si Kelly. Siya ang bestfriend ko. Kung ako pinagkaitan siya pinagpala. Taglay niya na yata ang lahat ng magagandang katangian sa buong mundo. Siguro kung may perfect siya yung beyond perfect. Kung ako pinagkakaguluhan dahil sa sobrang kapangitan siya pinagkakaguluhan dahil sa sobrang kagandahan. Siya yung apple ako yung uod. Siya yung paru-paro ako yung bangaw. Siya yung beauty ako yung beast. Sa madaling salita kelly is my exact opposite. Kaya nga yata kami naging mag bestfriend because opposite attracts.
Ibinalik ko ang tingin ko sa mga gamit na nakakalat sa lapag. Madalian ko silang inayos. Naramdaman ko ang papalapit na si kelly pero hindi ko ito pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa. Hinawakan nito ang balikat ko saka ako iniharap sa kanya. Walang emosyon ko itong tinignan ngumuso naman siya.
"Bakit na naman Evette? Galit ka ba sakin? Di mo ba ko narinig malakas naman yung tawag ko sayo pero di mo ko pinansin! Nakakatampo ka." Ngumuso pa ito lalo tsaka umarteng umiiyak. Naku sarap kalmutin ng mukha niyang mas makinis pa sa sahig ng bahay namin. Umiling ako tsaka tipid na ngumiti.
"No"
"Anong no? Hindi mo ko narinig o yung galit ka sakin?" Tinitigan niya ako. Nag iwas ako ng tingin tsaka muling inayos ang gamit ko. Isinabit ko na ang backpack ko sa magkabilang balikat ko matapos ko itong ayusin. Nilingon ko ang grupong pinagtitripan ako kanina as usual naagaw na ni kelly ang atensyon nila. That's good sa wakas tumahimik ang buhay ko kahit ilang minuto lang. Naglakad ako paalis pupunta na ko sa unang klase ko sumusunod naman sa akin si Kelly na hanggang ngayon busangot pa rin ang mukha dahil walang nakuhang sagot mula sa akin.
Wala pang tao ang bawat classroom na nadadaanan namin syempre maaga pa I prefer to go to school as early as I can. 401 ang room namin again ako ang nauna. Inilagay ko ang bag ko sa upuan ko tsaka ko inayos ang gulo gulo pang mga upuan. Sunod naman ng sunod sa akin si Kelly. Matapos mag ayos isinunod ko namang burahin ang mga nakasulat sa white board namin.
"Eveeeeeeette, My better half, my woman, my sister, my twin soul, my one and only? Anong problema? Kanina pa ko sunod ng sunod di mo pa rin ako pinapansin." Nakaupo na ito sa table ng professor namin. Nakasimangot pa din ito.
BINABASA MO ANG
I WISH
Teen Fiction"Love endures every circumstances; Love never loses hope, never loses faith and never give up." -Someone