Two

2.1K 15 0
                                    

" I love you so much love. Hindi kita lolokohin. Kung dati sa tingin mong nanloloko ako ng ibang babae, hindi ko gagawin yun sayo. Nagbago na ako"

At bigla akong nagising... 3 years na since huli kong narinig sa kanya ang mga katagang iyon. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, kabisadong kabisado ko pa rin ang mga sinabi nya. Gusto nyo bang malaman kung anong nangyari? Eto..

*flashback*
"Lessa!!!! Lessaaa!!!!" Naririnig kong tawag saki ng kaibigan kong si khrischa. Enrollment na kasi namin sa papasukan naming university kaya nagsabay na kami ng araw magenroll.

Hinihingal syang lumapit sa akin. "Saan ka ba kanina? Hindi mo naman ako hinintay sa pathwalk eh!" Sabi nya. Pinaliwanag ko na lang sa kanya na hinatid ako ng mama ko dito mismo sa cashier kaya sinave ko na lang sya ng upuan para sabay kaming magbayad. Since 1st year highschool pa kami magbest friends. Bale 5 years na kaming magkaibigan :). Nagulat ako nang bigla nya akong hampasin sa hita habang nakatingin sa babaeng papalapit sa amin.

"Sheerrrrrryyyyylll!!!" Sigaw nya habang nakapila kami. Gaya nga ng inaasahan, napalingon ang kanyang tinawag at dali-dali itong lumapit sa kanya. "Khrischa!!!!! Oh my! Namiss kita insan!" Sabay yakap sa kanya. "Dito ka rin ba mag aaral? Oh my, same course tayo saka subjects! Sasama na kami lagi sa iyo ni Lessa! Mas may alam ka dito sa school na ito kaysa amin eh" sabi ni khrischa. Simula noong araw na iyon, lagi na kaming tatlo na magkasama sa lahat ng lugar at sa lahat ng oras.

Isang araw...

"Miss, may nakaupo po ba sa tabi nyo? Puno na po kasi yung may individual seats, okay lang ba akong makiupo?" Sabi nung lalaki na nakatayo sa harap ko at bitbit ang isang tray. Nag isip muna ako kung papayagan ko ba o hindi, kasi baka mamaya dumating sila khrischa at magtaka kung sino ito. Pero sa huli, pinayagan ko na lang syang umupo sa tabi ko. Umupo na sya at biglang inabot ang kama-
*end of flashback*
"Hhhhoooyyy!!!! Bakit ka tulaley jan?!!" Sigaw sakin sa tenga ni khrischa kaya nawala ako sa pagkatulala ko. Nasa iisang dorm lang at kwarto kasi kaming tatlo kaya etong si khrischa, nakabuwelo agad para buwisitin ako -_- . "bakit ka nakatulaley? Anyare teh? Bangagmuch?" Pagpasensyahan nyo na yan. Madalas kasi syang turuan ng ate nya ng beki lingo kaya may halo na yung iba nyang salita. "Wala. Wala ito. " sabi ko naman sa kanya. Ayaw ko na kasing sermonan ako nyan kaya sinabi ko na lang na wala. Natahimik naman sya noong sinabi ko na walang dahilan.. Nagmadali na lamang akong naligo at nagbihis dahil malalate na ako...

Kahit anong mangyari, maghihintay pa din ako sa iyo Love...

----------------------
Hey guys! Balak ko sanang 10 chapters per publish, kaso, nakakamiss yun masyado kaya everyday na lamang ako maguupload :) abangan ang continuation bukas :*

Love Comes UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon