KABANATA 3
Isang linggo bago ang pasukan mag thi third year college na siya samantalang ang kanyang kapatid nasi Cynthia ay mag fifirst year college na din.Sa edad na dalawampu wala pang naging nobyo si Carmela,bukod pa dito wala naman kasing nanliligaw sa kanya.Samantalang si Cynthia ay dise otso na. Nagkaroon na ito ng nobyo hindi tulad ng ate ngunit hindi ito nagtagal sapagkat naramdaman ng dalaga na hindi pa ito ang tamang panahon na magnobyo lalo nat hindi pa pala siya handa.
Kahit walang balak si Cynthia na magkaroon ng nobyo pila -pila parin ang manliligaw niya.Karamihan sa mga manliligaw niya ay galing pa sa mayayamang angkan.
Malapit sa isat isa ang magkapatid na Carmela at Cynthia.
Sa dalawang buwang bakasyon, ginugol ni Carmela sa pag-aalaga ng mga halaman at bulaklak ang kanyang oras,sapagkat mayroon siyang flower shop.Madalas namang maglagi sa taniman ni Carmela si Gregor.Hinahayaan na lang ito ni Carmela .May mga araw na tinutukso sila ng mga katiwala ng pamilya niya ginagatungan din ito ni Cynthia kung saan siya pa minsan ang pasimuno sa panunukso sa dalawa.Madalas sabihin ng mga katiwala nina Carmela ang "Alam mo nak,bagay kayo ni senyorito Gregor"
Iling at tipid na ngiti na lamang ang isinasagot ni Carmela sa mga ganyang pagkakataong tinutukso sila.Samantalang si Gregor ay sinasakyan ang kalokohan ng mga matatanda .
Gustong-gusto ni Gregor ang panunukso nila Cynthia sa kanila ni Carmela,sapagkat inaasam niya na sana sa pamamagitan ng panunukso ng mga tao sa kanilang dalawa ay maramdaman ni Carmela na pay pagtingin ang binata dito.
May nakatatandang kapatid si Gregor ngunit wala ito sa probinsya,nasa Maynila ito kasama ang mga iba pa nilang pinsan.Sa kanilang probinsya,may apat na malalawak na hacienda.Ang Hacienda ESMERALDA pag mamay -ari ng pamilya nina Gregor,ang pangalan ng hacienda ay nagmula sa nanay ng lolo nina Gregor,pangalawa ang pamilya nila sa pinakamayamang pamilya sa bansa sapagkat marami din silang mga negosyo na nagkalat sa bansa.Kabilang din sa apat din ang mga hacienda SAMANIEGO AT Hacienda SALVADOR.Ang pang huli ay an HACIENDA GONZALO DE BERCEO kilala ang angkang nag mamay ari nito sa buong asya mapa agrikultura at industriya.Ito ang pinaka mayamang pamilya sa bansa.
Ang probinsya ay may dalawang bayan o lungsod ang Sta.Maria at lungsod ng Taliwan.
Binubuo ng apat na pung munisipalidad ang probinsya na halos sakupin na ng apat na hacienda.Ang probinsyang ito ang pinaka malawak at pinakamalaking probinsya sa bansa.Walang kompitisyon sa apat na hacienda sapagkat ang mga ito ay magkaka mag anak.Kung kayat kung mag reunion ang mga ito ay bongga pa sa kasalan ng mga maharlikang pamilya sa ibang bansa.Ang pagtitipong ito ang laging inaabangan ng mga mamayan lalo na ng mga kadalagahan.
YOU ARE READING
HACIENDA Carmela
General FictionThis story is all about love/romance in the fields. A man left his town to fulfil his dream,years pass by and he came back in his home town and met an awesome woman named Carmela, the girl he never notice. This story used Filipino Language specific...