--
Nakasandal ako sa iyong dibdib habang ramdam na ramdam ko ang euphoria o lubos na kasiyahan. Napakasarap sa pakiramdam. Sobrang sarap. Hanggang ngayon wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sayo, sa pakiramdam na iyon.
May gusto ako sayo. Sa katunayan ay mahal na kita. Hindi ko alam kung bakit. Siguro'y dahil sa iyong katangian. Maginoo, gwapo, at suplado. Habang ako'y nakaupo, nagmumukmok, at bakas sa mukha ang kalungkutan, tinabihan mo ako at kinausap. Tahimik lang ako. Hindi ko hinayaang magsalita ang puso ko. Ang nais ko nang mga pagkakataong iyon na katabi kita ay mapansin mo ang lihim kong nararamdaman para sayo. Matagal mo rin akong kinausap, sinuyo. Hanggang sa pinagbigyan mo ang nararamdaman ko.
Eto ang unang araw na nagkaroon ng "tayo". Ang bilis ngunit para sa akin tila dekadang panahon ang inabot para magkaroon ng "tayo".
Pinakita mo sakin ang isang maliit na papel na puno ng mga pangarap mo para sakin. "Relationship goals" ika nga. Pumunta dito, kumain doon, gawin ito, atbp. Niyakap mo ako. Bumigay nako. Nanlumo ang pakiramdam ko sa saya na sa kabila pala ay may plano ka para sating dalawa. Isinandal mo ang ulo ko sa iyong dibdib habang tayo ay nakaupo. At ako naman ay tumugon. Niyakap kita. Ramdam na ramdam kita. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal mo. Ramdam na ramdam ko ang init ng iyong katawan. Sobrang saya talaga sa pakiramdam na animo ako'y nasa langit. Ngunit habang dinadamdam ko ang init na yun ay saka ko naisip na malamang ito'y panaginip lang. Nais nang dumilat ng mga mata ko ngunit pilit kong ipinipikit. Ayoko pa! Ayoko pang mawala ang pakiramdam na yun. Masaya ako. Sobra! Ngunit kailangang magising upang harapin ang katotohanan. Katotohanang ito'y panaginip lang. Katotohanang ika'y hindi sa akin. Katotohanang hanggang pangarap lang kita.
**
Ipinikit ko ang aking mga mata at sa ikalawang pagkakataon, binigyan mo nanaman ng pag-asa ang puso kong pangalan mo ang isinisigaw.
Kapwa tayo nakahiga sa damuhan habang pinagmamasdan ang asul na kalangitan. Habang dinarama ang malamig na ihip ng hangin. Habang pinapakinggan ang huni ng mga ibon. Hinawakan mo ang kaliwang kamay ko, at ipinatong sa kaliwang parte ng dibdib mo. Ramdam ko ang mabilis at malakas na kabog ng puso mo. Ipinikit ko ang mga mata ko, at pinakinggan ang tibok ng puso ko habang dinarama ko naman ang sa’yo. Iisa ang ritmo ng bawat tibok ng mga ito. Parang nagsasabing, ikaw at ako ang dahilan ng pagtibok ng mga ito. Ikaw sa puso ko, at ako sa puso mo.
Ilang sandali pa ay binitiwan mo ang kamay ko, napadilat ako sa ginawa mo. Mabilis kong itinuon ang paningin ko sa gilid ko upang siguraduhing, ikaw pa rin ang nasa tabi ko. Paglingon ko’y nginitian mo ako. Tumatalon ang puso ko sa tuwing nakikita ko ang magandang ngiti mo. Inilapit mo lalo ang mukha mo sa mukha ko. Tinitigan kita sa mga mata, at ganoon din ang ginawa mo. Kitang-kita ko ang repleksyon ko sa makikinang mong mga mata. Mas lumapit ka pa kaya naman hindi ko napigilang ipikit muli ang aking mga mata.
Ramdam ko ang bawat paghinga mo. Mas lalo pang lumakas ang kabog ng dibdib ko. Napasinghap ako nang idampi mo ang mga labi mo sa noo ko, pababa sa ilong ko, at sa mga labi ko. Hindi ko maipaliwanag ang nadarama ko. Parang gustong kumawala ng puso ko mula sa dibdib ko. Parang may nagliliparang paru-paro sa loob ng sikmura ko. Ganito pala ang pakiramdam ng mahalikan ng taong pinakamamahal mo. Parang may mahika. Parang may umaawit na anghel sa paligid ‘nyo. Wala ng iba pang gaganda sa pakiramdam na ito.
Ilang segundo lamang ay naramdaman ko ang paglayo ng labi mo sa labi ko. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap mula sa’yo. Napangiti ako. Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Isiniksik ko ang mukha ko sa dibdib mo, at pinakinggan ang bawat pintig ng puso mo, hanggang sa unti-unti itong naglaho, kasabay nito ang pag-luwag ng yakap mo.
Maya-maya pa’y idinilat ko ang mga mata ko. Kumirot ang puso ko nang makitang wala ka na sa tabi ko. Unti-unting umagos ang mga luha mula sa mga mata ko. Ang magandang kalangitan ay napalitan ng puti at konkretong kisame na gawa sa bato. Pati ang hangin ay para bang kasama mong nawala. Hindi ako makahinga. Ang kaninang huni ng mga ibon, ay napalitan ng pag-hikbi ko.
Noon ko napagtanto na, panaginip lang pala ang lahat. Mas lalong nanikip ang dibdib ko. Pati ang mga paru-paro kanina ay unti-unting nanlumo.
Totoong ngang hanggang sa panaginip lang kita makakasama. Totoo ngang hanggang pangarap lang kita. Ngunit, buong puso ko pa ring pinapanalangin na, sana ay totoo ka. Buong puso kong ipinapanalangin sa Diyos na sana ay mayroong tayong dalawa.
The end.
AerïnHaven©2017
BINABASA MO ANG
Panaginip (One-Shot)
PoetryThe future belongs to those who believe in the beauty of their dreams. ©2018