Chapter 7

54 0 0
                                    

(Day 04 *Puntana Resort*)

LESTER'S POV.

Nag lalakad lakad lang ako ngayon sa tabi ng dagat. Naalala ko kasi si Judy. Naalala ko din yung binigay na Diary sakin ng mama niya.

Parang ayaw ko pa basahin. Pero satingen ko, dito ko makukuha lahat ng sagot sa tanong ko.

Dear Diary,

Lester Giri, Unang kita ko pa lang sayo minahal na kita. Dati hindi ako naniniwala sa Love at First Sight. Pero simula nung araw na nakita kita, Naniwala na ako. Minahal kita hindi bilang kaibigan, kung hindi bilang ikaw. Alam ko marami tayong pagkakaiba, Pero alam ko din na yung pinagkakaiba natin ang maglalapit satin para sa isat't isa. Love is not perfect.

Dear Diary,

Nagpa check up ako. Pero hindi alam ni mama na nagpachek up ako. Tumakas lang ako. Sabi ng Doctor, Malubha na daw ang sakit ko at hindi na ako mag tatagal. Ayaw ko na sana labanan ang sakit ko, Pero sabi ko, Hindi pa ako pwedeng mamatay kasi hindi pa kita nakakasama lester.

Dead Diary,

Araw araw akong kumukupit ng pera kay mama, Para lang makabili ako ng gamot ko. Gustong guso ko na sumuko nuon. Pero tuwing nakikita kita, nabubuhayan yung loob ko. Kahit na alam kong hindi mo ako mahal.

Dear Diary,

Ang sakit lang malaman na walang paki sakin si mama. Kahit nakita na niya akong namumutla, at nahihirapan. Tinitignan lang niya ako. Wala siyang ginagawa. Napakasakit kasi hanggang ngayon, Kapatid ko pa din ang iniisip niya. Ano ba meron sa kapatid ko na wala sakin? Matagal ng namatay ang kapatid ko, pero araw araw ko pa din pinag babayaran ang pagkawala niya. Bakit ba hindi ako kayang mahalin ng mama ko tulad ng pag mamahal niya sa kapatid ko?

Dear Diary,

Gusto kitang lapitan dati lester, Gustong gusto kitang yakapin, Gusto kong makasama ka, Gusto kong makausap ka. Pero alam ko lahat ng yun hindi matutupad. Kasi alam ko kahit kailan hindi mo ako matatangap. Minahal kita, Lester. Kahit alam kong masasaktan lang ako. Kasi alam ko naman na hindi mo kayang suklian ang pagmamahal ko para sayo. Kaya mo bang mahalin ang taong alam mong mawawala na? Hindi diba? Kaya hindi na ako umasa, sapat na sakin ang mahalin ka.

Dear Diary,

Salamat Lord. Tinupad mo ang dasal ko. Makakasama ko na din si Lester. Salamat. Ngayon makakasama na kita, handa na ako mamatay. Kasi alam ko bago ako mamatay, makakasama ko ang taong mahal ko. Masaya na ako dun.

Dear Diary,

Hindi pa ata ako makakapunta sa meeting place namin ni Lester. 1:30 na. 1pm pa naman usapan namin. Si mama kasi e, nakaupo sa salas. Hindi ako makalabas. Lord please. Sana makasama ko siya.

Dear Diary,

Nanghihina na ako. Nararamdaman ko, hindi na ako mag tatagal. Malapit na ang oras ko. Atleast makakasama ko naman na ang mahal ko. Okay na sakin yun. Kung mababasa mo to, sana malaman mo na, mahal na mahal kita lester. Sobra. I love you Lester Giri.

Sana sinabi mo sakin Judy. Edi sana naipagamot ka namin ni mama. Edi sana ngayon masaya tayo, edi sana ngayon buhay ka pa. Sana binigyan mo ako ng maraming araw para makasama ka. Sana hindi ka natakot. Sana kinausap mo ako nuon pa. Nag mamahal ka ng totoo diba? Pero bakit kinatakutan mo ang paglapit sakin? Judy mahal na mahal kita. Nakalimutan ko si Naam dahil sayo.

"Lester my problema ba?" Si Daniel. Buti na lang dumating si Daniel. Siya lang ang pwede kong sandalan.

"Daniel. Naalala ko si Judy. Bakit ganito? Kailangan ba ganito kahirap? Ano ba nagawa kong mali? Bakit lahat ng minamahal ko, iniiwan ako?"

"Kasi hindi naman sila ang para sayo. Dadating at dadating ang araw na iiwan ka nila, at dadating din ang araw na makikilala mo ang taong para sayo."

"Daniel siya lang ang mahal ko. Si judy lang"

"Yan din sinabe mo kay Naam diba? Pero nagawa mong mahalin si Judy ng higit pa sa pagmamahal mo kah Naam."

"Pero---"

"Walang pero pero, Lester. Wag kang nag mamadali. Baka dahil sa pag mamadali mo, magkamali ka ng taong mapili. Masasaktan ka lang. Hintayin mo na lang. Gagawa ng paraan ang tadhana."

"Hindi na ako naniniwala sa Tadhana, Daniel."

"Maniwala ka. Dahil kung hindi sa tadhana, hindi mo makikilala si Judy at Naam."

"Ako ang dahilan kung bakit nakilala ko sila. Hindi ang tadhana."

"Pero Tadhana ang naging dahilan kung bakit dumating sila sa buhay mo."

Niyakap ko na lang siya. Niyakap niya din ako. Walang malisya, kailangan ko lang talaga ng kaibigan na masasandalan.

"Salamat Daniel."

"Wala yun. Tara na. Balik na tayo sa tent. Baka hinahanap na nila tayo."

Bumalik na kami ng tent. Pinunasan ko ang mata ko. Ayaw ko kasi makita nila na malungkot ako.

----

KATHRYN'S POV.

Bumalik na sila Lester at Daniel. Saan naman kaya galing ang dalawang to?

Mukhang my lungkot sa mukha ni Daniel. Ano ba meron?

Niyaya ako ni Daniel sa Rooftop. Ewan ko ba dito. My problema ata.

"Kath."

"Babalik pa kaya siya?" Namimiss nanaman niya ang babaeng yun.

"Ewan. Siguro. Walang nakakaalam. Pero kung nasan man siya ngayon. Alam ko naalala ka din niya at namimiss ka din niya. Naalala mo? Nangako siyang gagawin niya ang lahat makabalik lang siya dito."

"Pagbumalik siya. Mamahalin ko talaga siya ng sobra sobta. Ibibigay ko lahat. Gagawin ko yung mga bagay na hindi ko pa nagawa sakanya before."

"Wag mo ibibigay lahat, Daniel. Wag ka din mag mahal ng sobra sobra. Baka hindi mo alam, my nasasaktan ka na din na ibang tao."

"Pero kath---"

"Baka hindi mo namamalayan, lumilipas na pala ang araw, na kunti kunting nawawala ang mga taong nag mamahal sayo. Wag lang siya. Pansinin mo din ang iba

"Hindi mo kasi ako naiintindihan, Kath. Hindi ka pa kasi nag mamahal ng sobra."

"Wala kang alam tungkol sa nangyare sa Love life ko, Daniel. Minsan na din akong nag mahal ng sobra sa isang taong nagpapakatanga din para lang sa isang babae. Naramdaman ko, ang balewalain ng taong mahal ko, ang hindi pansinin ng mahal ko. Umasa, Nasaktan, Niloko. Lahat yan naramdaman ko. Kaya wag kang magsasalita dahil wala kang alam."

"S-sorry, Kath."

"Alis na ko."

"Wait, Kath."

"Leave me alone, Daniel."

"I'm sorry. Please."

"Go away. Leave me alone."

"Kath I'm sorry. Please Let me explain. Hindi ko naman alam."

"Wala ka talagang alam, Daniel. Ni-minsan ba tinanong mo kung okay lang ako? Ni-minsan ba tinanong mo kung kamusta na ako? Ni-minsan ba nagkaron ka ng pakialam tungkol sa nangyare from the past? Ni-minsan ba nagkaron ka ng pakialam sakin? Oo best friend tayo. Pero sa ipanapakita mo sakin, Parang ako lang ang my paki sayo. Inintindi kita pag ikaw nakakagawa ng mali, Pero pag ako nakagawa, Kung magalit ka parang ang laki laki ng kasalanan ko. Sorry daniel. But I don't need you anymore in my Life."

Bigla na lang lumabas ang lahat ng to sa bibig ko. Hindi ko to gustong sabihin. Nabigla lang ako.

"I'm sorry, Kath."

"It's too late."

Naglakad na lang ako palayo. At hindi na lumingon sakanya. Nakita ko ang mga mata niya, parang gustong gusto niya umiyak pero pinipigilan niya lang.

I'm sorry, Daniel. Pero kailangan muna kitang layuan.

Friends with Hidden AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon