Chapter 24 (Convo)

244 8 0
                                    

Chapter 24

Shirley's POV

after nung dinner ko with Drake's fam. mas naging close pa kami, kahit si Bench close ko na din.

buti nga naging close ko sila eh, kasi si Lexie ayun... laging si Paul nalang kasama, si Francis inaaya din ako kaso minsanan na lang dahil busy na sya sa studies nya.

Yung project namin ayun sa kadahilanang kami ang unang nakapagpasa at maganda ang aming project naka 98% din kami, okay noh? hahaha.

at dahil tuesday ngayon, wala kaming klase nandito ako sa school garden, MAG-ISA.

si Lexie kasi laging nawawala, miss ko na bessie ko, hayyyy. Feeling ko Loner ako.

"Shirley ba't mag-isa ka lang?" voice from my back

lilingon sana ako kaso tumabi na sya sakin

"Oh Bench, ikaw pala."

"Oo, hehehe. Nakita kasi kitang nag-iisa kaya lumapit na ko"

"Ganun ba, hehehe. Thank you! Actually feeling ko ang loner ko e, si Lexie kasi ayun busy kay Paul." nalulungkot na sabi ko.

"Eh si Francis? Saan na yung moks na yun? haha" natawa naman ako sa sinabi nya

"Ayun seryoso masyado sa pag-aaral, maiba nga ako ba't pala mainit dugo nyo sakanila?" tanong ko

"Di lang kami magkasundo, iba kasi ugali nila sa ugali namin. Di lang compatible. Haha" sabi nya

"Ganun, pero sana magkasundo din kayo... someday... hehe, by the way asan si Drake? parang di mo sya kasama? si Archie?"

"Si Archie, nandun sa caf kumakain, alam mo namang yun ang favorite nung gawin. Si Drake, nagpapractice, varsity kasi yun ng basketball. Captain pa yun" madalas nilang siraan si Archie, hahaha

"Eh ikaw ba? di ba varsity ka?" takang tanong ko

"Ah oo, kaso tamad ako kaya bangko lang ako haha!" ay Bench talaga.

"sipag nga eh" sabi ko tapos ngumiti sakanya

"Nako bolerang cute ka talaga" tapos pinisil nya yung pisngi ko.

naalala ko tuloy si Benj, lagi nyang ginagawa sakin yung pagkurot sa pisngi, I miss him so much..... kaso, masakit padin yung iniwan nya ko without a valid reason...

"Natulala ka dyan? hehe" tinusok nya yung tagiliran ko

"Ay sorry may naalala lang ako..." sagot ko

"Ano naman yun?" takang tanong niya

"Nahihiya ako eh" sabi ko

"Kwento mo na, satin lang 'to promise" sabi

naguguilty ako kay Lexie di ko makwento pero sakanya parang may nagtutulak na dapat ikwento ko sakanya yun, feeling ko maiintindihan nya ko....

ewan ko ba, magaang loob ko sakanya hindi dahil kamuka nya si Benj kundi dahil napakabait nya sakin.

"S-sige na nga..."

sabi ko

"Makikinig lang ako" sabi nya sabay ngiti

"Dati kasi sa UK, hahaha. Nagka-boyfriend ako. Mahal na mahal ko nga sya eh, answeetsweet nya kasi sakin, he's always taking care of me. Natutuwa nga ako eh kasi dati yung mga grades nya hindi na maisasalba eh pero nung naging girl friend nya ko, ayun kung ako top 1 sya yung top 2! Hehe" naluluha ako, naaalala nanaman kita Benjamin Jalbuena "Sorry naiiyak ako ah? H-hindi ko kasi kayang hindi umiyak everytime na maaalala ko sya, alam ko kasi mahal mahal nya ko, nung 2nd anniv. nga namin ang sweet nya eh, nagulat ako sa surprise nya... It was one of the happiest day of my life... siguro kaya nya nagawa yun kasi it will going to be the last, mahal na mahal ko sya, sinabi nyang mahal na mahal nya rin ako, that he won't last a day without seeing and hugging me. Pero ba't nagawa nya pa rin akong iwan? Iniwan nya ko without saying such a things to me, nagaaway kami lagi after our 2nd anniv. pero di naman nagtuloy yun eh, I can feel that he still love me, mahal na mahal ko sya. Pero iniwan nya ko, monthsary namin nakipagbreak sya, ginawa ko lahat nagmakaawa ako sakanya, lumuhod ako sa harap nya, pero di eh... sabi nya di sya tutulad sa daddy ko, he said that he won't leave like what my dad did to us when I was a kid. Akala ko sya na, yun pala he's like my dad. Akala ko mahal na mahal nya ko, dadating din pala yung time na iiwan nya ko, iniwan nya ko without a valid reason, halos ikamatay ko nung iniwan nya ko, mamatay matay ako. Di ko kasi kaya, di ko kayang mawala sya. At ngayon, di ko alam kung pano magmahal pa uli, I don't know how to love how to fall again, hanggang ngayon there's still a knife inside my heart, sirang sira pa rin 'to. Galit ako sakanya, pero ...."

di ko kaya, niyakap na ako ni Bench.

"P-pero mahal ko pa din sya, I still love him. Even if he hurts me a million times, mahal ko pa din sya eh. Pero di ko alam kung mapapatawad ko pa sya, sa lahat ng sakit. Sa hirap... pinagmuka nya kong tanga, he leaves me without a valid reason, explanation. Iniwan, binreak nya ko basta basta, biglaan... ansakit Bench, galit ako sakanya sa mundo pero putcha! Bakit mahal ko pa din sya?!" di ko na nakaya, taon din ang lumipas bago ko nailabas lahat ng sama ng loob ko..

A/N

thanks for reading :)

2-4 votes, I'll post the next UD ;)

One Thing (A Benjley/Drakeley Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon