KABANATA 2

805 12 1
                                    


KABANATA 2
 
  "Anak si si si Marga ay..ay..ay,,"
"Pang sabihin niyo na!!!!"
"Huminahon ka anak...ang kaibigan mo ...patay na"umiiyak na sabi ng kanyang ama.
"A..ano po??!!"
Napaupo siya sa sahig at umiyak ng umiyak,halos hindi maproseso ng kanyang utak ang narinig na balita mula sa ama,ayaw niyang maniwala.

"Nak...natagpuan siyang patay isang kilometro mula sa bahay natin...na..nagahasa siya anak,ginahasa ang kaibigan mo..at ang masaklap pa hindi pa malaman ng mga awtoridad kung sino ang gumawa ng krimen....maaaring taga riyo din ang hayop na gumawa nun"malungkot at nanggagalaiting wika ng ama.

"Pang hindi yan totoo!! Nagbibiro ka lang diba pang?at sa tingin ko di yan magandang biro .....buhay pa si Marga.,nangako siya ..walang iwanan sabi niya...Ma.-marga bakit mo ako iniwan ...sinungaling ka sabi mo sabay tayong magtatapos,maglalakbay sa buong mundo pagkatapos sabay tayong mag-aasawa...huhuhu...ang daya daya mo naman...bakit ikaw pa??bakit ang aga Mo naman atang kinuha ang kaibigan ko Panginoon??ang bata pa niya..pareho lang kaming siyam na taong gulang...bakit?bakit?!!bakit?!!!!huhuhuhu".

  Tumayo si Carmela at tumakbo ng tumakbo hanggang sa natagpuan niya ang kanyang sarili sa paborito nilang tambayan ang mataba at malilim na mangga sa gilid ng batis kung saan dito nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ,ito rin ang saksi sa mga pangit at masasayang alala ng dalawa.Nagpatuloy ang pag agos ng kanyang luha ..napasandal siya sa puno.Hindi makapaniwalang wala na ang kaibigang itinuring narin niyang kapatid.Naniniwala siyang ang taglay na kagandahan ni Margarette ang nagpahamak sa kanya,sa sarili niyang opinyon naniniwala siyang mas maganda na itago nalang nia ang kanyang kagandahan upang di siya matulad sa mapait na sinapit ng pinakamamahal niyang kaibigan....kung gusto ka talaga ng isang tao,gugustuhin ka nya kahit ano pang itsura mo....Nakakatrauma para sa kanya ang nangyari.......parang kanikanina lang....masaya silang nagbibiruan.....

Nahirapan siyang tanggapin ang pagkamatay ng kaibigan...ngunit kailangang magpatuloy..inaamin niyang namumuhi siya dun sa rapist at hindi niya malaman kung kailan ito mapapatawad.Hustisya ang sinisigaw ng bawat isa.
 
Ng siyay magsekundarya mas pinili niyang mag home school nalang.Matalino siya,ang pamilya nila ang isa sa pinakamayamang pamilya sa kanilang komunidad.

  Elementarya palamang ang nakababatang kapatid ni Carmela na si Cynthia,pila pila na ang mga manliligaw nito.Na kahit kailan naman ay di pinansin ni Carmela.Wala siyang pakielam....seryoso siya lagi.

  Bukod sa pag aaral ang pag aalaga ng mga halaman na bulaklak at mga hayop ang kanyang pinagkakaabalahan.
   May alaga siyang kabayo.Ito ay si DIMETRIA,bata pa lamang siya ay magaling na siyang mangabayo.Sa murang edad tinuruan na siya ng kanyang ama na sumakay,mag paamo at magpatakbo ng kabayo.Hilig niya ring magluto lalo na ang pagbibake ng mga tinapay at cookies.Namana niya ang galing niya sa kusina sa kanyang namayapang ina na dating chef.

  Pangarap niyang magkaroon balang araw  ay magkaroon ng bakery with coffee and flower shop.
Ng siya'y magkolehiyo,napilitan siyang pumasok sa unibersidad ..,ang pinaka kilalang paaralan hindi lang sa lalawigan ngunit sa buong bansa.Nagtapos siya ng elementarya at sekundarya ng may mataas na rangko,validictorian siya ng siyay elementarya at rank 1 noong siya ay high school na kahit pa siya ay nag home schooling lamang.

   Dahil ngay binago niya ang kanyang hitsura,madalas siyang tawaging Panget.Ang kanyang maluwag na blusa na parang sweater na at ang kanyang pagkahaba habang palda na sinamahan ng naglalakihang salamin na halos lamunin na ang kanyang mukha.Ang kanyang istilo ng pananamit ang nagiging dahilan kung bakit weird siya sa paningin ng iba.

Wala siyang pakielam sa kanyang paligid basta pag-aaral lamang ang ipinunta niya sa unibersidad.Ni wala siyang kaibigan ....siguro????

Pero mayroon din namang nagtuturing sa kanya bilang kaibigan,si Gregory Nicholas.Bukod kay Marga wala na siyang naging kaibigan na kaedad nia sapagkat  ang itinuturing lamang niyang mga kaibigan ay ang mga nakakasalamuha niang mga trabahador.

  Si Gregory  Nicholas ay tulad din niyang baduy at nerd.Lagi itong nakajamper.Si Gregory o "Gregor" ay anak ng isa sa mga nagyayamanang haciendero sa kanilang lalawigan.
Si Gregor ay may lihim na pagtingin kay Carmela.Hindi niya maamin amin dahil baka magbago ang pakikitungo sa kanya ng dalaga.Ayaw niya itong mangyari,magka-edad lang si Carmela at Gregor.
 
   Mabait at seryoso kasi si Carmela kaya gustong -gusto siya ni Gregor.Si Gregor na nga ang nagpupumilit na isik sik ang sarili niya sa dalaga.Naiinis na nga ang dalaga sa kanya,ngunit dahil makulit ang binata ay hinahayaan na lanang ito ni Carmela.

  Hindi parin nakakaligtaan ni Carmela na dalawin ang puntod ni Margarette.Mabuti na lamang at nahuli na ang walang hiyang nangmolestiya sa kaibigan.Driver rin pala nina Marga ang salarin.Lingo-linggo binibisita ni Carmela ang puntod ng kaibigan.Pagkatapos niyang magsimba ay dumideretso siya sa sementeryo upang bisitahin ang puntod ng kanyang ina at ng kanyang matalik na kaibigan.

HACIENDA  CarmelaWhere stories live. Discover now