KABANATA 1

2K 18 2
                                    

KABANATA 1
   
   "Gabi na Margarette,halika kana umuwi na tayo.Baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin...."
"Teka mamaya muna gusto ko pang tumambay dito sa silong ng mangga upang panuorin ang agos ng batis at ang nagkikislapang mga bituin sa langit"
  "Ngunit makakagalitan na tayo ng ating mga magulang..Tara na at ng magawa na natin ang ating takdang aralin sa ating tahanan.Hindi bat sabi ng ating guro ay ichecheck niya ito bukas na bukas bago tayo tumungo sa bagong aralin?"
   "Pero Carmela......O siya sige na nga ...panalo kana umuwi na tayo...kung yan ang gusto mo"

  Bata palang sila ay napakalapit na nila sa isat isa,bukod pa rito ang mga magulang nila ay matatalik na magkaibigan.Pareho silang may tinataglay na kagandahan,magkaganun man magkaiba sila ng tinataglay na anyo.Si Margarette ay maalaga sa sarili,palaayusin kumbaga na siyang kabaliktaran ni Carmela,maalaga din siya sa sarili at mas gusto ang simpleng ayos.Magkalayo ang tahanan ng dalawa mga dalawang kilometro ang pagitan ng kanilang mga tahanan.Ang papunta sa bahay nila Margarette ay madadaanan ang bahay nila Carmela.
  Madalas sabihin ng iba na mas maganda si Margarette dahil bukod sa palaayos ito,ay palangiti din siya hindi tulad ni Carmela na ayos na sa kanya ang simple na kahit hindi na magsuklay ay okey lang para sa kanya.Ngunit sa likod ng panlabas na anyo nito ay nagtatago ang kagandahan ng isang diyosa,para siyang diwata na bumaba sa kabundukan.

       Isang araw habang papauwi ang matalik na magkaibigan,masaya silang nagkwekwentuhan habang nagbibisikleta.Nagpupumilit si Carmela na ihatid si Margarette.Ngunit nagpumilit si Margarette"Marga" na kaya na niya ang sarili.

  "Ano ka ba Carmela,madadaanan natin ang bahay nio ,kaya dapat tumigil kana pag nasa tapat na tayo ng inyong tahanan"-Margarette

"Pero kasi.....kinakabahan ako e,"-Carmela

  "Best,paranoid ka lang,huwag ka ng mag -alala,mas lalo kang papangit"Ngumiti ng pagkatamis tamis si Margarette na para bang ito na ang huling ngiti niya sa matalik na kaibigan.

  "Sige kaw ang bahala...mag iingat ka sa daan"babala ni Carmela.

Humahangos ang ama ni Carmela ng dumating ito sa kanilang tahanan.Biglang kinabahan si Carmela dahil sa itsura ng ama ng itoy dumating.Kaagad niyang inilapag ang prinitong itlog.Tumutulong sia sa pagluluto ng agahan kay nana Isme.Wala na kasi ang kanilang ina.Namatay ito ng ipanganak si Cynthia.Mas matanda ng dalawang taon si Carmela kay Cynthia.

  "Pang..,may nangyari po ba?"-Carmela

"Anak huwag kang mabibigla ......a..a..ang kaibigan mo..."

"Ano pong nangyari sa kaibigan ko....?pang sabihin nio po.,,..pang magsalita kayo...na panu po sia? May masama po bang nangyari sa kanya?"naiiyak na sabi ni Carmela.

HACIENDA  CarmelaWhere stories live. Discover now